10/08/2026
๐๐๐๐-๐๐๐ ๐๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ง๐ข๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ ๐๐ข๐ฏ๐๐ซ ๐๐ฒ๐ฌ๐ญ๐๐ฆ ๐๐๐๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ญ
Pinaigting ng DENR National Capital Region, sa pamamagitan ng Pasig River Coordinating and Management Office (PRCMO), ang monitoring sa kalagayan ng mga daluyan ng tubig sa Pasig River System habang nagpapatuloy ang Southwest Monsoon o Habagat.
Patuloy na mino-monitor ng PRCMO ang Pasig River, San Juan River, at mga estero sa Maynila, kabilang ang Estero de Sunog Apog, Estero de San Miguel, Estero de Sampaloc, Estero de Pandacan, Estero de Concordia, at Estero de Tripa de Gallina.
Sa isinagawang monitoring, naobserbahan ang pagtaas ng lebel ng tubig sa ilang waterways bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan, na sa ilang bahagi ng Pasig River ay sinabayan ng high tide. Naitala rin ang pagbaha sa easement area ng Estero de Tripa de Gallina.
Namataan din ang naipong floating debris sa ilang trash traps, kabilang ang bahagi ng San Juan River sa Sevilla Bridge at Kalentong/Bacood. Samantala, malaking volume ng solid waste ang naobserbahan sa Estero de San Lazaro at bahagi ng Pasig River sa Parola, Maynila.
Bilang tugon, nagpapatuloy ang monitoring at clean-up operations ng PRCMO River Warriors, kasabay ng agarang koordinasyon sa mga kinauukulang tanggapan upang matugunan ang mga kinakailangang aksyon at mapanatili ang maayos na daloy ng tubig sa mga mino-monitor na lugar.
Habang inaasahang magpapatuloy ang pag-ulan, hinihikayat ang publiko na manatiling alerto, maging maingat, at huwag magtapon ng basura sa mga ilog, estero, kanal at iba pang daluyan ng tubig.
Sa panahon ng Habagat, mahalaga ang sama-samang pagkilos upang mapanatiling malinis at ligtas ang ating mga katubigan at komunidad.