Quirino Memorial Medical Center

Quirino Memorial Medical Center A not-for-profit institution, QMMC is wholly owned by the government of the Philippines and the flag.

HANDOG NG PANGULO 2026: SERBISYONG SAPAT PARA SA LAHAT, HATID NG QMMC! 🏥Buong-pusong nakiisa ang Pang-Alaalang Sentrong ...
15/09/2026

HANDOG NG PANGULO 2026: SERBISYONG SAPAT PARA SA LAHAT, HATID NG QMMC! 🏥

Buong-pusong nakiisa ang Pang-Alaalang Sentrong Medikal Quirino (QMMC) sa programang “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat,” isang inisyatibo sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na isinagawa noong ika-14 ng Setyembre 2026.

Layunin ng programa na mailapit sa mamamayan ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan at iba pang pangunahing serbisyo ng pamahalaan, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng isang mas inklusibo at accessible na serbisyong publiko.

🩺 MGA SERBISYONG HATID NG QMMC:

🔹 Medical Check-up, Consultation, Laboratory, and Imaging Services – Nagbigay ng serbisyong medikal, konsultasyon, laboratory examinations, at imaging services upang matugunan ang pangunahing pangangailangang pangkalusugan ng mga benepisyaryo.

🔹 PhilHealth Services
• PhilHealth Verification
• PhilHealth YAKAP Enrollment
• PhilHealth GAMOT Services

🔹 PSA Services
• National ID Registration
• Issuance of National ID in Paper Form (ePhilID)
• Assistance in Accessing the Digital National ID
• National ID Updating Services

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga ahensya ng pamahalaan at mga pampublikong institusyon, patuloy nating isinusulong ang serbisyong mas abot-kamay, mas mabilis, at mas para sa bawat Pilipino.

Handog ng Pangulo. Serbisyong sapat para sa lahat!


🎉REHIYON-REHIYON SA QMMC – MATAGUMPAY!🎉 Matagumpay na naidaos ang pakiki-isa ng Pang Alaalang Sentrong Medikal Quirino s...
29/08/2026

🎉REHIYON-REHIYON SA QMMC – MATAGUMPAY!🎉

Matagumpay na naidaos ang pakiki-isa ng Pang Alaalang Sentrong Medikal Quirino sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 sa pamamagitan ng Institutional Conference na ginanap nitong 26 Agosto sa Bulwagan ng QMMC.

Sa pangunguna ng Lupon sa Wikang Filipino, ginawang interaktibo ang pangkaraniwang kumperensya, kung saan nagsagawa ng “BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2026: REHIYON-REHIYON SA QMMC!” ang “Timpalak sa Malikhaing Paghahanda ng Booth at Pagkaing Panrehiyon.”

Ang unang bahagi ng kumperensya ay naging makabuluhan dala ang mga aral at kaalaman na ibinahagi ng butihing tagapagsalita, ang Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino, Atty. Marites A. Barrios-Taran. Tinalakay niya ang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.” Pinapakita nito ang kahalagahan ng paggamit ng Artificial Intelligence (AI) kasabay ng wikang Filipino. Layunin nitong maging gabay para sa responsableng pananaliksik at pagpapalawak ng kaalaman gamit ang makabagong panahon.

Ang ikalawang bahagi naman ay ipinaranas sa bawat Qawani na makapagalakbay sa iba't-ibang rehiyon ng Pilipinas ng hindi gumagastos ng malaki sa pamamagitan ng pagpapamalas ng mga natatanging kultura at masasarap na pagkain na inihanda ng bawat dibisyon na kanilang rehiyong pinangangatawan. Masaya, Masarap at Makabuluhan ang naging bahaging ito sapagkat ipinamalas ang pagkakaisa, kaalaman at kasiyahan ng bawat Qawani na talaga namang nagpapatunay na ang mga Qawani ay may De-Kalidad na Serbisyo, Alagang QMMC.

