LTO - National Capital Region

LTO - National Capital Region This is the OFFICIAL page of the Land Transportation Office - National Capital Region

05/09/2026

๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐๐† ๐‹๐“๐Ž ๐‹๐ˆ๐‚๐„๐๐’๐ˆ๐๐† ๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐„ ๐’๐€ ๐๐‚๐‘, ๐๐”๐Š๐€๐’ ๐“๐”๐–๐ˆ๐๐† ๐’๐€๐๐€๐ƒ๐Ž ๐๐€๐‘๐€ ๐Œ๐€๐’ ๐Œ๐€๐๐€๐‹๐€๐–๐€๐Š ๐€๐๐† ๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Land Transportation Office (LTO) na mapalawak at mapabilis ang paghahatid ng serbisyo sa publiko, limang (5) tanggapan ng LTO sa National Capital Region (NCR) ang bukas tuwing Sabado, mula 8:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon.

Layunin ng pagbubukas ng mga piling tanggapan tuwing Sabado na mabigyan ng karagdagang pagkakataon ang mga motorista at kliyenteng hindi makapunta sa LTO mula Lunes hanggang Biyernes na maisagawa ang kanilang mga transaksyon.

Ang mga sumusunod na tanggapan ay bukas tuwing Sabado:

1. LTO Paraรฑaque City Licensing Branch (PITX)
PITX 2nd Floor, 1 Kennedy Road, Tambo, Paraรฑaque City
2. LTO San Juan Licensing Center
2/F LTO San Juan District Office Building, 1 North Domingo St., cor. F. Blumentritt, San Juan City
3. LTO Valenzuela Licensing Extension Office
2/F ARCA Plaza Building, Maysan Road, Valenzuela City
4. LTO Valenzuela District Office
ARCA Plaza Building, Maysan Road, Maysan, Valenzuela City
5. LTO Quezon City Licensing Center
LTO Main Compound, Brgy. Pinyahan, East Avenue, Quezon City

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang pagbubukas ng mga nasabing tanggapan tuwing Sabado ay bahagi ng mga hakbang ng ahensya upang gawing mas accessible at convenient sa publiko ang mga serbisyo ng LTO.

โ€œNais nating ilapit at gawing mas accessible ang serbisyo ng LTO sa ating mga kababayan. Marami sa ating mga motorista ang may trabaho at iba pang obligasyon mula Lunes hanggang Biyernes, kaya nais nating mabigyan sila ng pagkakataong makapag-transact sa LTO kahit araw ng Sabado,โ€ pahayag ni Lacanilao.

Dagdag pa ng LTO Chief, inaasahang makatutulong din ang Saturday operations upang mabawasan ang dagsa ng mga kliyente sa mga tanggapan tuwing weekdays at mapabilis ang paghahatid ng serbisyo sa publiko.

โ€œPatuloy nating hahanapan ng paraan kung paano natin mapapadali ang pakikipagtransaksyon ng publiko sa LTO. Ang mahalaga ay maibigay natin sa ating mga kababayan ang mabilis, maayos at maaasahang serbisyo na nararapat sa kanila,โ€ dagdag ni Lacanilao.

Hinimok din ni Lacanilao ang publiko na direktang makipagtransaksyon sa mga opisyal na tanggapan ng LTO at huwag makipag-ugnayan sa mga fixer.

Ang limang tanggapan ay bukas tuwing Sabado mula 8:00 AM hanggang 2:00 PM, at magpapatuloy ang Saturday operations hanggang sa magkaroon ng panibagong abiso.

๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ: ๐—Ÿ๐—ง๐—ข-๐—ก๐—–๐—ฅ ๐—™๐—œ๐—˜๐—Ÿ๐—— ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—˜๐—ฆ ๐—”๐—จ๐—ง๐—›๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ญ๐—˜๐—— ๐—ง๐—ข ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—˜ ๐——๐—จ๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ง๐—จ๐—ฅ๐——๐—”๐—ฌ๐—ฆLink: https://www.ltoncr.com/announcements/...
03/09/2026

๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ: ๐—Ÿ๐—ง๐—ข-๐—ก๐—–๐—ฅ ๐—™๐—œ๐—˜๐—Ÿ๐—— ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—˜๐—ฆ ๐—”๐—จ๐—ง๐—›๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ญ๐—˜๐—— ๐—ง๐—ข ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—˜ ๐——๐—จ๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ง๐—จ๐—ฅ๐——๐—”๐—ฌ๐—ฆ

Link: https://www.ltoncr.com/announcements/

We would like to inform the public that the following offices will be operational every Saturdays until further notice.

1. LTO Paraรฑaque City Licensing Branch (PITX) - PITX 2nd Floor, 1 Kennedy Road, Tambo, Paraรฑaque City

Office Profile: https://www.ltoncr.com/paranaque-licensing-center-pitx/

2. LTO San Juan Licensing Center - 2/F LTO San Juan DO Bldg, 1 North Domingo St., Cor. F. Blumentritt, San Juan Plaza, San Juan City

Office Profile: https://www.ltoncr.com/san-juan-licensing-center/

3. LTO Valenzuela Licensing Extension Office - 2/F ARCA Plaza Building, Maysan Road. Valenzuela City

Office Profile: https://www.ltoncr.com/valenzuela-licensing-extension-office/

4. LTO Valenzuela District Office - ARCA Plaza Building, Maysan Road, Maysan, Valenzuela City

Office Profile: https://www.ltoncr.com/valenzuela-district-office/

5. LTO Quezon City Licensing Center - LTO Main Compound, Brgy. Pinyahan, East Ave, Quezon City

Office Profile: https://www.ltoncr.com/quezon-city-licensing-center/

For the latest announcements and updates, please visit the LTO-NCR website.

Link: https://www.ltoncr.com/announcements/

Thank you! ๐Ÿ™‚

03/09/2026
๐—ก๐—–๐—ฅ ๐——๐—˜๐—– - ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜† ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ๐—ณ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜ ๐—ง๐—ต๐—ฒ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐——๐—ฟ๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜€๐—ฒ (๐—ง๐——๐—–)๐ด ๐น๐‘Ÿ๐‘’๐‘’ 15-โ„Ž๐‘œ๐‘ข๐‘Ÿ ๐‘†๐‘’๐‘š๐‘–๐‘›๐‘Ž๐‘Ÿ ๐‘“๐‘œ๐‘Ÿ ๐‘Ž๐‘๐‘๐‘™๐‘–๐‘๐‘Ž๐‘›๐‘กs ...
02/09/2026

๐—ก๐—–๐—ฅ ๐——๐—˜๐—– - ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜† ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ๐—ณ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜ ๐—ง๐—ต๐—ฒ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐——๐—ฟ๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜€๐—ฒ (๐—ง๐——๐—–)

๐ด ๐น๐‘Ÿ๐‘’๐‘’ 15-โ„Ž๐‘œ๐‘ข๐‘Ÿ ๐‘†๐‘’๐‘š๐‘–๐‘›๐‘Ž๐‘Ÿ ๐‘“๐‘œ๐‘Ÿ ๐‘Ž๐‘๐‘๐‘™๐‘–๐‘๐‘Ž๐‘›๐‘กs ๐‘œ๐‘“ ๐‘†๐‘ก๐‘ข๐‘‘๐‘’๐‘›๐‘ก ๐‘ƒ๐‘’๐‘Ÿ๐‘š๐‘–๐‘ก

Dates:
September 3-4, 2026 (Thu & Fri; 8am to 5pm)
September 10-11, 2026 (Thu & Fri; 8am to 5pm)
September 17-18, 2026 (Thu & Fri; 8am to 5pm)
September 24-25, 2026 (Thu & Fri; 8am to 5pm)

๐—ฉ๐—˜๐—ก๐—จ๐—˜: ๐—ก๐—–๐—ฅ ๐——๐—˜๐—– - ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜† ๐—–๐—ถ๐˜๐˜†

