Kabataan Partylist - UP Diliman

Kabataan Partylist - UP Diliman Kabataan Partylist - UP Diliman is a local chapter of Kabataan Partylist, the first and only youth party-list group in Philippine Congress.

Be a full-fledged member: tinyurl.com/KabataanPL-UPD Kabataan Partylist is the first and only youth party-list group in Philippine Congress today. Kabataan is a large network of energized and pro-active young people who are leaders in various organizations, formations and barkadas. Our members from across the regions represent diverse interests, backgrounds and social status, tied by a common visi

on of a better future for the youth and for the nation. Together with some of its founding organizations – the National Union of Students, College Editors Guild, the League of Filipino Students, Student Christian Movement of the Philippines, Anakbayan and Kabataang Artisa para sa Tunay na Kalayaan – Kabataan Party-list vigorously campaigns for youth and students’ interests and demands concerning education and employment. Kabataan party-list remains at the forefront of youth and students’ campaigns against unabated tuition and miscellaneous fee increases, for higher state subsidy for education, adequate jobs for new graduates, the defense and recognition of human rights and civil liberties which include consumer rights and the right to health, and the protection and conservation of national patrimony. It continues to give primacy to the promotion of holistic development and genuine youth empowerment. Our Common Vision

KABATAAN Party-list believes that the youth should devote its intellect, energy and courage to building a new society devoid of corruption, inequality and social injustice. It supports youth and student-led organizations working for social, political, economic, cultural and environmental justice in the Philippines, and enjoins youth from all walks of life to foster active participation in nation-building, good governance and social change. Our Collective Mission

KABATAAN Party-list is working to galvanize the Filipino youth’s unity for social change. It encourages the youth to work collectively with other sectors to build a bright future. It upholds, promotes and defends the interest of the youth to be able to harness its fullest potential as a sector. Program of Action

1. Empower the youth to encourage them to take on active participation in nation-building, good governance and social change.

2. Uphold the youth’s fundamental rights and democratic interests (education, employment, environment, sports, health, etc.)

3. Assert the youth’s right to decent living, equal opportunities and humane living conditions.

4. Assert and safeguard national independence, respect for national patrimony, love and loyalty to the country.

5. Guarantee the participation and representation of the youth in all affairs of governance and decision-making bodies of government.

May trabaho nga ba, pero kulang ang sahod? May diploma nga, pero wala pa ring mahanap na trabaho? O baka naghahanap pa r...
02/09/2026

May trabaho nga ba, pero kulang ang sahod? May diploma nga, pero wala pa ring mahanap na trabaho? O baka naghahanap pa rin hanggang ngayon?

Sa gitna ng mataas na presyo ng bilihin, mababang sahod, contractualization, at kawalan ng sapat na trabaho, hindi lang mga manggagawa ang apektado, pati ang kabataang naghahanap ng unang trabaho, young professionals, at mga kabataang walang trabaho.

Saan napupunta ang pondo para sa kabataan at trabaho? Nakakarating ba ito sa atin, o nauuwi lang sa mga programang hindi tumutugon sa tunay nating pangangailangan?

Ibahagi ang iyong karanasan, hinaing, at panawagan natin para sa disenteng trabaho at tunay na suporta sa kabataan.

WHEN: Saturday, September 5, 2026 | 10 AM
WHERE: via Zoom

Sign up here or scan the QR code:
https://forms.gle/WFKNjLAaQ9W3TvGbA
https://forms.gle/WFKNjLAaQ9W3TvGbA
https://forms.gle/WFKNjLAaQ9W3TvGbA

Hindi sapat ang trabaho kung hindi disente. Hindi sapat ang pondo kung hindi ramdam. Kabataan, sumama sa talakayan!

