Barangay Sta. Lucia, District V, Quezon City

Barangay Sta. Lucia, District V, Quezon City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Sta. Lucia, District V, Quezon City, Government Organization, Sta. Lucia Avenue, Quezon City.

  | Alinsunod sa Local Government Memorandum Circular No. 3, s. 2025, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng PA...
31/08/2026

| Alinsunod sa Local Government Memorandum Circular No. 3, s. 2025, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng PAMPUBLIKONG PAARALAN sa Quezon City ngayong September 1, 2026, kabilang ang:

• Child Development Centers
• Kindergarten
• Grades 1–12
• Alternative Learning System (ALS)

Base sa latest Air Quality Index (AQI), nagtala ng Very Unhealthy at Acutely Unhealthy ang mga air quality sensors ng lungsod. Sa kasalukuyan, may 68 air sensors na nakapwesto sa iba-ibang bahagi ng lungsod.

Sa ganitong antas ng air pollution, maaaring magkaroon ng ubo, pangangati ng airways, at hirap sa paghinga, lalo na sa mga taong may asthma o iba pang respiratory conditions.

Batay sa kasalukuyang assessment, ang pagtaas ng air pollution sa ilang bahagi ng bansa, kabilang ang National Capital Region, ay posibleng may kaugnayan sa smoke o haze mula sa mga nagaganap na sunog sa Kalimantan, Indonesia.

Ang suspensyon ng klase sa PRIVATE SCHOOLS at HIGHER EDUCATION INSTITUTIONS ay nakabatay sa desisyon ng pamunuan ng paaralan. Gayunpaman, para sa kaligtasan ng mga g**o at mag-aaral, hinihikayat ang pagsunod sa national o localized suspension.

Pinapayuhan ang lahat na magsuot ng face mask at bawasan ang oras at pisikal na aktibidad sa labas. Mangyaring subaybayan ang mga susunod na anunsyo para sa karagdagang impormasyon.

Para sa emergency at kinakailangan ng agarang tulong, tumawag lamang sa HELPLINE 122.

Mag-ingat po tayong lahat.

𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗝𝗼𝘆 𝗕𝗲𝗹𝗺𝗼𝗻𝘁𝗲, 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗕𝗶𝗻𝗶𝘀𝗶𝘁𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗘𝘃𝗮𝗰𝘂𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿!Isang mainit at taos-pusong pasasalamat ang ipinapa...
29/08/2026

𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗝𝗼𝘆 𝗕𝗲𝗹𝗺𝗼𝗻𝘁𝗲, 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗕𝗶𝗻𝗶𝘀𝗶𝘁𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗘𝘃𝗮𝗰𝘂𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿!

Isang mainit at taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ni 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗥𝘂𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗿𝗽𝗮 at ng buong pamunuan ng ating barangay kay Quezon City Mayor Joy Belmonte sa kanyang sorpresang pagbisita at personal na pag-check sa ating mga kababayan na kasalukuyang nasa evacuation center.

Ang inyong pagbisita ay Nagbibigay ng Agarang Kapanatagan: Ang simpleng paglapit, pakikipag-usap, at pakikiramay ng ating Alkalde ay nagbibigay-lakas ng loob sa ating mga Kabarangay na pansamantalang lumikas dahil sa kalamidad.

Ipinapakita nito na naka-alalay ang Quezon City Government at ramdam ng ating barangay ang agarang aksyon at malasakit mula sa pamahalaang panlungsod.

Maraming salamat po, 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗝𝗼𝘆 𝗕𝗲𝗹𝗺𝗼𝗻𝘁𝗲, sa iyong patuloy na paglilingkod na may puso at malasakit sa bawat pamilyang QCitizen!

Hapunan para sa ating mga kabarangay na naapektuhan ng baha. ❤️🍲Ngayong gabi, naghatid tayo ng mainit na pagkain para sa...
29/08/2026

Hapunan para sa ating mga kabarangay na naapektuhan ng baha. ❤️🍲

Ngayong gabi, naghatid tayo ng mainit na pagkain para sa ating mga ka Barangay Sta. Lucia, District V, Quezon City kahit papaano ay may makain at maibsan ang pagod at gutom ng ating mga kabarangay.

