Quezon City Protection Center

Quezon City Protection Center Certified as LLH by PCW in 2019, under QC Office of the City Mayor, a protection center for victims of gender-based violence on women, children & LGBTIQ.

Mahalagang Pabatid!๐Ÿ“ฃ
19/08/2026

Mahalagang Pabatid!๐Ÿ“ฃ

Alinsunod sa Republic Act No. 6741 idineklarang Special Non-Working Holiday ang August 19, 2026, Miyerkules sa Quezon City, bilang paggunita sa ika-148 kaarawan ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon.

Walang pasok sa lahat ng pampubliko at pribadong opisina sa buong Lungsod Quezon. Mananatili namang may pasok ang essential services gaya ng law enforcement, traffic management, fire protection, health and rescue, disaster response and management.

Bumisita sa Lungsod Quezon ang delegasyon mula sa Young Womenโ€™s Political Empowerment Program ng Probinsya ng La Union p...
05/08/2026

Bumisita sa Lungsod Quezon ang delegasyon mula sa Young Womenโ€™s Political Empowerment Program ng Probinsya ng La Union para sa isang benchmarking activity na naglalayong matutunan ang mga best practices ng Quezon City Government sa pagpapaunlad ng youth QCitizens at pagsusulong ng gender equality.

Ibinahagi ng QC Youth Development Office at QC Gender and Development Council Office ang mga programang nagsusulong ng youth empowerment, womenโ€™s leadership, at inclusive governance. Bilang bahagi ng pagbisita, nagtungo rin ang delegasyon sa Quezon City Protection Center upang higit na matutunan ang mga serbisyong ibinibigay nito para sa proteksiyon at kapakanan ng mga mamamayan.


30/07/2026

Dito sa QC, walang puwang ang pananamantala.

Ginugunita ngayong araw, July 30, ang World Day Against Trafficking in Persons na may temang โ€œTrapped behind the scam.โ€

Idineklara ito ng UN General Assembly noong 2013 upang itaas ang kamalayan tungkol sa karanasan ng mga biktima ng human trafficking at isulong ang proteksyon ng kanilang karapatan.

Patuloy na nakikiisa ang Quezon City Government sa pagsulong ng mga programa para sa proteksyon ng bawat isa at pagbibigay ng suporta para sa mga biktima ng pananamantala at pang-aabuso.

Kabilang sa mga inisyatiba ng lungsod ang Quezon City Stops All Forms of Exploitation o QC SAFE Seal na itinatag noong World Day Against Trafficking in Persons 2025 sa bisa ng Executive Order No. I Series of 2025. Ito ang kauna-unahang certification program para sa mga hotel, inn, at mga kaugnay na establisimyento na nakikiisa sa pagpigil sa anumang uri ng abuso at pananamantala.

Bilang QCitizen, sama-sama tayong tumindig at kumilos. Magsumbong, makialam, at makiisa para sa mas ligtas at mapayapang Quezon City.

Buong-pusong pasasalamat sa Bureau of Internal Revenue Philippines sa pagpili sa QC Protection Center na maging benepisy...
29/07/2026

Buong-pusong pasasalamat sa Bureau of Internal Revenue Philippines sa pagpili sa QC Protection Center na maging benepisyaryo ng inyong outreach activity. Maligayang ika-122 Founding Anniversary! Nawa'y magpatuloy ang inyong dedikasyon sa paglilingkod sa bayan.๐Ÿ’œ

๐‹๐ž๐š๐ซ๐ง๐ข๐ง๐ , ๐’๐ก๐š๐ซ๐ข๐ง๐ , ๐š๐ง๐ ๐’๐ญ๐ซ๐ž๐ง๐ ๐ญ๐ก๐ž๐ง๐ข๐ง๐  ๐‘๐ž๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ž๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐†๐๐• ๐’๐ฎ๐ซ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ๐ซ๐ฌ! ๐ŸคToday, July 23, 2026, the Quezon City Protection Cent...
23/07/2026

๐‹๐ž๐š๐ซ๐ง๐ข๐ง๐ , ๐’๐ก๐š๐ซ๐ข๐ง๐ , ๐š๐ง๐ ๐’๐ญ๐ซ๐ž๐ง๐ ๐ญ๐ก๐ž๐ง๐ข๐ง๐  ๐‘๐ž๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ž๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐†๐๐• ๐’๐ฎ๐ซ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ๐ซ๐ฌ! ๐Ÿค

Today, July 23, 2026, the Quezon City Protection Center (QCPC) warmly welcomed the delegates from the City Social Welfare and Development Office (CSWDO) of Iriga City, Camarines Sur, for a benchmarking activity together with the staff from the Social Services Development Department and the QC Tourism Department.

The visit aims to provide an opportunity for the participants to learn more about QCPC's programs, services, and best practices in delivering survivor-centered, trauma-informed, and multidisciplinary interventions for victim-survivors of Gender-Based Violence (GBV).

