02/06/2026
๐ ๐๐น๐ฎ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ง๐๐ป๐ด๐ผ ๐๐ฎ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ผ: ๐๐ฎ๐ด ๐ช๐ฒ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ฒ๐น๐ถ๐ต๐ผ๐ผ๐ฑ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ, ๐จ๐บ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ฎ๐ฑ๐ฎ ๐ก๐ฎ! ๐โจ
Patuloy na umaarangkada ang isinasagawang Livelihood Skills Training para sa Bag Weaving na masigasig na dinaluhan ng mga Project-Affected Persons (PAPs) ng South Commuter (SC) Railway Project.
Bilang pagpapakita ng buong suporta sa interbensyong ito, personal na bumaba at nakibahagi si PCUP Chairperson at CEO, Usec. Michelle Anne "Che-Che" B. Gonzales upang siguruhin na ang mga programa ng ahensya ay tunay na naghahatid ng konkretong oportunidad para sa mga maralitang tagalungsod.
Higit pa sa simpleng pagbabahagi ng kaalaman sa paghabi, ang programang ito ay may kalakip na pormal na assessment kung saan ang mga papasa ay bibigyan ng direktang oportunidad na makapagtrabaho sa ilalim ng ating bag manufacturer.
Tinitiyak ng inisyatibong ito sa ilalim ng Cottage Industry na ang mga ipinagkakaloob na alternative livelihood interventions ay hindi natatapos sa mismong araw ng training, kundi magreresulta sa isang tuluy-tuloy at pangmatagalang pagkakakitaan para sa mga apektadong pamilya. ๐ต๐ญ