04/09/2026
| โ๐๐ถ๐ญ๐ข ๐ฑ๐ข ๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ณ๐ช๐บ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ด๐ช๐ญ๐ข [๐๐๐๐]. ๐๐ข ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ฅ๐ถ๐ฌ๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฑ๐ข ๐ญ๐ข๐ฏ๐จโ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ข๐ฏ๐ช๐ฎ ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ค๐ฆ๐ด๐ด๐ช๐ฏ๐จ ๐ข๐ต ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข ๐ฎ๐ข๐ณ๐ฌ๐ฆ๐ต๐ช๐ฏ๐จโ๐ด๐ช๐ญ๐ข ๐ฑ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ด๐ข ๐ญ๐ช๐ฌ๐ฐ๐ฅ ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ. ๐๐ช๐ญ๐ข ๐ฑ๐ฐ ๐ต๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ฎ๐ถ๐ต๐ถ๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ด๐ข ๐ง๐ฆ๐ฅ๐ฆ๐ณ๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฎ๐ข๐ณ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐จ ๐จ๐ข๐ฏ๐ช๐ต๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ข๐บ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐จ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ.โ
Ito ang naging pahayag ni ๐๐๐ง๐ซ๐ฒ ๐. ๐๐๐ง๐๐๐ฌ, President ng Pilinio Federation of High Value Crops Growers Inc., matapos ang kanilang matagumpay na partisipasyon sa 20th National Vegetable Congress noong Agosto 18-20 sa Davao City, kung saan inimbitahan sila ng PRDP na lumahok sa nasabing pagtitipon.
Masayang ibinahagi ni Pandes na naging makabuluhan ang kanilang paglahok sa congress dahil maliban sa unang beses nilang sumali ay naipakilala rin sila sa mas malaking market. Ayon sa kanya, tatlong potensyal na buyer ang nagpakita ng interes na bumili ng kanilang mga produktong gawa sa taro.
Ang Pilinio Federation of High Value Crops Growers Inc. ang nangangasiwa ng Pilinio Taro Production, Drying, and Storage Facility na pinondohan ng PRDP Scale-Up sa Pili, Camarines Sur. Layunin ng proyekto na pataasin ang kalidad ng dried taro leaves, na pangunahing produkto ng kooperatiba, at palakasin ang industriya ng taro sa Bicol.
Sa paglahok sa mga ganitong pagtitipon, nabibigyan ng pagkakataon ang mga kooperatibang tulad ng Pilinio na makipag-ugnayan sa ibaโt ibang mga agri stakeholder, mapalawak ang kanilang kaalaman sa pagsasaka at pagkalakal, at maibida ang kanilang produkto sa mas maraming tao.