Lubos na nagpapaabot ng pasasalamat ang buong QMMC Lupon sa Wikang Filipino sa tagumpay nito sa butihing Puno ng Sentrong Medikal II Dra. Evelyn Victoria E. Reside at sa buong pamunuan ng QMMC kasama na rin ang buong QMMC Employees Association Inc.





REAL-TIME MONITORING NG DOH-QMMC SA ICU PATIENTS NG DOH-CSGH SA CULION, PALAWAN SA TULONG NG TELE-ICUOpisyal nang inilun...
20/08/2026

REAL-TIME MONITORING NG DOH-QMMC SA ICU PATIENTS NG DOH-CSGH SA CULION, PALAWAN SA TULONG NG TELE-ICU

Opisyal nang inilunsad ng DOH-Quirino Memorial Medical Center (QMMC) ang Tele-ICU Program, na nagbibigay-daan sa real-time monitoring at specialist support para sa mga pasyenteng naka-admit sa ICU ng DOH-Culion Sanitarium and General Hospital (CSGH) sa Palawan.

Nagagawang iaabot ang specialized services ng DOH-QMMC, isang Level 3 hospital sa Quezon City, sa DOH-CSGH, isang Level 2 hospital sa Culion.

Sa tulong ng Tele-ICU:
âś… Naisasagawa ang virtual rounds
âś… Tuloy-tuloy na nababantayan ang kondisyon ng mga pasyente
âś… Nabibigyan ng agarang clinical support ang mga doktor, nurse, at iba pang healthcare workers sa CSGH

Layunin din nitong mabawasan ang pangangailangang ilipat ang mga pasyente sa mainland para lamang magkaroon ng access sa specialized critical care.

Kasabay nito, inilunsad din ang QALINGA Center, isang programa para sa mas inklusibo, gender-responsive, at patient-centered na reproductive healthcare.

Kabilang sa mga flagship initiative nito ang Project LAYA, na naglalayong mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa Women Deprived of Liberty, partikular sa mga nakararanas ng endometriosis, chronic pelvic pain, at iba pang reproductive health concerns.





đź§ đź’ˇ QMMC ANNUAL RESIDENTS' INTERESTING CASE PAPER PRESENTATION CONTEST 2026 đź§ đź’ˇKasabay ng pagdiriwang sa ika-73 na taong a...
20/08/2026

đź§ đź’ˇ QMMC ANNUAL RESIDENTS' INTERESTING CASE PAPER PRESENTATION CONTEST 2026 đź§ đź’ˇ

Kasabay ng pagdiriwang sa ika-73 na taong anibersaryo ng QMMC, matagumpay na naidaos ang ANNUAL RESIDENTS' INTERESTING CASE PAPER PRESENTATION CONTEST 2026 sa pangunguna ng Hospital Research Committee, katuwang ang Center for Neurological Sciences – Department of Adult Neurology at ang Yunit ng Edukasyong Propesyonal, Pagsasanay at Pananaliksik na ginanap via Zoom sa Pang-alaalang Sentrong Medikal Quirino ngayong ika-20 ng Agosto 2026.

Ipinamalas ng ating mga kalahok ang kanilang kahanga-hangang mga pananaliksik, na bawat isa’y layong mag-ambag sa pagsulong ng kalusugan sa pamamagitan ng masusing pag-aaral.

Narito ang mga nagwagi:
🎉1ST PLACE:
DR. MARK DARREL B. UROA – Departamento ng Ciruhiya
“The Plot Thickens: Giant Retroperitoneal Mature Teratoma with Long-Segment Inferior Vena Cava Thrombosis in a 19-Year-Old Man”

🎉2ND PLACE:
DR. STACY DANA D. SAN DIEGO – Departamento ng Dermatolohiya
“Secondary Syphilis with Rare Cutaneous Variants: Pseudolymphomatous, Anetodermic, and Rupioid Presentations”