Sa panahon ng pagsubok, sama-sama tayong tumutulong. 🙏❤️
Lagi po tayong mag iingat mga ka barangay 🙏

Kaunting tulong, malaking bagay para sa nangangailangan.


BARANGAY STA. LUCIA - UPDATE SA MGA EVACUEES⛑️​As of Agosto 29, 2026 | 8:30 PMMula sa Tanggapan ni Kapitan Ruel S. Marpa...
29/08/2026

BARANGAY STA. LUCIA - UPDATE SA MGA EVACUEES⛑️
​As of Agosto 29, 2026 | 8:30 PM

Mula sa Tanggapan ni Kapitan Ruel S. Marpa at sa buong Sangguniang Barangay ng Sta. Lucia

​Isang mapagpalang gabi sa ating mga minamahal na kabarangay. Narito po ang opisyal at huling ulat ng bilang ng ating mga pamilyang kasalukuyang nasa mga evacuation centers ngayong alas-8:30 ng gabi:

📊​PANGKALAHATANG BILANG:
​Kabuuang Pamilya: 202
​Kabuuang Indibidwal: 933

DETALYEDONG BILANG BAWAT EVACUATION CENTER:
📍 Barangay Covered Court
Pamilya: 44
Indibidwal: 250

📍 Brgy. Multipurpose Building
Pamilya: 93
Indibidwal: 379

📍 San Gabriel Elementary School
Pamilya: 26
Indibidwal: 141

📍 Sta. Lucia Parish Church
Pamilya: 39
Indibidwal: 163

⚠️ Paalala: Patuloy po tayong nag-iingat at sumunod sa mga tagubilin ng ating lokal na pamahalaan. Ang buong pamunuan ng Barangay Sta. Lucia ay patuloy na nagtutulungan upang masig**o ang kaligtasan at pangangailangan ng bawat pamilya.

Maraming salamat po at mag-ingat tayong lahat.

29/08/2026

📢 MAHALAGANG ABISO SA MGA KABARANGAY 📢

​Ipinapaalam po sa lahat na BUKAS NA PO ANG SAN GABRIEL ELEMENTARY SCHOOL para sa ating mga kabarangay na nais lumikas.

​⚠️ PAALALA: Puno na po ang ating Barangay Evacuation Center at ang Basketball Court.

🙏MARAMING SALAMAT PO!
​Buong-puso po kaming nagpasalamat sa mga tumulong at nagmalasakit para sa kaligtasan ng ating komunidad:

✅Sa Pamunuan ng San Gabriel Elementary School, lalo na kay Principal Randy Tagaan at kay Sir Mon Pinlac.

✅Kay Kgd. Noeme Salonga, Kapitan Ruel Marpa, at sa buong Barangay Sta. Lucia Council para sa mahusay na koordinasyon.

✅Sa Sta. Lucia Parish sa pag-accommodate sa ating mga kabarangay na kailangang lumikas.

Mag-ingat po tayong lahat, mga Ka-Barangay! Para sa iba pang katanungan o pangangailangan, mangyaring makipag-ugnayan agad sa ating mga opisyal.

29/08/2026

SALUDO SA TUNAY NA AMA NG BARANGAY, KAPITAN RUEL MARPA! 🫡♥️

Sa gitna ng nakaambang panganib ng baha, sakit na maaaring makuha, at nagbabadyang panganib mula sa mga live wire... may isang mukhang nananatiling matatag at nakangiti.

Hindi lang siya nag-utos sa malayo. Hindi siya naghintay sa kanyang opisina. Personal syang sumabak, nanguna, at sumama sa rescue team si Kapitan Ruel Marpa para matiyak ang kaligtasan ng bawat kabarangay sa Sta. Lucia.

Ganito ang klase ng lider na kailangan nating respetuhin at saluduhan. Walang pinipiling oras, walang pinipiling paglilingkuran. Sa kabila ng hirap at panganib, ang kanyang ngiti ay sapat na para magbigay ng lakas ng loob sa kanyang nasasakupan.