𝗣𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮𝘄𝗮𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗽𝗶𝘁𝗯𝗮𝗵𝗮𝘆, 𝗺𝗮𝘆 𝗮𝗻𝘂𝗻𝘀𝘆𝗼 𝗮𝗸𝗼 𝘀𝗮𝗶𝗻𝘆𝗼! 🗣️📢 Ang Project Isko-Ops Core Team Application na ito, sa kagustuh...
01/09/2026

𝗣𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮𝘄𝗮𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗽𝗶𝘁𝗯𝗮𝗵𝗮𝘆, 𝗺𝗮𝘆 𝗮𝗻𝘂𝗻𝘀𝘆𝗼 𝗮𝗸𝗼 𝘀𝗮𝗶𝗻𝘆𝗼! 🗣️📢

Ang Project Isko-Ops Core Team Application na ito, sa kagustuhan ng buong komyu…

Ay 𝗘𝗫𝗧𝗘𝗡𝗗𝗘𝗗 ! ⏰

Kaya kung ikaw ay hindi pa nakakapagpasa, ‘wag kang manghinayang dahil extended ang application period hanggang 𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟰 (𝗙𝗿𝗶𝗱𝗮𝘆)

‘Wag mo na hintayin ang sunod na deadline, sumali ka na right NEOW! 🫵

🔗 https://bit.ly/CallForCoreTeamMembers
🔗 https://bit.ly/CallForCoreTeamMembers
🔗 https://bit.ly/CallForCoreTeamMembers

Kaya pakitawag na ang mga blockmates, coursemates, orgmates, pati na rin roommates!

JOIN PROJECT ISKO-OPS 2.0 NOW! 🧡💚

𝐏𝐈𝐍𝐀𝐊𝐀𝐌𝐀𝐓𝐀𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐔𝐏𝐔𝐆𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍𝐈 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐌𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍𝐀𝐍! ✊Sa paggunita ng ika-94 na araw ng mga bayani, ating buong-puson...
31/08/2026

𝐏𝐈𝐍𝐀𝐊𝐀𝐌𝐀𝐓𝐀𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐔𝐏𝐔𝐆𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍𝐈 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐌𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍𝐀𝐍! ✊

Sa paggunita ng ika-94 na araw ng mga bayani, ating buong-pusong pinagpupugayan ang lahat ng martir at bayani ng bayan na buong tapang na inalay ang kanilang bawat paghinga sa pakikibaka para sa mas malayang lipunan.

Madalas nating marinig ang mga bayaning katulad nina Jose Rizal at Andres Bonifacio bilang mga nagbuwis ng buhay upang makawala ang ating bansa mula sa pananakop ng mga dayuhan. Ngunit madalas nating nakakaligtaan ang mga makabagong bayani na buong-pusong nagsisilbi sa sambayanan; pumupunta sa mga pook, kanayunan, at malalayong lupain upang makiisa sa mga komunidad na naninirahan dito upang matuklasan ang tunay nilang kalagayan na kadalasan ay hindi naihahayag sa madla.

Apat na buwan na ang nakalipas. Hindi pa rin nabibigyan ng karampatang hustisya ang Negros 19. Ilan lamang dito sina Alyssa Alano, Errol Wendel, Maureen Santuyo, at RJ Ledesma—estudyante, aktibista, organisador ng mga pesante, at alagad ng midya na mas piniling mahalin ang masa at tinangan ang bigat ng paglalakbay patungong kanayunan upang alamin ang danas ng mga magsasaka. Ngunit sinagot ito ng berdugong estado sa pamamagitan ng dahas nang pilit silang paslangin at putulin ang kanilang makabuluhang buhay at pakikibaka.

Kaya’t ngayong araw, nawa ay hindi lamang natin ginugunita ang mga bayaning matagal na nating tinitingala sa kanilang kontribusyon sa lipunan daan-daang taon na ang nakalipas, kundi pati na rin ang mga bayaning patuloy na lumulusong sa mapang-aping sistema upang salungatin ang agos at ilaban ang boses ng sambayanan tungo sa lipunang walang kinikilingan at pinagsisilbihan ang masa lalo na ang mga nasa laylayan—hindi ang mga taong nasa kapangyarihan na patuloy lamang sa pagkamkam ng yamang dapat ay ibinibigay nang sapat sa’ting mga mamamayan.