ADDRESS: ๐—Ÿ๐—ง๐—ข ๐—–๐—ผ๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฑ, ๐——๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ฐ ๐—ฅ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑ, ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜† ๐—–๐—ถ๐˜๐˜†
LANDMARK: NAIA Terminal 4

To avail of the free seminar, please fill up the form thru this link:
https://forms.gle/cwWXtDU9M6ZpQCwf7

๐ˆ๐Œ๐๐Ž๐‘๐“๐€๐๐“ ๐‘๐„๐Œ๐ˆ๐๐ƒ๐„๐‘๐’:

1) Confirmed appointments are non-transferable and non-rebookable.
2) Please provide an active email address to be able to receive a CONFIRMATION of schedule 1-2 days prior to the selected schedule. Received confirmation will serve as proof of your booking schedule before entering the office premises.
3) The applicant must personally attend both sessions.
4) Slots are limited.
5) Bringing of food and hydration are recommended.

For the latest announcements and updates, please visit the LTO-NCR website.
Link: ltoncr.com



02/09/2026
๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ: ๐—Ÿ๐—ง๐—ข-๐—ก๐—–๐—ฅ ๐—ข๐—ก๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—˜ ๐—–๐—˜๐—ฅ๐—ง๐—œ๐—™๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—˜ ๐—ข๐—™ ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก (๐—–๐—ฅ) ๐—œ๐—ก๐—ค๐—จ๐—œ๐—ฅ๐—ฌUpdated as of September 01, 2026Over 4,000+ new ...
01/09/2026

๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ: ๐—Ÿ๐—ง๐—ข-๐—ก๐—–๐—ฅ ๐—ข๐—ก๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—˜ ๐—–๐—˜๐—ฅ๐—ง๐—œ๐—™๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—˜ ๐—ข๐—™ ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก (๐—–๐—ฅ) ๐—œ๐—ก๐—ค๐—จ๐—œ๐—ฅ๐—ฌ

Updated as of September 01, 2026

Over 4,000+ new batches of Certificates of Registrations (CRs) for motorcycles (MC) and motor vehicles (MV) have been released to dealers and are available for claiming.

Click the link below!

Link: https://www.ltoncr.com/crinquiry

Note: This inquiry pertains to brand-new motor vehicles (MVs) or motorcycles (MCs) whose Certificate of Registration (CR) and initial registration were processed only at the LTO-NCR New Registration Unit (MV File Number Starting in 1301 and 1303)

31/08/2026
30/08/2026

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—œ!

Buong-pusong nagpupugay ang ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ-๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—–๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—น ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐—ผ๐—ป (๐—Ÿ๐—ง๐—ข-๐—ก๐—–๐—ฅ), ngayong ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ถ, sa mga dakilang Pilipinong nag-alay ng tapang, talino, at buhay para sa ating kalayaan at kasarinlan.

Sa modernong panahon, ang diwa ng kabayanihan ay patuloy na nabubuhay sa ating mga kalsada at komunidad.

Kasunod nito, opisyal po naming inaanunsyo ang ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป ngayong araw, ๐Ÿฏ๐Ÿญ ๐—”๐˜‚๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ para magbigay daan sa naturang pagdiriwang.

30/08/2026

๐‹๐“๐Ž, ๐”๐Œ๐€๐Š๐’๐˜๐Ž๐ ๐’๐€ ๐‘๐Ž๐€๐ƒ ๐‘๐€๐†๐„ ๐๐€ ๐Š๐ˆ๐๐€๐’๐€๐๐†๐Š๐”๐“๐€๐ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„๐‘ ๐๐† ๐“๐€๐—๐ˆ ๐€๐“ ๐“๐‘๐”๐‚๐Š; ๐’๐‚๐Ž ๐ˆ๐๐ˆ๐‹๐€๐๐€๐’, ๐Œ๐†๐€ ๐‹๐ˆ๐’๐„๐๐’๐˜๐€ ๐’๐”๐’๐๐„๐๐ƒ๐ˆ๐ƒ๐Ž, ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐ ๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Œ๐€

Agad na kumilos ang Land Transportation Office (LTO), sa ilalim ng pamumuno ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, matapos makarating sa ahensya ang viral video ng isang road rage incident na kinasangkutan ng isang taxi at isang truck. Dahil dito, naglabas ang LTO ng Show Cause Order (SCO) laban sa dalawang driver at kanilang mga rehistradong may-ari.

