01/12/2025
NOBYEMBRE 30, 2025 (LINGGO)
𝐇𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 𝐈𝐏𝐀𝐆𝐋𝐀𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐒!
Sa bawat pag-ikot ng ating kasaysayan, may mga pangalan na kumikislap dahil sa tapang—at isa na rito ang Supremo, Andres Bonifacio. Isang lider na hindi natakot mag-alay ng lahat, kahit sariling buhay, para sa kalayaan ng sambayanang Pilipino.
At sa panahon natin ngayon, may mga patuloy na nagdadala ng apoy ng kanyang diwa.
Ang ating Tatay ng Bayan, Konsehal Tatay Rannie Ludovica, ay isa sa iilang lider na handang harapin ang hirap, paninira, at panganib basta’t para sa kapakanan ng kanyang mga kababayan. Hindi niya iniinda ang pagod, hindi niya tinalikuran ang tungkulin—dahil para sa kanya, ang paglilingkod ay hindi trabaho… kundi panata.
Habang may Pilipinong nangangailangan, habang may pamilyang umaasa, habang may boses na gustong marinig—ipaglalaban at ipaglalaban ito ni Tatay Rannie.
Ngayong Bonifacio Day, sabay-sabay nating buhayin ang alab ng tapang, malasakit, at tunay na paglilingkod.
Mabuhay ang mga modernong mandirigmang patuloy lumalaban para sa bayan.