Kagawad Joseph P. Galacgac

Kagawad Joseph P. Galacgac This page is created so we can serve our constituents better.

PANUKALANG BATAS NA IPAGPALIBAN ANG BSKE 2026 PASADO NA!!Ang panukalang batas na naglalayong ipagpaliban ang BSKE 2026, ...
10/09/2026

PANUKALANG BATAS NA IPAGPALIBAN ANG BSKE 2026 PASADO NA!!

Ang panukalang batas na naglalayong ipagpaliban ang BSKE 2026, ay hindi sapat na maaprubahan lamang ito ng Mababa at Mataas na Kapulungan.

Dadaan pa ito sa:

Bicameral Conference Committee – Kung magkaiba ang bersyon ng dalawang kapulungan, kailangan muna itong pagkaisahin.

Ratipikasyon – Kailangang pagtibayin ng parehong kapulungan ang pinag-isang bersyon.

Presidential Action – Isusumite ito sa Pangulo para sa lagda o veto. May constitutional rules din kung hindi ito kikilos sa loob ng itinakdang panahon.

Kaya hangga't hindi pa nagiging ganap na batas ang panukala, hindi dapat basta ipalagay na kanselado o postponed na ang BSKE 2026.

Kapag naging ganap na batas na ito ay Maaari parin itong idulog o kwestyonin sa Korte Suprema para humiling ng TRO habang tinatalakay ang Constitutionality nito

-JOSEPH GALACGAC

USAPANG BSKE 2026Tinutulan ni election lawyer Romulo Macalintal ang panukalang gawing limang taon ang termino ng mga Bar...
08/09/2026

USAPANG BSKE 2026

Tinutulan ni election lawyer Romulo Macalintal ang panukalang gawing limang taon ang termino ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials, na maaari ring magresulta sa pagpapaliban o term extension ng nakatakdang halalan sa Nobyembre.

Ayon kay Atty Macalintal baka kapusin na syang panahon kung kaya't lumiham sya kay SP Gatchallian na mabigyan sila ng pagkakataong maipahayag ang kanilang panig sa pagtalakay sa panukala.

Hindi pa man lubusang naipatutupad ang apat na taong termino ng mga Barangay at SK officials ay muli na naman itong babaguhin ng Kongreso.

Ang tanong ngayon: Makatarungan ba na muling baguhin ang termino at ipagpaliban ang halalan, gayong hindi pa naman lubusang naipatutupad ang kasalukuyang batas?

Huwag nating kalimutan: Ang halalan ay karapatan ng mamamayan. Ang kanilang tinig ay dapat marinig.

USAPANG BSKE 2026Inaprubahan na sa kumite ng Kongreso at Senado ang panukalang pagpapaliban ng BSKE 2026, sa ilalim ng H...
06/09/2026

USAPANG BSKE 2026

Inaprubahan na sa kumite ng Kongreso at Senado ang panukalang pagpapaliban ng BSKE 2026, sa ilalim ng House Bill No. 10971 at Senate Bill No. 2387 na naglalayong gawing 5 taon ang termino ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan officials.

Kapag naging ganap na batas ang panukalang ito, ang susunod na BSKE ay inaasahang gaganapin sa Nobyembre 2028.

Ngunit hindi pa dito nagtatapos ang usapin. Nagpahayag na rin si election lawyer Atty. Romulo Macalintal na nakahanda silang muling dumulog sa Korte Suprema upang kuwestiyunin ang constitutionality ng naturang panukala kapag ito ay naging ganap na batas.

Kaya malinaw: habang hindi pa nagiging ganap na batas ang panukala, hindi pa pinal ang usapin.

Ang karapatan ng bawat mamamayan na pumili ng kanilang mga lider ay isang mahalagang usapin na dapat bantayan, pag-usapan at ipaglaban sa tamang paraan.

Abangan natin ang susunod na kabanata ng BSKE 2026. Ang batas ang masusunod, ngunit ang bawat Pilipino ay may karapatang malaman kung ano ang tunay na nangyayari.