🎉3RD PLACE:
DR. GAIL FRANCCESCA F. ZABALA – Center for Neurological Sciences – Department of Adult Neurology
“Balancing High-Dose Methotrexate Therapy, Renal Allograft Preservation, and Immunosuppression in Very Late-Onset Primary Central Nervous System Post-Transplant Lymphoproliferative Disorder: A Case Report”

Pinaaabot din ng pamunuan ang taos-pusong pasasalamat sa panel ng mga hurado na sina Dr. Manuel S. Vidal Jr., Dr. Alduz Inri S. Cabasa at Dr. John Vincent U. Magalong, na naglaan ng oras upang masusing suriin ang mga pananaliksik at magbigay ng makabuluhang puna.

Ang ganitong mga aktibidad ay nagpapakita ng patuloy na pagsusumikap ng QMMC na itaguyod ang mataas na pamantayan ng edukasyon at serbisyo sa komunidad.




Seremonya ng Pagpaparangal 🏅Gawad Qawani of the YearGawad Pinuno Model Office Awardees Years in Service Awardees
17/08/2026

Seremonya ng Pagpaparangal 🏅

Gawad Qawani of the Year
Gawad Pinuno
Model Office Awardees
Years in Service Awardees

đź’š 399 KAWANI, ISANG ARAW NG ALAGA AT WELLNESS! đź’šNaging matagumpay ang isang buong araw na Health & Wellness Day ng Quiri...
14/08/2026

đź’š 399 KAWANI, ISANG ARAW NG ALAGA AT WELLNESS! đź’š

Naging matagumpay ang isang buong araw na Health & Wellness Day ng Quirino Memorial Medical Center (QMMC) noong Agosto 13, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 73rd Anniversary ng ospital.

Batay sa tala, umabot sa 399 QMMC employees ang nabigyan ng iba’t ibang libreng serbisyo sa Hospital Pedia Lobby—mula sa manicure, haircut at dry half-body massage, hanggang sa acupuncture, acupressure, chiropractic services, at massage chair service.

Sa gitna ng araw-araw na paglilingkod at pag-aalaga sa ating mga pasyente, ang aktibidad ay naging pagkakataon upang ang ating mga kawani naman ang mabigyan ng panahon para magpahinga, mag-relax, at pangalagaan ang kanilang sariling kalusugan at kagalingan.

Ang masiglang pakikilahok ng mga empleyado sa buong maghapon ay patunay na mahalagang bahagi ng isang malusog at mahusay na institusyon ang kalusugan at kapakanan ng mga taong nasa likod ng bawat serbisyong ibinibigay nito.

Maraming salamat sa lahat ng mga katuwang, service providers, organizers, at mga kawani na naging bahagi ng matagumpay na gawaing ito.

Alaga ngayon, para sa malusog na bukas! 🌿💚

Kasama tayo sa landas ng kalusugan — Malusog na Sarili • Malusog na Komunidad • Malusog na Kinabukasan.





13/08/2026
Congratulations, Qawani! 🎉🏆QMMC proudly salute all our dedicated Qawani who showcased excellence, passion, and teamwork ...
13/08/2026

Congratulations, Qawani! 🎉🏆

QMMC proudly salute all our dedicated Qawani who showcased excellence, passion, and teamwork at the recent National Hospital Week celebrations!

🏆3rd Runner-up — Ultimate Magpasikat

Beyond the trophies and medals, you have truly embodied the spirit of QMMC, proving that our healthcare workers deliver exceptional patient care while shining brightly in sports, the arts, innovation, and public service.

A massive thank you also to QMMCEA for your unwavering support, guidance, and backing every step of the way. To all our talented participants, dedicated coaches, hardworking, organizers, and supportive teams.

Your QMMC family couldn't be prouder of this milestone!

Address

JP Rizal Cor. P. Tuazon Sts, Project 4, Philippines
Quezon City
1109

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Quirino Memorial Medical Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Quirino Memorial Medical Center:

Shortcuts

Share