The discussion was led by Ms. Joceline C. Basconcillo, RSW, Social Welfare Officer III of the Quezon City Protection Center, who shared the Center's mandates, service delivery mechanisms, and collaborative approaches in ensuring comprehensive care and protection for victim-survivors.

Through meaningful discussions and knowledge sharing, this benchmarking activity highlights our shared commitment to strengthening protection mechanisms and ensuring that every victim-survivor receives compassionate, accessible, and responsive services.

Following the discussion and open forum, the delegates were given a quick tour of the Quezon City Protection Center (QCPC) facility, providing them with a firsthand look at the Center's service areas and operational processes in delivering comprehensive and survivor-centered care to victim-survivors of Gender-Based Violence (GBV).

Together, we continue to build safer communities and empower survivors through collaboration, innovation, and collective action.







๐™‹๐™–๐™œ๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™—๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™œ ๐™ช๐™œ๐™ฃ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™ข๐™–๐™จ ๐™ก๐™ž๐™œ๐™ฉ๐™–๐™จ ๐™–๐™ฉ ๐™ฅ๐™ง๐™ค๐™ฉ๐™š๐™ ๐™ฉ๐™–๐™™๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™ค๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™™๐™–๐™™!๐Ÿ’œNgayong ๐—๐˜‚๐—น๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿญ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, binisita ng mga delegado mu...
21/07/2026

๐™‹๐™–๐™œ๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™—๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™œ ๐™ช๐™œ๐™ฃ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™ข๐™–๐™จ ๐™ก๐™ž๐™œ๐™ฉ๐™–๐™จ ๐™–๐™ฉ ๐™ฅ๐™ง๐™ค๐™ฉ๐™š๐™ ๐™ฉ๐™–๐™™๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™ค๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™™๐™–๐™™!๐Ÿ’œ

Ngayong ๐—๐˜‚๐—น๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿญ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, binisita ng mga delegado mula sa ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—•๐—ฎ๐—ฒ๐˜€๐—ฎ ang ๐™Œ๐™ช๐™š๐™ฏ๐™ค๐™ฃ ๐˜พ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™‹๐™ง๐™ค๐™ฉ๐™š๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐˜พ๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™š๐™ง (๐™Œ๐˜พ๐™‹๐˜พ) para sa isang benchmarking visit kung saan kanilang natutunan ang mga programa, serbisyo, at proseso ng referral ng Center para sa mga biktima at survivor ng Gender-Based Violence (GBV).

Pinangunahan ni ๐˜”๐˜ด. ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฆ, ๐˜™๐˜—๐˜ฎ, ๐˜—๐˜ด๐˜บ๐˜ค๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ณ๐˜ช๐˜ค๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ ng QC Protection Center, ang talakayan tungkol sa mandato ng QCPC, mga serbisyong ipinagkakaloob, at kung paano mas mapapalakas ang pagtugon at suporta para sa mga nangangailangan. Sinundan ito ng isang makabuluhang question-and-answer session at maikling facility tour upang mas maunawaan ang operasyon ng Center.

Bilang bahagi ng benchmarking visit, nagkaroon din ng quick tour sa Bahay Kanlungan na pinangunahan ni ๐˜”๐˜ด. ๐˜Œ๐˜ท๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ ๐˜Ž๐˜ฆ๐˜ฑ๐˜ต๐˜ฆ, Social Worker Consultant. Ipinakilala niya sa mga delegado ang mga serbisyong ipinagkakaloob ng Bahay Kanlungan bilang pansamantalang tahanan at ligtas na espasyo para sa mga victim-survivors na nangangailangan ng proteksyon, pangangalaga, at suporta. Ang pagbisitang ito ay nagbigay ng mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng inter-agency collaboration sa pagtataguyod ng survivor-centered at trauma-informed care.

Maraming salamat, Barangay Baesa, sa inyong pakikiisa at hangaring mapalawak ang kaalaman at kakayahan sa pagtugon sa mga kaso ng GBV. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, mas napapalakas natin ang proteksyon, pag-aaruga, at pag-asa para sa bawat victim-survivor. ๐Ÿ’œ

19/07/2026
๐Ÿ’œ
13/07/2026

๐Ÿ’œ

Kami ang dapat magpasalamat, Mayor Joy. ๐Ÿค—

Maraming salamat sa inyo at sa lahat ng bumubuo sa Quezon City Bahay Kanlungan sa pagbibigay ng proteksyon, pag-asa at masasandalan ng mga biktima ng karahasan para sa kanilang rehabilitasyon, pagbangon at panibagong simula tungo sa ligtas na pamumuhay.

Like you, we want to ensure that every survivor of violence and other forms of abuse, wherever they are in the Philippines, will have immediate access to the same care, protection, and compassion that QC Bahay Kanlungan has made possible.