Ang pagtutol sa muling pagpapaliban (postponement) ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ay karaniwang na...
05/09/2026

Ang pagtutol sa muling pagpapaliban (postponement) ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ay karaniwang nakasandig sa mga usaping konstitusyonal, demokrasya, at pananagutan ng mga lokal na pinuno.

​1. Pagsuway sa Desisyon ng Korte Suprema

​Nauna nang naglabas ng desisyon ang Supreme Court (Macalintal v. COMELEC) na walang kapangyarihan ang Kongreso na gawing gawi ang paulit-ulit na pagpapaliban ng BSKE. Ang pagpapaliban muli ay maituturing na pambabalewala sa legal na praymer at prayoridad na itinakda ng mataas na hukuman.

​2. Paglabag sa Karapatang Bumoto (Constitutional Right to Suffrage)

​Ang regular na halalan ang pangunahing mekanismo ng mga mamamayan para pumili ng kinatawan. Ang paulit-ulit na pag-usog ng petsa ay nagkakait sa mga mamamayan ng kanilang karapatang pumili at magpalit ng lider sa takdang panahon.

​3. Kawalan ng Pananagutan (Accountability)

​Kapag napapahaba ang termino ng mga nakaupong opisyal sa pamamagitan ng batas sa halip na boto ng bayan, nababawasan ang kanilang pananagutan sa pampublikong serbisyo. Nawawalan ng pagkakataon ang mamamayan na singilin o palitan ang mga hindi nagtatrabaho nang maayos.

​4. Pagkakait ng Pagkakataon sa Kabataan (SK Issues)

​Dahil may edad na limitasyon ang Sangguniang Kabataan (18 hanggang 24 taong gulang), ang pagpapaliban ng halalan ay nagiging dahilan upang lumagpas sa age limit ang maraming kabataan na may kakayahan at kagustuhang maglingkod, habang ang iba naman ay lumalagpas na sa edad para makaboto bilang SK voter.

05/09/2026

TULONG PANGKABUHAYAN PARA SA MGA NANO ENTERPRISES 🙌🏾

Para sa mga magbubukas ng maliliit na negosyo tulad ng karinderya o sari-sari store, hindi niyo na kailangan magbayad ng barangay business clearance fees.

Gamitin niyo na lang ang inyong puhunan sa mga paninda at kagamitan na kailangan niyo sa inyong negosyo.

Salamat po sa programang ito, Mayor Joy Belmonte! 🙏🏽

🇵🇭 BSKE 2026BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN ELECTION📌 MGA MAHAHALAGANG ALITUNTUNINPARA SA BARANGAY AT SANGGUNIANG KABAT...
03/09/2026

🇵🇭 BSKE 2026

BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN ELECTION

📌 MGA MAHAHALAGANG ALITUNTUNIN

PARA SA BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN (BSKE) 2026

🗳️ MAKILAHOK
📢 MAKIALAM
🇵🇭 BUMOTO

“NASA ATIN ANG KINABUKASAN.”

Former Kagawad Joseph Galacgac

Nais kong ipaabot ang aking taos-pusong pagbati sa lahat ng Kapatid na Alpha Kappa Rho sa buong Barangay Payatas at QC C...
08/08/2026

Nais kong ipaabot ang aking taos-pusong pagbati sa lahat ng Kapatid na Alpha Kappa Rho sa buong Barangay Payatas at QC Council sa pagdiriwang ng ating ika-53 Anibersaryo.

Nawa’y patuloy nating isabuhay ang diwa ng pagkakaisa, pagkakapatiran, paglilingkod at pagtulong sa kapwa. Patuloy nawa tayong maging instrumento ng kabutihan at katuwang sa mga gawaing pangkomunidad na nagbibigay ng pag-asa at nagpapatatag sa ating kapatiran.

Long Live Alpha Kappa Rho!
Long Live Alpha Kappa Rho!
Born, live, die as an Skeptron

Address

004 Macopa Street Cor. Ipil-Ipil St. Payatas B
Quezon City
1119

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kagawad Joseph P. Galacgac posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share