Anakbayan CSWCD

Anakbayan CSWCD It was founded on November 30, 1998 in a community in Tondo, Manila. The organization quickly spread out throughout Metro Manila during the Oust Erap campaign.

Anakbayan UP Diliman, and its local chapter in CSWCD, is a comprehensive mass organization of the Filipino youth that advocates for the people's democratic rights. Anakbayan is comprehensive mass organization that aims to unite the Filipino youth from different sectors such us peasants, workers, students, professionals, out-of-school youth, indigenous youth and migrants under one political cause,

the national democratic alternative with a socialist perspective. Then later on, it expanded its recruitment throughout the country. It has 80,000 members nationwide back then in 2001. The organization has chapters on schools, factories, urban/rural communities and even Filipino communities in the other countries. As of 2012, it has chapters in San Diego, Seattle and New York in the USA, Tokyo in Japan and Melbourne in Australia. Anakbayan had stood on local issues such as community demolitions, budget cut on education, tuition fee increases and so on. But as a nationwide organization, it has also stood on national issues such as the Hacienda Luisita land dispute, Oust Gloria campaign and currently the anti-people policies of Noynoy Aquino. Anakbayan's advocacy can be summed up in what we call TLEKS (Trabaho, Lupa, Edukasyon, Karapatang sibil at Serbisyong Panlipunan): decent jobs and wages for the Filipino workers, land for the Filipino peasantry, quality education for the youth, civil and political rights, and basic social services for the people. It regularly conducts educational discussions, forums, workshops, cultural caravans and basic masses integration programs in order to engage the youth further in upholding their democratic interests.

Ipaglaban ang karapatan sa pabahay at lupa ng maralitang komunidad! Makikita sa Pook Aguinaldo, Brgy. U.P. Campus ang hi...
17/11/2022

Ipaglaban ang karapatan sa pabahay at lupa ng maralitang komunidad!

Makikita sa Pook Aguinaldo, Brgy. U.P. Campus ang hindi pangkaraniwan sa kalunsuran -- malawak na bukirin ng palay at gulay. Napapangalagaan ito ng komunidad ng mga magsasaka na kumakaharap sa land dispute laban sa U.P. Bukod sa isyu sa lupa, suliranin din ng mga magsasaka ang kakulangan sa gamit sa pagsasaka at banta ng demolisyon sa urban garden ng mga "blue guards".

Mula rito, inaanyayahan ng Anakbayan CSWCD ang lahat ng organisador ng bayan na makiisa sa panawagan ng mga magsasaka, at maging bahagi ng Kapit-Bisig Basic Masses Integration sa Pook Aguinaldo ngayong Nobyembre 21 (Lunes). Ang tipunan ay sa CSWCD Walkway, 6:00AM.

Mag-sign up lamang sa: bit.ly/KapitBisigBMI

Samahan natin ang mga magsasaka ng Pook Aguinaldo sa kanilang pag-aani ngayong buwan at malaman ang kanilang mga ipinaglalabang karapatan!

Bilang paggunita sa ika-18 na anibersaryo ng Hacienda Luisita Massacre, nagsagawa ang Anakbayan CSWCD ng protest action ...
16/11/2022

Bilang paggunita sa ika-18 na anibersaryo ng Hacienda Luisita Massacre, nagsagawa ang Anakbayan CSWCD ng protest action sa labas ng kolehiyo kasama ang iba't ibang progresibong organisasyon.

Naging panawagan sa protesta ang pagkamit ng hustisya ng mga martir ng masaker sa Hacienda Luisita na labing-walong taon na ang lumipas ay hindi pa nakamit ang kanilang hinaing ng pagpapamahagi ng lupa. Patunay sila na handa ang uring magsasakang isakripisyo ang kanilang buhay upang makamit ang libreng pamamahagi ng lupa. Kasama sa mga panawagan ang pananagot sa Cojuanco-Aquino sa pinsalang dulot ng masaker sa buhay ng masang anakpawis ng Hacienda Luisita, at ang pagsulong ng tunay na reporma sa lupa.


Bilang pagsalubong sa ika-18th na anibersaryo ng Hacienda Luisita Massacre sa darating na Nobyembre 16, ikinasa ng Anakb...
14/11/2022

Bilang pagsalubong sa ika-18th na anibersaryo ng Hacienda Luisita Massacre sa darating na Nobyembre 16, ikinasa ng Anakbayan CSWCD ang film-viewing ng Sa Ngalan ng Tubo, maikling dokumentaryong nagsasalalay sa pakikibaka ng mga magsasaka't magagawang bukid, at talakayan patungkol sa kasaysayan at kasalukuyang kalagayan ng Hacienda Luisita.