Nawa’y magsilbi rin itong panawagan upang gamiting sandigan ang madidilim na nakaraan at karanasang ating hinarap sa iba’t ibang panahon at administrasyon. Ngayon ay lubos na nangangailangan ng makataong pagkilos ang Pilipinas, at nasa atin ito, bilang kabataan at iskolar ng bayan, upang simulan ang pagbabago at isulong pa ang matagal na nating mga adbokasiya’t panawagan tungo sa tunay, palaban, at makabayang sistema. Sa ating munting gawi ng pagtutuwid ng landas tungo sa pagiging makamasa, tayo rin ang nagsisilbing bayani—ng ating sarili at ng ating bansa.

Sapagkat hindi pa rin tunay na malaya ang Pilipinas. Buhay pa rin ang administrasyong Marcos-Duterte, patuloy pa ring nanghihimasok ang imperyalistang US sa ating pambansang soberanya; higit pa ring sinusubok ng globalisasyon ang ating edukasyon; at nahaharap sa budget cuts ang mga institusyong pang-pagkatuto, pagtaas ng militarisasyon sa mga State Universities and Colleges (SUCs), at ang hindi pagbibigay ng reporma sa mga manggagawa at magsasaka.

Ating isabuhay ang diwa ng katapangan at paninindigan ng lahat ng martir at bayani ng sambayanan. Ipagpatuloy natin ang kanilang sinimulang laban hanggang sa makamtan natin ang isang lipunan kung saan ang lahat ay malaya!

MABUHAY ANG MGA BAYANI NG SAMBAYANAN!
MABUHAY ANG PAKIKIBAKA NG MASANG API!
HUSTISYA SA LAHAT NG BIKTIMA NG BERDUGONG MILITAR!
HUSTISYA SA NEGROS 19!

𝘼𝙣𝙨𝙬𝙚𝙧 𝙩𝙝𝙚 𝙘𝙖𝙡𝙡! 📞 𝙏𝙤𝙙𝙖𝙮 𝙞𝙨 𝙩𝙝𝙚 𝙁𝙄𝙉𝘼𝙇 𝘿𝘼𝙔 𝙩𝙤 𝘼𝙋𝙋𝙇𝙔! ⏰Huling pagkakataon na para maging bahagi ng Project Isko-Ops 2.0 Co...
30/08/2026

𝘼𝙣𝙨𝙬𝙚𝙧 𝙩𝙝𝙚 𝙘𝙖𝙡𝙡! 📞 𝙏𝙤𝙙𝙖𝙮 𝙞𝙨 𝙩𝙝𝙚 𝙁𝙄𝙉𝘼𝙇 𝘿𝘼𝙔 𝙩𝙤 𝘼𝙋𝙋𝙇𝙔! ⏰

Huling pagkakataon na para maging bahagi ng Project Isko-Ops 2.0 Core Team!

Kung nais mong makiisa at makibahagi sa pagsusulong ng community-based disaster resilience, ito na ang sign mo! 👀

Sagutin na ang tawag at mag-sign up bago magsara ang applications! 🤝

🔗 https://bit.ly/CallForCoreTeamMembers
🔗 https://bit.ly/CallForCoreTeamMembers
🔗 https://bit.ly/CallForCoreTeamMembers

𝙇𝙖𝙨𝙩 𝙘𝙖𝙡𝙡. 𝙝𝙖𝙗𝙤𝙡 𝙣𝙖! 📞


𝘼𝙣𝙨𝙬𝙚𝙧 𝙩𝙝𝙚 𝙘𝙖𝙡𝙡! 📞 𝙏𝙤𝙙𝙖𝙮 𝙞𝙨 𝙩𝙝𝙚 𝙁𝙄𝙉𝘼𝙇 𝘿𝘼𝙔 𝙩𝙤 𝘼𝙋𝙋𝙇𝙔! ⏰

Huling pagkakataon na para maging bahagi ng Project Isko-Ops 2.0 Core Team!