Batay sa video na inilabas ng page na โ€œThe Visor,โ€ makikita ang tatlong indibidwal na sakay ng truck na sabay-sabay na umaatake at nananakit sa isang taxi driver sa gitna ng kalsada. Sa naturang pangyayari, nakapuwesto rin ang truck sa paraang nakahahadlang sa maayos na daloy ng trapiko.

Samantala, sa hiwalay na video na nakarating sa ahensya, makikitang naghagis ng isang bagay ang taxi driver at ilang ulit na hinampas ng tubo ang windshield ng truck. Matapos nito, hinabol niya ang mga sakay ng truck habang dala pa rin ang tubo at nakipagtalo sa driver nito. Nagpatuloy ang komprontasyon hanggang sa hampasin niya ang pintuan sa bahagi ng driver, na nagresulta sa pagkabasag ng salamin nito.

Dahil sa ipinakitang pag-uugali ng mga sangkot na driver sa kalsada, agad na nagsagawa ng kaukulang aksyon ang LTO. Kinakailangan nilang humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office para sa pagdinig sa Setyembre 7, 2026 at magsumite ng kanilang sinumpaang salaysay o paliwanag, kalakip ang mga dokumentong maaaring sumuporta sa kanilang panig kaugnay ng insidente.

Kabilang sa mga dapat nilang ipaliwanag ay kung bakit hindi sila dapat managot sa mga paglabag na nakasaad sa SCO. Kailangang ipaliwanag ng truck driver kung bakit hindi siya dapat managot sa paglabag na Obstruction of Traffic, gayundin kung bakit hindi dapat ideklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle ang dalawang driver, na maaaring humantong sa pagsuspinde o pagbawi ng kanilang mga lisensya sa pagmamaneho.

Samantala, kinakailangan ding ipaliwanag ng rehistradong may-ari o operator ng taxi kung bakit hindi siya dapat managot sa paglabag na Employing Reckless, Insolent, Discourteous or Arrogant Drivers kaugnay ng pag-uugali ng kanyang driver.

Kasabay ng pagpapalabas ng SCO, kinakailangang isuko ng mga sangkot na driver ang kanilang mga lisensya sa IID at ipatutupad ang 90-araw na preventive suspension. Inilagay din sa alarm status ang truck at pampasaherong taxi habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

โ€œAng lisensya sa pagmamaneho ay hindi pribilehiyong dapat napupunta sa mga taong walang kontrol sa sarili at ginagawang lugar ng karahasan ang kalsada. Hindi ito katanggap-tanggap. Hindi namin kukunsintihin ang ganitong marahas na pag-uugali at sisiguraduhin naming mananagot ang mga sangkot,โ€ pahayag ni Asec. Lacanilao.

Muling ipinapaalala ng LTO na mahigpit nitong ipatutupad ang mga patakaran laban sa road rage at anumang uri ng karahasan sa kalsada. Hinihikayat ang lahat ng motorista na pairalin ang disiplina, pagpipigil sa sarili at paggalang sa kapwa. Sa halip na makipagtalo o gumanti, manatiling kalmado at unahin ang kaligtasan ng lahat. Ang motoristang pinagkalooban ng lisensya ay inaasahang may disiplina.

Address

20 G. Araneta Avenue, Brgy. Sto. Domingo
Quezon City

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639957266837

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO - National Capital Region posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to LTO - National Capital Region:

Shortcuts

Share