Maraming salamat, Kap Ruel, sa pagiging tunay na huwaran ng serbisyo publiko. Ang iyong katapangan at dedikasyon ay isang inspirasyon sa aming lahat. Pagpalain ka po ng Maykapal at ang buong barangay Sta. Lucia!

Maraming salamat din po sa Residente na nag-send ng Video.

🚨 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗦𝗔𝗙𝗘𝗧𝗬 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘: 𝙇𝙄𝙑𝙀 𝙒𝙄𝙍𝙀 𝙎𝘼 𝙎𝘼𝙈𝙋𝘼𝙂𝙐𝙄𝙏𝘼  𝙎𝙏𝙍𝙀𝙀𝙏 𝙏𝘼𝙍𝙃𝘼𝙑𝙄𝙇𝙇𝙀🚨𝗠𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝗣𝘂𝘀𝗼 𝘀𝗮 𝗛𝗮𝗿𝗮𝗽 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗶𝗯: 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗥𝘂𝗲𝗹 𝗠𝗮...
29/08/2026

🚨 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗦𝗔𝗙𝗘𝗧𝗬 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘:
𝙇𝙄𝙑𝙀 𝙒𝙄𝙍𝙀 𝙎𝘼 𝙎𝘼𝙈𝙋𝘼𝙂𝙐𝙄𝙏𝘼 𝙎𝙏𝙍𝙀𝙀𝙏 𝙏𝘼𝙍𝙃𝘼𝙑𝙄𝙇𝙇𝙀🚨

𝗠𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝗣𝘂𝘀𝗼 𝘀𝗮 𝗛𝗮𝗿𝗮𝗽 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗶𝗯: 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗥𝘂𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗿𝗽𝗮 𝗮𝘁 𝗥𝗲𝘀𝗰𝘂𝗲 𝗧𝗲𝗮𝗺, 𝗞𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗡𝗶𝗻𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗚𝗶𝘁𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝘀𝘂𝗯𝗼𝗸!

​Kasalukuyang nag-iikot at nagpapatrolya ang ating rescue team kasama ang ating Punong Barangay na si Kapitan Ruel S. Marpa sa Taraville at Calderon at iba pang binabahang lugar sa ating Barangay upang umalalay sa mga naapektuhan ng pagbaha.

⚠️ 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘:
𝗠𝗮𝘆𝗿𝗼𝗼𝗻 𝗽𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗺𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗜𝗩𝗘 𝗪𝗜𝗥𝗘 𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗥𝗔𝗟𝗖𝗢 𝘀𝗮 𝗦𝗮𝗺𝗽𝗮𝗴𝘂𝗶𝘁𝗮 𝗦𝘁𝗿𝗲𝗲𝘁. 𝗞𝗮𝘀𝗮𝗹𝘂𝗸𝘂𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮-𝗱𝗲𝗽𝗹𝗼𝘆 𝘀𝗮 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 𝗦𝗶𝗻𝗮 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗥𝘂𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗿𝗽𝗮, 𝗕𝗣𝗦𝗢 𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗦𝘁𝗮. 𝗟𝘂𝗰𝗶𝗮 𝗙𝗶𝗿𝗲 𝗦𝘂𝗯𝘀𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘃𝗼𝗹𝘂𝗻𝘁𝗲𝗲𝗿.

𝗣𝗶𝗻𝗮𝗽𝗮𝘆𝘂𝗵𝗮𝗻 𝗽𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝘀𝗮 𝗻𝗮𝘀𝗮𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝘆𝗲 𝗮𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 𝗻𝗮 𝗹𝘂𝗯𝘂𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴-𝗶𝗻𝗴𝗮𝘁, 𝗵𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗹𝘂𝗺𝘂𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝗹𝘂𝗺𝗮𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗻𝗴 𝗸𝘂𝗿𝘆𝗲𝗻𝘁𝗲 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗶𝘄𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝘂𝗺𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮

​𝗠𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝗽𝗼 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗿𝘂𝗺𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝗱𝗲𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗺𝗯𝗲𝗿𝗼, 𝘃𝗼𝗹𝘂𝗻𝘁𝗲𝗲𝗿𝘀, 𝗮𝘁 𝗸𝗮𝘆 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗥𝘂𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗿𝗽𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗿𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝗱𝗲.