Kung nais mong makiisa at makibahagi sa pagsusulong ng community-based disaster resilience, ito na ang sign mo! 👀

Sagutin na ang tawag at mag-sign up bago magsara ang applications! 🤝

🔗 https://bit.ly/CallForCoreTeamMembers
🔗 https://bit.ly/CallForCoreTeamMembers
🔗 https://bit.ly/CallForCoreTeamMembers

𝙇𝙖𝙨𝙩 𝙘𝙖𝙡𝙡. 𝙝𝙖𝙗𝙤𝙡 𝙣𝙖! 📞

29/08/2026

Panoorin ang mensahe mula kay Kerby Calizar, isang pag-asa ng bayan mula sa Kabataan Partylist - UP Diliman nitong nagdaang pagkilos noong August 26 sa tapat ng Vinzons Hall at Sunken Garden.

Itinampok sa pagkilos ang kinahaharap ng mga Iskolar ng Bayan sa gitna ng pagbawas ng pondo para sa UP System na halos 3 bilyong piso, ang patuloy na komersyalisasyon ng pamantasan tulad ng pagpapatayo ng UP SDG Park, ang suliranin ng mga tsuper mula sa UP Transport Group, ang kawalan ng pananagutan sa mga sangkot sa korapsyon, at ang pamamasista at pagiging tuta ng US ng administrasyong Marcos-Duterte.

Idiniin ni Kerby ang tunay na kalagayan ng mga Iskolar ng Bayan at ng buong sektor ng edukasyon at ang kapabayaan ni Marcos Jr. habang inuuna ang pansarili at makadayuhang interes.

Ipinapanawagan niya na patuloy na ipaglaban ng mga kabataan ang pagpapataas ng budget para sa edukasyon at ang mga batayang karapatan ng mamamayan.


27/08/2026

Kaninang umaga, nakiisa tayo sa kilos-protesta ng mga kaguruan at estudyante sa harap mismo ng House of Representatives South Gate sa Batasan Road.

Nagbigay ng pahayag si John Paul Ong, miyembro ng KPL-UPD, matapos ang pagkilos sa harap ng South Gate.

Siya ay nakiisa sa laban ng ating mga g**o, manggagawa, at maralita—mga sektor na patuloy na nagsisilbi para sa bayan, ngunit patuloy ring binabarat, inaapi, at pinapasismo ng rehimeng Marcos-Duterte!

Sa nakaraang paglabas ng National Expenditure Program para sa 2027, planong kaltasan ng halos TATLONG BILYONG PISO ang badyet ng buong UP System! 26 BILLION PESOS LANG NA WALA PA SA KALAHATI NG 53 BILLION NA PROPOSED BUDGET.

Sa nakaraang taon, naipasa ang pinakamataas na badyet ng UP sa kasaysayan nito. Ngunit kahit pinakamataas na ito, hindi pa rin sapat upang matugunan ang mga serbisyo at pangangailangan na karapatan ng bawat estudyante!

Kaya ang tanong natin: BAKIT BUDGET CUT ANG SAGOT?

Ang mga estudyante ay nangangarag pa rin sa kakulangan ng units! Kulang-kulang ang espasyo para sa pag-aaral! Kulang ang mga serbisyong dapat ay abot-kamay ng bawat Iskolar ng Bayan! At habang tayo ay nagsisiksikan, nangangarag, at nakikipag-agawan sa mga pasilidad at serbisyo sa pamantasan, BUDGET CUTS ANG SAGOT NG GOBYERNO!

Samantala, ano ang mga piniling dagdagan ng pondo?