Sa darating na Nobyembre 16 (Miyerkules), 5:30PM sa CSWCD Walkway, inaanyayahan namin ang mga organisador ng bayan na makiisa sa protest action bilang paggunita sa Hacienda Luisita Massacre.

Naninindigan ang Anakbayan CSWCD para sa hustisya sa mga martir ng masaker at tunay na reporma sa lupa!

Sa kasalukuyan, nasa 48 na ang patay at 900,000 na ang nawalan ng tirahan o napilitang lumikas sa evacuation center dahi...
30/10/2022

Sa kasalukuyan, nasa 48 na ang patay at 900,000 na ang nawalan ng tirahan o napilitang lumikas sa evacuation center dahil sa hagupit ng Bagyong Paeng. Sa nakaraang mga araw na kung saan libo-libong Pilipino ang naghihirap at namomroblema sa preparasyon at sa mga epekto ng bagyong ito, walang paramdam si Marcos Jr. at lumiban sa mga PAG-ASA briefings na nagpapakita ng pagkawalang pakialam ni Marcos sa mga pambansang problema. Sa isinagawang virtual press conference naman, walang konkretong planong nailatag ang administrasyon at sa halip, nagturo ng daliri nang siya ay mawalan ng pananagutan sa mga malulupit na kinahihinatnan ng kanyang pagsasawalang-bahala sa buhay ng libo-libong Pilipino.

Dagdag pa sa pasakit ng bayan ang kaltas-badyet sa PAG-ASA at DOST na naglalayong paunlarin ang pagtugon ng bansa sa kalamidad. Ang pagtaas ng badyet para sa pulis-militar at imprastraktura, at tagong-badyet sa porma ng confidential funds ay nagpapakita lamang ng wala sa hulog na prayoridad ng rehimeng Marcos Jr. Ilang bahay pa ba ang masasalanta sa kriminal na kapabayaan ng administrasyon? Ilang buhay pa ang mawawala bago maliwanagan ang gobyerno sa kabulagan nito?

Nananawagan ang Anakbayan CSWCD sa mas maagam na pagtugon at preparasyon ng gobyerno sa panahon ng sakuna na maiuugat sa makaturangang pagbabadyet ng kaban ng bayan. Mararapat lamang na managot si Marcos Jr. sa mga taong nawalan ng tirahan at buhay bunga ng kalidad. Ang mga nasalanta ay hindi lamang biktima ng kalamidad, kung hindi biktima rin ng kriminal na kapabayaan ng rehimeng Marcos Jr.



Noong nakaraang buwan ng Setyembre, isinagawa ng House of Representatives (HOR) ang pagdinig sa pambansang badyet para s...
28/10/2022

Noong nakaraang buwan ng Setyembre, isinagawa ng House of Representatives (HOR) ang pagdinig sa pambansang badyet para sa taong piskal ng 2023. Dito matatagpuan ang malaking kaltas sa pondo na kinakaharap ng buong Unibersidad ng Pilipinas (UP); mula sa ipinanukala ng UP na Php 44-B para sa mga pangangailangan nito, Php 21.8-B lamang o wala pa sa kalahati ang ilalaan sa pondo para sa pamantasan.

Hindi lamang nito apektado ang UP Diliman, kundi ang buong UP System, kasama ang UP Philippine General Hospital o UP-PGH. Bahagi pa lamang ito ng Php 10.7-B na pangkalahatang kaltas sa badyet ng mga pampublikong State Universities and Colleges (SUCs) sa buong bansa, kabilang na ang UP, PUP, at marami pang iba.

Ang pagkaltas sa pagbansang badyet ay may malaking implikasyon sa panawagan ng ligtas na pagbabalik eskwela. Nagkaroon ng malaking kaltas sa capital outlay na gagamitin sana para sa mga karagdagang pasilidad sa mga paaralan at kolehiyo para masig**o ang kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at mga panauhin sa mga paaralan.

Sa kabilang banda, malinaw na ipinapakita ng kaltas badyet sa UP at iba pang SUCs na hindi prayoridad ng administrasyong Marcos-Duterte ang edukasyon at batayang serbisyo para sa mamamayang Pilipino. Higit na binibigyang atensyon ang pagpondo para sa pulis-militar, NTF-ELCAC, at iba pang elemento ng pamamasista ng rehimen kapalit ang kaginhawaan ng sambayanang naghihikahos sa gitna ng pandemya.

