16/09/2025
Pagpupugay sa mga Community Volunteers
Isang taos-pusong pagpupugay sa lahat ng community volunteers na nakiisa sa Red Cross 143 at dumaan sa Oryentasyon sa pagbibigay ng First Aid sa pangunguna ng Philippine Red Cross – QC Chapter, katuwang ang Emergency Quick Response and Management Team-UP Volunteers, PWD-BUPCA, Inc., Tau Gamma Sigma Palaris Community Chapter, at sa mga Area volunteers.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng kaalaman at kasanayan ang ating mga kapwa volunteers sa komunidad, upang maging handa at may sapat na kaalaman kung paano magbigay ng agaran at paunang tulong sakaling magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari sa ating pamilya o lugar.
Lubos ang aming pasasalamat sa mga sponsors at katuwang sa programa:
-Philippine Red Cross QC Chapter headed by Mam Janice Melody Adolfo at sa ating Facilitator Mr. Marco Albanez
- Kgd. Rowel Lectura at ang inyong lingkod katuwang ang EQRMT
- Bantay Palaris at Ugnayan Council ng Palaris
- PWD-BUPCA, Inc. Officers: Diosa SV, Don Angeles, Jo Fernandez, Maricel Clave, Filipinas Del Piaca, Romeo Dela Cruz at Sheila Liboon
-Taugama Sigma Palaris Community Chapter headed by GT Joy Modesto
Maraming salamat din sa mga naitalagang mga tao at lahat ng nagbigay-suporta:
Lenie Malinao
Jess Estrada
Linda Policar
Ellis Cruz
Noemi Albaniel
Sam Ismael
Arminda Poliquit
Glaiza Karingal
- Vicky Nuñez (kasama ang Dagohoy Volunteers)
- Ditas Macase (kasama ang Pook Ricarte Volunteers)
- Agnes Dela Cruz(Kasama ang Kababaihan)
- Tarcisia Tarnte (kasama ang Pook Palaris Volunteers)
- CP Garcia Livelihood Group
- Beth Elmido kasama ang Pook Daan Tubo Volunteers
Binabati rin natin ang ilang kasamahan na pinagkalooban at matagumpay na nagproseso ng Insurance coverage na nagkakahalaga ng ₱35,000 at ₱50,000, na may bisa ng isang taon bilang proteksyon sakaling magkaroon ng aksidente.