18/06/2026
๐ข ๐ก๐ฆ๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill
Ngayong ika-18 ng Hunyo 2026, matagumpay na naisagawa ang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Pasong Tamo Elementary School at Barangay Hall ng Pasong Tamo.
Sa pamamagitan ng sabayang pagsasanay na ito, muling pinaalalahanan ang lahat ng kahalagahan ng pagiging handa sa oras ng lindol. Isinagawa ang wastong โDuck, Cover, and Holdโ at maayos na evacuation procedures upang masig**o ang kaligtasan ng bawat isa sakaling magkaroon ng aktwal na sakuna.
Ang aktibidad na ito ay naisakatuparan sa pamumuno ng ating butihing Kapitana Tricia C. Pilar at ng buong konseho ng Barangay Pasong Tamo, katuwang ang mga fire volunteer groups: TP Fire and Rescue Volunteers, Knights Fire and Rescue Volunteers, at BP Fire and Rescue Brigade na patuloy na nagsusulong ng kaligtasan at kahandaan ng komunidad.
Gayundin, pinasasalamatan ang mga g**o, mag-aaral, kawani, at mga opisyal ng barangay na aktibong nakiisa sa nasabing gawain. Ang inyong kooperasyon at disiplina ay patunay ng isang komunidad na handa at nagkakaisa para sa kaligtasan ng lahat.
Ang patuloy na pagsasagawa ng mga ganitong aktibidad ay mahalaga upang mapalakas ang kamalayan, kahandaan, at kakayahan ng bawat isa sa pagharap sa mga hindi inaasahang sakuna.
Sama-sama nating isulong ang isang ligtas, handa, at matatag na komunidad!