Ang DPWH, na siyang sentro ng isyu sa mga ghost flood control projects, ay tinaasan ng 113.1 BILLION PESOS! At ang PNP at AFP, na patuloy na namamasista sa ating mga kapwa-kababayan na lumalaban at tumitindig para sa tama, ay tinaasan din ng badyet!

Samantala, ang badyet ng buong UP System, na siyang tahanan ng libu-libong Iskolar ng Bayan, ay planong KALTASAN NG HALOS TATLONG BILYONG PISO!

Mga kasama, malinaw ang tanong: PARA KANINO BA TALAGA ANG BADYET?

Kung may bilyun-bilyon para sa mga ahensyang puno ng anomalya at represyon sa mga mamamayan, BAKIT KULANG ANG PONDO PARA SA EDUKASYON?

Sa ating kasalukuyang DBM Secretary, Kim Robert De Leon, na nagmula mismo sa aming pamantasan bilang estudyante at g**o: Para saan ang mga teoryang itinuro at pinag-aralan mo kung hindi mo naman kayang isabuhay ang mga ito?

Kung ang edukasyong natanggap mo sa pam

PONDO SA EDUKASYON, HINDI SA KORAPSYON!Sa pagtatalakay ng Kamara ngayon sa 2027 badyet ng CHED, nagkaisa ang mga kabataa...
27/08/2026

PONDO SA EDUKASYON, HINDI SA KORAPSYON!

Sa pagtatalakay ng Kamara ngayon sa 2027 badyet ng CHED, nagkaisa ang mga kabataan at kaguruan upang ipanawagan ang pagtaas ng badyet ng mga SUCs at tutulan ang taon-taong budget cut.

Hindi tayo payag na patuloy na nababawasan ang badyet para sa pag-unlad ng ating edukasyon habang kinukurakot at ginagamit ang pera ng taumbayan para sa karahasan at gyera.

Mula Kamara hanggang lansangan, patuloy tayong titindig at ipaglalaban ang tunay na libre, kalidad, at abot-kamay na edukasyon para sa lahat ng kabataan.



📌 BE A KABATAAN PARTYLIST MEMBER!
bit.ly/JoinKABATAAN
📌JOIN THE MESSENGER CHANNEL NOW:
www.messenger.com/channel/kabataan

ICYMI: Kahapon, nakiisa ang hanay ng mga pag-asa ng bayan mula sa Kabataan Partylist - UP Diliman sa idinaos na kilos-pr...
27/08/2026

ICYMI: Kahapon, nakiisa ang hanay ng mga pag-asa ng bayan mula sa Kabataan Partylist - UP Diliman sa idinaos na kilos-protesta sa harap ng Vinzons Hall at UP Sunken Garden.

Ito ay bilang pagsalubong sa unang Pulong ng mga Rehente ng UP para sa panibagong akademikong taon at pakikiisa sa tigil-pasada ng UP Transport Group o mga tsuper ng UP Ikot Jeep.

Ang ating naging panawagan ay ang pagkundena sa 2.95 Billion na budget cut sa UP System sa proposed National Expenditure Program 2027.

Patuloy ang pambabarat ng administrasyong Marcos-Duterte sa sektor ng edukasyon at mga batayang serbisyo habang tumataas ang pondo para sa korapsyon, pasismo, at imperyalismo.

Dagdag pa sa paghihirap ng mga Iskolar ng Bayan at ang UP Community ang mga palpak at mapanganib na polisiya at desisyon ng UP Board of Regents. Walang maayos at kongkretong tugon ang UP Admin sa mga samu't saring suliranin na hinaharap ng komunidad tulad ng sa mga Jeepney Drivers at mga residente ng Pook Aguinaldo.

