Councilor Marra Suntay

Councilor Marra Suntay Si Konsehal MARRA SUNTAY ay isang lokal na kinatawan ng District IV ng Quezon City. MARRAming Salamat po!

Naniniwala ako na likas ang kakayahan, sipag, at talento ng mga Pilipino, kaya noong ako ay nahalal bilang konsehala sa ating distrito, nagging pangunahing adbokasiya ko ang tumulong sa ating mga residente upang mapaunlad nila ang kanilang buhay at ang buhay ng kanilang mga pamilya. Bilang Chairperson ng Committee on Social Services, ang aking tanggapan ay kasalukuyang nagbibigay ng mga sumusunod

na serbisyo sa ating mga residente sa Districto IV:

• Medical assistance sa piling Pampublikong Ospital sa ating lungsod Quezon, tulad sa Philippine Heart Center, National Kidney and Transplant Institute, East Avenue Medical Center, Quirino Memorial Medical Center, Lung Center of Philippines, and National Children’s Hospital;

• Scholarship sa tulong ng QCYDO;

• Late birth registration sa tulong ng ating Civil Registry Department;

• Libreng cremation para samga indigent na pamilya sa tulong ng Social Services Development Department;

• Libreng voucher ng gamot sa may sakit;


Bilang lokal na kinatawan ng ating distrito, ilan sa mga mahahalagang ordinansa at resolusyong na aking isinulong ay ang mga sumusunod:

• pagbigay ng libreng funeral service package mula sa mga accredited funeral homes sa Quezon City, sa halagang hindi hihigit sa P25,000;

• pag-taas ng halaga ng financial assistance para sa mga qualipikadong biktima ng sunog, P5,000para sa mga house renters, mula sa halagang P1,000 dati, at P10,000 naman para sa mga house and lot owners, mula sa halagang P2,000 noon;

• pagbibigay ng libreng lokal na birth certificate sa mga kindergarten enrollees;

• pagbibigay ng tax incentive sa mga employer na may senior citizen o PWD na empleyado;

• pag-control sa pagbili ng mga pangunahing bilihin sa panahon ng pandemya at kalamidad;

• pag-establish ng pampublikong crematorium at columbarium sa Baesa Public Cemetery, Quezon City;


Ang aking tanggapan ay patuloy na nagbibigay ng mga sumusunod na proyekto, programa, at serbisyo:

 SERBISYONG PANG-BARANGAY:

• Pagbigay ng mga emergency vehicles sa lahat ng 38 na barangay sa ating distrito;

• Pagbibigay ng collapsible at modular tents;

• Pagbibigay ng mgamonoblock chairs sa mga barangay at community organizations sa ating distrito;

• Pagbibigay ng Eco Waste Bike, para sa segregation ng mga basura sa mga barangay.


 PROYEKTONG IMPRASTRAKTURA:

• Construction ng Barangay UP Village Sangguniang Kabataan (SK) building;

• Renovation at enclosure ng Barangay Laging Handa Barangay Hall;

• Renovation ng Suntay Multi-purpose Hall sa Barangay Pinagkaisahan;

• Renovation ng Suntay Multi-purpose Hall sa Barangay San Vicente;


 SERBISYO PARA SA ATING DISTRITO:

• Medical at dental mission projects;

• Livelihood projects, tulad ng liquid soap making seminar at pagbibigay ng food cart at livelihood umbrellas;

• Pagbibigay ng Suntay Health Assistance Card (SHAC) para sa medical assistance ng mga solo parents;

• Kasalang Bayan;

• Anti-flu at Anti-Pneumonia vaccination campaign para sa mga senior citizens, sa tulong ng ating City Health Department;

• Anti-rabies vaccination sa tulong ng ating City Veterinary Department;

• Pagbibigay ng mga tungkod, wheelchair, BP Monitor at iba pang pangangailangan ng ating PWD at senior citizens na residente;

• Pagbibigay ng PE uniform sa mga day care students;

• Pagtaguyod ng Sunday Skwela para maturuan ang mga bata na may edad 4 hanggang 6 na taong gulang;

• Pagbibigay ng automatic alcohol dispensers, vaccination carriers, digital weighing scales, swabbing booths, aerosol boxes, hygiene kits, medical supplies, pagkain, at mga kailangang kagamitan sa ating mga ospital tulad ng washing machines, water dispensers at iba pa sa panahon ng pandemya;

• Pagbibigay ng grocery bags sa ating mga naka-lockdown at sa mga na ka-home quarantine na residente;

• Pagbibigay ng Prepaid Home Wifi sa mga PWD students para sa kanilang online classes.


 GOING BEYOND BORDERS:

• Pagbigay ng mga medical equipments at supplies noong umpisa ng pandemya sa iba’t ibang probinsya at mga ospital sa buong Pilipinas;

• Outreach program sa mga nasalanta noong 2019 Taal volcano eruption sa Batangas;

• Outreach program sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa Rodriguez at Montalban, Rizal noong 2020;

• Pangangasiwa ng Sunday Skwela sa mga batang nakatirasa Rodriguez at Montalban, Rizal;


Sa tuloy-tuloy pa nating pagtulong sa ating mga ka-distrito, nais ko lang po magpasalamat sa lahat ng ating mga residente sa oportunidad na ipinagkaloob ninyo sa akin upang kayo ay paglingkuran. Araw-araw ginagawa ko po ang lubos ng aking makakaya upang tumbasan ang tiwala na inyong ipinagkaloob sa akin, at bigyang buhay ang aking katagang “Marrangal na Serbisyo”.

