Quezon City Training and Assessment Center

Quezon City Training and Assessment Center ORDINANCE NO.SP. 3118 S-2022
The QCTAC shall provide free TVET program and Competency Assessment programs to OSY and residents from indigent families.

TESDA-Accredited Assessment Programs:
Bookkeeping NC III
Dressmaking NC II

Community-Based Training on Shielded Metal Arc Welding (SMAW) para sa mga residente ng QCDTRC-TAHANANNaglunsad ang Quezo...
20/05/2026

Community-Based Training on Shielded Metal Arc Welding (SMAW) para sa mga residente ng QCDTRC-TAHANAN

Naglunsad ang Quezon City Training and Assessment Center (QCTAC) ng limang (5) araw na pagsasanay sa Shielded Metal Arc Welding para sa mga residente ng Quezon City Drug Treatment and Rehabilitation Center (QCDTRC) - TAHANAN, na nagsimula noong Mayo 18-22, 2026.

Layunin ng programang ito na magbigay ang praktikal na kaalaman at kasanayan na makatutulong sa kanilang muling pagbangon at paghahanda para sa mas maayos at produktibong kinabukasan. Sa bawat kislap ng welding rod, sumasalamin ang kanilang determinasyon, pag-asa, at patuloy na pagsisikap tungo sa positibong pagbabago.

Day 3 of Pet Handling Training at QCTAC 🐾Patuloy ang ating hands-on training sa ikatlong araw ng Pet Handling Training s...
19/05/2026

Day 3 of Pet Handling Training at QCTAC 🐾

Patuloy ang ating hands-on training sa ikatlong araw ng Pet Handling Training sa Quezon City Training and Assessment Center kasama ang Quezon City Veterinary Department.

Sa araw na ito, mas pinalalim pa natin ang kaalaman at kasanayan sa tamang pag-aalaga, safe handling, at responsible pet care para sa ating mga fur babies.

Maraming salamat sa lahat ng participants na patuloy na nakikiisa. See you again sa next session para sa mas marami pang practical na kaalaman na puwedeng magamit sa araw-araw o maging simula ng bagong livelihood opportunity!

MONDAY TRIVIA ❗❗ 🔥Oh mga future welders, ano ang tawag sa ginagamit na ‘'stick’' sa Metal Welding o SMAW?CLUE: 👉 E _ E C...
18/05/2026

MONDAY TRIVIA ❗❗

🔥Oh mga future welders, ano ang tawag sa ginagamit na ‘'stick’' sa Metal Welding o SMAW?

CLUE:

👉 E _ E C T _ O _ E

PET HANDLING TRAINING: DAY 2 SUCCESS!Tuloy-tuloy ang pag-level up ng ating QC pet lovers! Ginanap nitong May 12, 2026 an...
15/05/2026

PET HANDLING TRAINING: DAY 2 SUCCESS!

Tuloy-tuloy ang pag-level up ng ating QC pet lovers! Ginanap nitong May 12, 2026 ang ikalawang araw ng ating Pet Handling Training sa Quezon City Training and Assessment Center (QCTAC), katuwang ang Quezon City Veterinary Department (CVD).

Bahagi ito ng ating 6-session program tuwing Martes na naglalayong:
✅ Magbahagi ng praktikal na kaalaman sa tamang pag-aalaga ng a*o.
✅ Magturo ng skills na magagamit sa araw-araw.
✅ Magbukas ng pinto para sa bagong oportunidad at kabuhayan.

Saludo kami sa inyong dedikasyon! See you again next Tuesday, pet lovers!

Last 5 slots for Hilot Wellness Massage NC II. Register now!
15/05/2026

Last 5 slots for Hilot Wellness Massage NC II. Register now!