Huwag natin hayaan na hindi mapanagot ang UP Admin at ang rehimeng pinagsisilbihan nila. Patuloy nating bantayan ang mga hearing tungkol sa 2027 National Budget, huwag hayaan na baratin ang pondo ng mga SUCs at sektor ng edukasyon, at ipaglaban ang karapatan sa lupain at kabuhayan ng UP Community sa Pook Malantic, Pook Aguinaldo, Area 17, at iba pa.

JUNK JUNK SDG PARK!
PONDO SA EDUKASYON, DAGDAGAN, HUWAG BAWASAN!



𝗠𝗔𝗠𝗔𝗬𝗔 𝗡𝗔! 𝗔𝗡𝗢, 𝗧𝗔𝗥𝗔?Kita kits mamaya sa 𝗖𝗦𝗪𝗖𝗗 𝗔𝘂𝗱𝗶𝗼-𝗩𝗶𝘀𝘂𝗮𝗹 𝗥𝗼𝗼𝗺, 𝟰:𝟬𝟬 𝗣𝗠 para sa 𝙀𝙙𝙪𝘾𝘼𝙎𝙃𝙮𝙤𝙣: 𝘼 𝘿𝙞𝙨𝙘𝙪𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 𝙤𝙣 𝙉𝙚𝙤𝙡𝙞𝙗𝙚𝙧𝙖𝙡...
26/08/2026

𝗠𝗔𝗠𝗔𝗬𝗔 𝗡𝗔! 𝗔𝗡𝗢, 𝗧𝗔𝗥𝗔?

Kita kits mamaya sa 𝗖𝗦𝗪𝗖𝗗 𝗔𝘂𝗱𝗶𝗼-𝗩𝗶𝘀𝘂𝗮𝗹 𝗥𝗼𝗼𝗺, 𝟰:𝟬𝟬 𝗣𝗠 para sa 𝙀𝙙𝙪𝘾𝘼𝙎𝙃𝙮𝙤𝙣: 𝘼 𝘿𝙞𝙨𝙘𝙪𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 𝙤𝙣 𝙉𝙚𝙤𝙡𝙞𝙗𝙚𝙧𝙖𝙡𝙞𝙨𝙢, 𝘾𝙤𝙧𝙧𝙪𝙥𝙩𝙞𝙤𝙣, 𝙖𝙣𝙙 𝙩𝙝𝙚 𝙋𝙝𝙞𝙡𝙞𝙥𝙥𝙞𝙣𝙚 𝙀𝙙𝙪𝙘𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝙎𝙮𝙨𝙩𝙚𝙢. Sama-sama nating aralin at tukuyin ang ugat ng mga suliraning pang-edukasyon na danas nating mga Isko!

Bukas din ang diskusyon para sa mga walk-in participants, kaya't inaanyayahan ang lahat na dumalo at magpadalo ng mga kaibigan, kaklase, at kasama! Paalala lamang na ipinagbabawal ang pagpapasok ng pagkain at inumin sa loob ng venue. Mangyaring ubusin na lamang ang mga ito bago dumalo sa diskusyon.

Ihanda na ang bukas at kritikal na isip at aktibong makibahagi sa pagpapayabong na diskurso at diskusyon hinggil sa paksa. Kita kits mga Iskolar ng Bayan! Tuloy ang laban!



BOR, PRIORITIZE YOUR COMMUNITY!Bukas, Agosto 26 , gaganapin ang unang meeting ng UP Board of Regents (BOR) sa bagong aka...
25/08/2026

BOR, PRIORITIZE YOUR COMMUNITY!

Bukas, Agosto 26 , gaganapin ang unang meeting ng UP Board of Regents (BOR) sa bagong akademikong taon. Ito rin ang unang BOR meeting matapos magtakda ang Marcos Jr. administration ng ₱2.95 bilyong budget cut—ang pinakamalaking budget cut sa kasaysayan ng UP.