𝗟𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝘂𝗻𝗮𝗵𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀𝗮𝗻. 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗲𝗺𝗲𝗿𝗴𝗲𝗻𝗰𝘆, 𝗺𝗮𝗻𝗴𝘆𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗴𝗻𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝗴𝗮𝗱 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆.

𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗞𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗥𝗨𝗘𝗟 𝗠𝗔𝗥𝗣𝗔.Kasalukuyang umiiral ang isang Low Pressure Area (LPA) na lalong pinaaigting...
29/08/2026

𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗞𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗥𝗨𝗘𝗟 𝗠𝗔𝗥𝗣𝗔.

Kasalukuyang umiiral ang isang Low Pressure Area (LPA) na lalong pinaaigting ang Habagat (Southwest Monsoon), na nagdudulot ng mga pag-ulan sa ating lugar.

Sa kasalukuyan, mayroon na tayong mga evacuees na naitala at nanunuluyan sa ating Barangay Hall upang masig**o ang kanilang kaligtasan. Patuloy din ang pagkilos at pagrerescue ng ating mga Barangay Rescuer sa mga naapektuhang pamilya.

Hinihikayat po ni Kapitan Ruel S. Marpa ang bawat isa na manatiling mapagmatyag, mag-ingat, at sundin ang mga alituntunin ng ating barangay para sa kaligtasan ng lahat.

Maraming salamat po sa maagap na pagpunta at pag-aasikaso sa ating mga evacuees kina:
Kagawad Noeme Diaz-Salonga
SK Chairperson Xyrone Pelayo
Kennedy Marpa
At sa Sta. Lucia Health Center Team
Ganun din sa barangay staff and employees

𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝘀𝗮𝗸𝗹𝗼𝗹𝗼, 𝗺𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶 𝗸𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗺𝗮𝘄𝗮𝗴 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗵𝗼𝘁𝗹𝗶𝗻𝗲 𝘀𝗮 𝟬𝟵𝟭𝟵𝟬𝟳𝟱𝟱𝟭𝟬𝟭.

𝗠𝗮𝗴-𝗶𝗻𝗴𝗮𝘁 𝗽𝗼 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆.

⚠️ 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬: 𝗥𝗘𝗣𝗢𝗥𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗜𝗩𝗘 𝗪𝗜𝗥𝗘 / 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗟𝗔𝗬𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗟𝗘 ⚠️Nais po naming ipagbigay-alam sa ating mga kabarangay na ...
28/08/2026

⚠️ 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬: 𝗥𝗘𝗣𝗢𝗥𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗜𝗩𝗘 𝗪𝗜𝗥𝗘 / 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗟𝗔𝗬𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗟𝗘 ⚠️

Nais po naming ipagbigay-alam sa ating mga kabarangay na agad na inaksyunan ng Tanggapan ni 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗥𝘂𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗿𝗽𝗮 ang natanggap na report ukol sa nakalaylay na kable/live wire sa 𝟬𝟲𝟭 𝗝. 𝗔𝗯𝗮𝗱 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗼𝘀 𝗦𝘁., 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗦𝘁𝗮. 𝗟𝘂𝗰𝗶𝗮 (𝗺𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝗵𝗮𝘆 𝗻𝗶 𝗔𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮).

Maraming Salamat po sa ating Kabarangay Analiza Arellano sa pagrereport sa insidenteng ito.

Agad po itong itinawag ni Secretary April Lane at nailapit sa pamunuan ng Meralco para sa mabilisang pag-aayos.

📌 Meralco Reference No.: 26083098591
📌 Status: Aksyunan ng Meralco Team as soon as possible.

🚨 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟:
𝗛𝗨𝗪𝗔𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗢 𝗛𝗔𝗛𝗔𝗪𝗔𝗞𝗔𝗡 ang nakalaylay na kable para sa inyong kaligtasan.

Mangyaring mag-ingat ang mga dumadaan sa nasabing kalsada habang hinihintay ang pagdating ng mga techniko ng Meralco.

Maraming salamat po sa ating concerned citizen na agad na nag-report! Patuloy po tayong magtulungan para sa kaligtasan ng buong Barangay Sta. Lucia.

Address

Sta. Lucia Avenue
Quezon City
1117

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Sta. Lucia, District V, Quezon City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share