24/07/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | ๐ ๐ ๐๐ ๐ฎ๐ ๐๐๐๐-๐ก๐๐ฅ, ๐๐ฎ๐บ๐ฎ-๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐บ๐ฎ๐ธ๐๐๐ผ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐๐ฎ๐
Nakiisa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Local Government Unit Compliance Assessment (LGU CA) para sa Manila Bay Cleanup, Rehabilitation, and Preservation Program (MBCRPP) bilang bahagi ng Regional Inter-Agency Committee (RIAC) Validators.
Sa pangunguna ng DILG-NCR, sinuri ang compliance ng 17 LGUs sa Metro Manila sa pamamagitan ng table assessments at onsite validations bilang pagtupad sa Supreme Court Mandamus Ruling para sa tuloy-tuloy na rehabilitasyon, pangangalaga, at preserbasyon ng Manila Bay.
Sa pamamagitan ng mas matibay na koordinasyon ng mga ahensya at mga lokal na pamahalaan, patuloy nating isinusulong ang isang mas malinis, mas ligtas, at mas napapanatiling Manila Bay.