Tara na Brgy. OCS
05/09/2026

Tara na Brgy. OCS

🚐💚 Serbisyo na ang lalapit sa inyo, mga ka-Distrito Kwatro!

Ngayong Lunes, September 7, dadalhin natin ang ating Mini Caravan on Wheels sa Brgy. Old Capitol Site, Pechayan!

🦷 Libreng Bunot — 8:00 AM–12:00 NN
⚖️ Libreng Legal Consultation at Paggawa ng Affidavits — 9:00 AM–12:00 NN
📄 Libreng Civil Registration Consultation — 9:00 AM–12:00 NN

At habang naghihintay, may LIBRENG Popcorn 🍿 at palaMIGS 🥤 din tayo!

Hindi na kailangang lumayo—tayo mismo ang lalapit para ihatid ang serbisyo sa inyong barangay. 💚

Mas malapit. Mas madali. Para sa tao.


29/08/2026
23/08/2026

Kita-kits po tayo bukas, mga ka-Distrito! 💚

Ngayong Lunes, August 24, 2026, muli nating inilalapit sa inyo ang ating mga libreng serbisyo:

🦷 Dental Services (Bunot)
⏰ 8:00 AM–12:00 NN
First come, first served

⚖️ Konsultasyong Legal
⏰ 9:00 AM–12:00 NN

📄 Konsultasyong Civil Registration
⏰ 9:00 AM–12:00 NN

📍 Bahay Serbisyo
#50 Panay Ave., Brgy. Paligsahan, Quezon City

Hatid serbisyo, hatid malasakit—tunay na serbisyo para sa ating lahat!


Patunay ang pag tulong ay walang pinipili ❤️
16/08/2026

Patunay ang pag tulong ay walang pinipili ❤️

11/08/2026
21/07/2026

Dahil ang kalusugan ay hindi dapat ipinagpapaliban.

Isa sa pangunahing adbokasiya ng pamilyang Suntay ang pagpapalapit ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa bawat komunidad.

Bilang pagdiriwang ng kaarawan ni Coun. Atty. Migs Suntay, hatid natin ang Birthday Caravan Medical Mission upang mas marami pang kababayan ang mabigyan ng libreng konsultasyon at iba pang serbisyong medikal.

📍 SCHEDULE

🗓 July 24 (Friday) | 8:00 AM – 4:00 PM
📍 Barangay Doña Imelda Function Hall

🗓 July 25 (Saturday) | 1:00 PM – 5:00 PM
📍 Baluyot Court, Barangay Krus na Ligas

🗓 July 26 (Sunday) | 8:00 AM – 4:00 PM
📍 P. Bernardo Elementary School, Barangay Kaunlaran

Hindi lang ito pagdiriwang ng kaarawan—ito ay pagdiriwang ng serbisyong may malasakit, dahil naniniwala tayo na ang tunay na regalo ay ang mas malusog na pamayanan.

20/01/2026

The Saludo Excellence Award proudly recognizes individuals and organizations who exemplify outstanding performance, leadership, and compassion in their respective fields — from the arts and entertainment industry to public service and corporate leadership.

Be part of this prestigious recognition of Filipino excellence!

GENERAL EVALUATION GUIDELINES

📊 Voting System (Engagement-Based)

👍 Like = 1 Vote

🔁 Share = 2 Votes

Only public likes and shares will be counted.

*Each account is counted once per like/share.

*Fake, dummy, or bought engagements are subject to disqualification.

* Voting period must be within the official announced dates.

* Final results will be validated by the organizing committee.

Screening and Validation:
All nominees undergo document verification, background checking, and interview.

Panel Evaluation:
Judging shall be conducted by a panel of experts, including representatives from media, civic organizations, and industry leaders.

Any negative comment, complaint, or concern received through our official email channels will undergo an initial review and verification by the Awards Committee.

If the negative feedback is found to be valid, credible, and with sufficient basis, the nominee will be automatically removed from the list of official nominees

All reports and evaluations will remain confidential, ensuring fairness and the protection of all parties involved.

Final Deliberation:
The Committee’s final decision is confidential, impartial, and final

Integrity Clause:
Any nominee proven to have violated ethical, legal, or moral standards will be subject to disqualification.

Official Nomination Link:
https://forms.gle/zQ4p7u1mLDFQDCge6

Bagong Taon, Bagong Pag Asa at Bagong Simula. Sa pagsisismula ng Bagong Taon dalangin ko para sa lahat ang mas mapayapa ...
02/01/2026

Bagong Taon, Bagong Pag Asa at Bagong Simula.

Sa pagsisismula ng Bagong Taon dalangin ko para sa lahat ang mas mapayapa at masaganang taon puno ng Pasasalamat sa atin Panginoon sa lahat ng mga biyaya ating natanggap sa nakalipas na 2025.

Happy New Year !

Walang hanggang pasasalamat 🙏🏻

02/12/2025

Patunay na si Cong. B**g Suntay ay pinahahalagahan ang FREE OF SPEECH, isang karapatan para sa lahat. Proud of you Cong. B**g Suntay

Address

2/F Room 214 Legislative Wing, Quezon Cityhall
Quezon City
1100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Councilor Marra Suntay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category