Muli, saludo at taos-pusong pasasalamat sa inyo! ๐Ÿ’•

10/07/2026

๐™Ž๐™ช๐™ง๐™ซ๐™ž๐™ซ๐™ค๐™ง๐™จ ๐™ค๐™› ๐™ซ๐™ž๐™ค๐™ก๐™š๐™ฃ๐™˜๐™š ๐™ค๐™ง ๐™ฉ๐™๐™ค๐™จ๐™š ๐™–๐™ฉ ๐™ง๐™ž๐™จ๐™  ๐™ข๐™ช๐™จ๐™ฉ ๐™๐™–๐™ซ๐™š ๐™– ๐™จ๐™–๐™›๐™š ๐™ฅ๐™ก๐™–๐™˜๐™š ๐™ฉ๐™ค ๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™ฃ ๐™ฉ๐™ค.โค๏ธโ€๐Ÿฉน๐Ÿ 

Under our proposed "Bahay Kanlungan Act of 2026," we seek to establish halfway houses or safe shelters in every city and province for survivors of gender-based violence and other forms of abuse.

All survivors, regardless of gender, age, or sexual orientation, should have immediate access to protection, temporary shelter, and support services to help them heal, recover and rebuild their lives.

Recognizing the success of Quezon City's Bahay Kanlungan โ€” the first LGU-run shelter providing comprehensive medical, psychological, police, and legal assistance to women, children, and LGBTQ+ victim-survivors of gender-based violence โ€” we seek to institutionalize this protective model nationwide.

Protect survivors of violence and abuse. Pass House Bill 10044! โœŠ๐Ÿผ

Hindi tadhana ng babae ang magtiis, at hindi kailanman magiging normal ang karahasan! Buong-lakas nating binasag ang kat...
09/07/2026

Hindi tadhana ng babae ang magtiis, at hindi kailanman magiging normal ang karahasan! Buong-lakas nating binasag ang katahimikan sa matagumpay na ๐Ÿฏ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ค๐˜‚๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—น๐˜† ๐—ช๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐—ปโ€™๐˜€ ๐—ฅ๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜๐˜€ ๐—”๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐—ฆ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป (๐—ช๐—ฅ๐—”๐—ฆ) na isinagawa ngayong araw, ika-9 ng Hulyo. Sa pamamagitan ng edukasyon at pagkakaisa, tinitiyak nating may lakas at proteksyon ang bawat kababaihan sa QC na lumaban para sa kanyang kaligtasan, dignidad, at hustisya.

Naging susi sa tagumpay ng aktibidad ang ating mga resource speakers na nagbahagi ng kanilang kaalaman at serbisyo. Sinimulan nina Ms. Freshia Kayee Quanico, RSW at Ms. Marites De Guzman ang talakayan ukol sa iba't ibang anyo ng Gender-Based Violence (GBV) at ang mga kulturang Pilipino na madalas nagiging hadlang sa pagrereport ng mga biktima. Sinundan ito ng komprehensibong pagtalakay ni Atty. Clara Rita Padilla sa mga batas na nagsisilbing kalasag ng kababaihan tulad ng RA 9262 (Anti-VAWC Act), RA 8353 (Anti-Rape Law), RA 7877 (Anti-Sexual Harassment Act), at RA 11313 (Safe Spaces Act). Nagbigay naman ng malinaw na gabay ang ating Police Lieutenant Marcy Joy Nuรฑez mula sa District Women and Children Section Concern, QC Police District ukol sa tamang proseso ng pag-uulat gamit ang mga lokal na takbuhan tulad ng Barangay VAW Desk, BCPC, at WCPD. Ibinahagi rin nina Ms. Joceline Basconcillo, RSW ng QC Protection Center at Ms. Analyn Nercua-Adem, RSW, MSSW ng QCGH ang mga libre at komprehensibong suporta at serbisyo para sa mga naging biktima.

Ang kaalamang ito ay isinalin sa agarang aksyon sa pamamagitan ng isang Case Analysis Workshop sa gabay ni Ms. Marie Louise Lipnica, RPm. Sa pagsusuri sa kwento ni "Sonya"โ€”isang inang nakaranas ng pang-aabuso โ€”sama-samang binuo ng mga kalahok ang mga konkretong hakbang gamit ang mga lokal na VAW desk upang iligtas siya at ang kanyang mga anak. Pinatunayan nitong ang bawat babaeng mulat ay may kapangyarihang magligtas ng buhay.

Ang pagtatapos ng sesyong ito ay simula pa lamang ng mas nag-aalab na paninindigan sa ating mga komunidad. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nagpatunay na sa Quezon City, walang babaeng mag-isa sa laban. Patuloy nating itaguyod ang bukas na malaya, ligtas, at may pag-asa para sa lahat!

Address

Seminary Road
Quezon City
1106

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63270061513

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Quezon City Protection Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Quezon City Protection Center:

Shortcuts

Share