20/10/2026
πππ: πππππππ ππ,πππ ππππππ ππππππ, πππππππ ππππππππ, ππ πππππππ πππππππ, πππ ππππππππππππ ππππ πππππ ππ
Iniulat ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na mahigit 52,700 online seller, service provider, at content creator ang nakakuha na ng Registration Seal Badge hanggang October 14, 2026.
Layunin ng badge na protektahan ang personal na impormasyon ng mga nagbabayad ng buwis, sa halip na ilantad ang buong Certificate of Registration (COR) sa kanilang online platforms.
Pinalawig ng BIR hanggang October 31, 2026 ang deadline ng pagkuha at pagpapakita ng badge. Maaari itong i-scan ng mga mamimili upang beripikahin ang rehistro ng negosyo bago makipagtransaksiyon online.
π· BIR