11/09/2026
PNP ACG
SMC NO. 1923
๐๐๐ ๐๐๐, ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Patuloy na pinatitibay ng PNP Anti-Cybercrime Group (PNP ACG) ang kampanya nito laban sa cybercrime matapos makapagtala ng dalawang (2) kasong nagresulta sa paghatol sa iba't ibang paglabag sa batas sa loob ng isang linggo mula ika-28 ng Agosto hanggang ika-3 ng Setyembre ngayong taon.
Kabilang dito ang isang (1) kaso ng Slander, sa ilalim ng Article 358 ng Revised Penal Code, na pinangunahan ng Regional Anti-Cybercrime Unit 5 (RACU 5) sa Virac, Catanduanes, at isang (1) kaso ng paglabag sa Section 5(d) ng Republic Act No. 12010 o Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA), kaugnay ng Section 6 ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, na pinangunahan ng Eastern District Anti-Cybercrime Team (EDACT) sa Makati City.
Sa kabuuan, nakapagtala ang PNP ACG ng dalawang (2) kasong nagresulta sa paghatol, na nagpapakita ng patuloy nitong pagsisikap na matiyak ang pananagutan ng mga indibidwal na sangkot sa mga paglabag na may kaugnayan sa cybercrime.
Ang mga accomplishment na ito ay bunga ng masusing imbestigasyon, intelligence monitoring, digital forensic examination, cyber patrolling, at mahigpit na koordinasyon ng PNP ACG sa mga complainants, at iba pang law enforcement agencies upang matiyak ang agarang pagpapatupad ng batas at paghahatid ng hustisya sa cyberspace.
Alinsunod ito sa direktiba ni Chief, PNP, Police General Jose Melencio C. Nartatez, Jr., na paigtingin ang kampanya laban sa cybercrime at tiyakin ang mabilis at epektibong pagpapatupad ng batas sa cyberspace.
Samantala, binigyang-diin ni PNP ACG Director, Police Major General Wilson C. Asueta, na ang mga accomplishment na ito ay patunay ng dedikasyon ng PNP ACG sa pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng isang ligtas at mapagkakatiwalaang digital space.
"Patuloy naming hinihikayat ang publiko na maging mapanuri at responsable sa paggamit ng internet. Ang maagap na pag-uulat ng mga kahina-hinalang aktibidad online ay mahalaga upang maiwasan ang pagdami ng mga biktima at mapabilis ang paghahatid ng hustisya," pahayag ni PMGEN Asueta.