Ang taunang budget cut ang isa sa mga pangunahing salarin sa mga danas ng mga Iskolar ng Bayan. Mula sa kakulangan ng units, hanggang sa substandard at hindi matapos-tapos na espasyo at imprastraktura, ang pabaya at pikit-matang estado ang patuloy na nagtutulak sa UP sa isang krisis na direktang pasan ng mga estudyante, g**o, kawani, at ng buong komunidad ng pamantasan.

Sa harap ng lumalalang kakulangan sa pondo, malinaw ang hamon sa BOR: Kanino kayo papanig? Kaninong interes ang inyong ipaglalaban?

Hindi sagot sa mababang badyet ng UP ang komersalisasyon ng ating pamantasan. Hindi DiliMall, GyudFood, at SDG Wellness Park ang lulutas sa kakulangan ng natatamasang batayang pangangailangan ng mga Iskolar ng Bayan.

Sumandig kayo sa inyong komunidad, at sama-samang singilin ang korap at pasistang rehimen ni Marcos Jr. upang ganap nating matamasa ang libre, kalidad, at aksesibleng edukasyon!

Higit kailanman, sama-sama nating kalampagin at ipatampok ang ating mga panawagan at kampanya. Mga Iskolar ng Bayan, sumama sa pagkilos bukas! ✊

8:30AM | Mass up at AS Steps
9:00AM | Program

Sama-sama nating igiit ang ating karapatan sa edukasyon! Labanan ang komersalisasyon at UP SDG Wellness Park!

ISKOLAR NG BAYAN, TUTULAN ANG BUDGET CUT SA PAMANTASAN!
TUTULAN ANG KOMERSALISASYON NG UP!
TUTULAN ANG SDG WELLNESS PARK!




BOR, PRIORITIZE YOUR COMMUNITY!

Bukas, Agosto 26 , gaganapin ang unang meeting ng UP Board of Regents (BOR) sa bagong akademikong taon. Ito rin ang unang BOR meeting matapos magtakda ang Marcos Jr. administration ng ₱2.95 bilyong budget cut—ang pinakamalaking budget cut sa kasaysayan ng UP.

Ang taunang budget cut ang isa sa mga pangunahing salarin sa mga danas ng mga Iskolar ng Bayan. Mula sa kakulangan ng units, hanggang sa substandard at hindi matapos-tapos na espasyo at imprastraktura, ang pabaya at pikit-matang estado ang patuloy na nagtutulak sa UP sa isang krisis na direktang pasan ng mga estudyante, g**o, kawani, at ng buong komunidad ng pamantasan.

Sa harap ng lumalalang kakulangan sa pondo, malinaw ang hamon sa BOR: Kanino kayo papanig? Kaninong interes ang inyong ipaglalaban?

Hindi sagot sa mababang badyet ng UP ang komersalisasyon ng ating pamantasan. Hindi DiliMall, GyudFood, at SDG Wellness Park ang lulutas sa kakulangan ng natatamasang batayang pangangailangan ng mga Iskolar ng Bayan.

Sumandig kayo sa inyong komunidad, at sama-samang singilin ang korap at pasistang rehimen ni Marcos Jr. upang ganap nating matamasa ang libre, kalidad, at aksesibleng edukasyon!

Higit kailanman, sama-sama nating kalampagin at ipatampok ang ating mga panawagan at kampanya. Mga Iskolar ng Bayan, sumama sa pagkilos bukas! ✊

9:00AM | Mass up at AS Steps
9:30AM | Program

Sama-sama nating igiit ang ating karapatan sa edukasyon! Labanan ang komersalisasyon at UP SDG Wellness Park!

ISKOLAR NG BAYAN, TUTULAN ANG BUDGET CUT SA PAMANTASAN!
TUTULAN ANG KOMERSALISASYON NG UP!
TUTULAN ANG SDG WELLNESS PARK!



Address

Quezon City
1101

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabataan Partylist - UP Diliman posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kabataan Partylist - UP Diliman:

Shortcuts

Share