ONE-DAY LIVELIHOOD TRAININGSOAP MAKING 🫧 🧼🧴 Nagbigay ang QCTAC ng libreng One-day Livelihood Training on Soap Making tun...
15/05/2026

ONE-DAY LIVELIHOOD TRAINING
SOAP MAKING 🫧 🧼🧴

Nagbigay ang QCTAC ng libreng One-day Livelihood Training on Soap Making tungkol sa paggawa ng Dishwashing Liquid, Laundry Liquid Detergent, at Fabric Conditioner para sa mga kabataan ng Barangay Sangandaan, sa pakikipag-ugnayan sa Sagisag Kabataan Youth Organization sa pangunguna ni President Jonaz Rivera.

Layunin ng programang ito na mabigyan ng dagdag kaalaman at kasanayan ang mga kabataan na maaari nilang magamit bilang simpleng pagkakakitaan ngayong bakasyon at makatulong sa kanilang mga pamilya.

Patuloy ang QCTAC sa pagbibigay ng mga programang nagbubukas ng oportunidad, kasanayan, at kabuhayan para sa komunidad at kabataan.





🔔 QCitizens, It’s Training Time❗❗
11/05/2026

🔔 QCitizens, It’s Training Time❗❗

🧵✨ TRIVIA TIME! ✨🧵👗 Dressmaking Trivia Challenge 👗 Did you know, accuracy is one of the most important skills in dressma...
09/05/2026

🧵✨ TRIVIA TIME! ✨🧵

👗 Dressmaking Trivia Challenge 👗

Did you know, accuracy is one of the most important skills in dressmaking? ✂️ 🧵 🪡

Q: What tool is commonly used to take body measurements in dressmaking?

💡 CLUE: T_PE M_AS_R_

Future expert dressmakers, drop your answers in the comments below !👇🏻



Bringing skills and livelihood closer to the communityKahit mainit ang panahon, hindi ito naging hadlang sa mga particip...
06/05/2026

Bringing skills and livelihood closer to the community

Kahit mainit ang panahon, hindi ito naging hadlang sa mga participants upang aktibong makilahok sa training.

Isinagawa ang MEAT PROCESSING Training (Tocino, Skinless Longganisa, at Burger Patty) at ALCOHOL & HAND SANITIZER Making para sa ating mga kababaihan at senior citizens mula sa Barangay Pinyahan.

Ang aktibidad na ito ay inisyatiba ni Former SK Kagawad Raymart “Macky” Maracha, na nakipag-ugnayan at nakipagtulungan sa Quezon City Training and Assessment Center (QCTAC), katuwang ang IMPRUB, Inc., upang maisakatuparan ang nasabing training, kasama sina Kagawad Jen Palma (Committee on Livelihood Chair) at F/Kgd. Thess Palma.

Layunin ng programa na mabigyan ng kaalaman ang mga participants upang makapagsimula ng maliit na pagkakakitaan at makatulong sa kanilang pamilya sa mga gastusin sa gitna ng hirap ng buhay.

Masayang-masaya ang mga participants dahil hindi lang sila natuto may uwi pa silang mga finished products na maaari nilang simulang gawin at paunlarin bilang posibleng pagkakakitaan.



PET HANDLING TRAINING for QC Pet Lovers!Nagsimula na ang unang araw ng Pet Handling Training ngayong May 5, 2026 sa Quez...
05/05/2026

PET HANDLING TRAINING for QC Pet Lovers!

Nagsimula na ang unang araw ng Pet Handling Training ngayong May 5, 2026 sa Quezon City Training and Assessment Center sa pakikipagtulungan ng Quezon City Veterinary Department. Ang training na ito ay may anim (6) na session, tuwing martes simula ngayong araw.

Ito ay naglalayong magbigay ng praktikal na kaalaman sa tamang pag-aalaga ng alagang hayop tulad ng a*o at kasanayan na maaaring gamitin sa araw-araw o maging simula ng isang bagong kabuhayan.

See you again next Tuesday, pet lovers!


Address

53A Victory Avenue, Barangay Tatalon
Quezon City
1113

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Quezon City Training and Assessment Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share