Mariin na tinututulan ng Anakbayan CSWCD ang kaltas sa badyet sa UP at sa pagsulong para sa patuloy na panawagan sa Ligtas Balik Eskwela. Mga organisador ng bayan, kolektibong tumindig para sa makaturangang badyet sa batayang serbisyo at singilin ang rehimeng Marcos-Duterte sa kanilang pananagutan sa taumbayan!



11/10/2022

Lumalawak, Lumalakas, Lumalaban, Anakbayan!

Nagbabalik ang pinaka-komprehensibong pambansa-demokratikong pang-masang organisasyon sa kolehiyo!

Sa mga organisador ng bayan na nais maging bahagi ng Anakbayan CSWCD, maaaring mag-sign up sa https://bit.ly/JoinAnakbayan-CSWCD!

05/10/2021

Ang Konseho ng mga Mag-aaral ng Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan, kasama ang mga organisasyon, pormasyon, at ang buong sangkaestudyantehan ng Kolehiyo, ay sukdulan na tinututulan ang pagtakbo ng anak ng dating diktador na si Ferdinand "B**gbong" Romualdez Marcos Jr. sa pagkapangulo sa darating na 2022 National Elections. Buo ang aming tindig na hindi kailanman makauupo sa ano mang posisyon ng gobyerno ang pamilyang Marcos na magnanakaw at mamamatay-tao

Ang nasabing pagtakbo sa posisyon ay manipestasyon ng kanyang mga ulteryor na motibo sa paglilinis at pagpapabango ng kanilang pangalan na magsisilbi sa pulitikal na interes ng kanilang nasirang pamilya. Sa mga nagdaang mga taon, pilit na binabaluktot ng mga Marcos ang malagim na sinapit ng Pilipinas noong Batas Militar sa pamamagitan ng paglilibing sa dating diktador Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, at ilang mga panayam sa midya na lumalabas ang pawang kasinungalingan. Ang hindi pagbibigay ng kapatawaran at hustisya ay nailalantad ang kawalang puso at hiya ng pamilyang Marcos sa lahat ng pinaslang, dinakip, tinortyur, inaresto, at pinatahimik noong mahigit na 21 taong paghahari-harian sa bansa.

Saksi at patuloy pa rin na nararanasan ng mamamayang Pilipino ang pasakit ng trilyun-trilyong utang ng mga Marcos na siyang sumasadlak sa atin sa matinding kahirapan at kagutuman. Ibinuhos sa luho at sa sariling interes ang kaban ng bayan habang ilang henerasyon pa ang aabutin para bayaran ng bawat Pilipino ang lahat ng inutang at dinarambong ng kanilang pamilya. Huwad ang pangako ni B**gbong Marcos na “sama-samang babangon mula sa mga dagok” kung ang kanyang angkan ang siyang dahilan ng labis na pagkabansot at pagbagal ng pag-unlad hanggang sa kasalukuyan.

Sa lumalalang pasismo at pagpapakalat ng maling impormasyon sa ilalim ng tiraniya ni Duterte, tinitiyak ng mga masang api na hindi kailanman magwawagi ang pamilyang Marcos at Duterte na maagaw nila muli ang kapangyarihan ng bansa sa darating na eleksyon. Ang mga Organisador ng Bayan, kasama ang sambayanang Pilipino, ay patuloy na maninindigan at maniningil sa lahat ng kanilang inutang na dugo, pagpapakatuta sa imperyalistang bayan, at pagiging taksil sa interes ng mamamayan. Sa pamamagitan ng kolektibong pakilos, sama-sama tayong babangon at lalansagin ang tiraniya at diktadurang Marcos-Duterte.

ORGANISADOR KONTRA DIKTADOR!

Makiisa sa social media rally!

“I, [Name] of [Organization/Formation], vehemently oppose the rise of another tyrant leader in the form of B**g B**g Marcos!

Let us oppose all Marcosian efforts to reclaim Malacañang. Let us oppose tyranny and dictatorship!


30/07/2021
25/07/2021

Ang Konseho ng Mag-aaral ng Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan, kasama ang buong sangkaestudyantehan at mga lokal na organisasyon ay nakikiisa sa pakikibaka ng mamamayan upang igiit ang karapatan sa ayuda, bakuna, karapatan, at edukasyon. Malinaw ang tindig ng sambayanang Pilipino sa ilalim ng administrasyong Duterte: nararapat nang tuldukan ang palpak, pabaya, papet, at pasistang paghahari ni Rodrigo Duterte.

Bawat taon ay ipinapangalandakan ni Duterte sa kanyang mga SONA ang mga napagtagumpayan at mga plano nito sa hinaharap. Ang mga dambuhalang mga proyekto at mabubulaklak na pangako na laging binibida ng estado. Subalit sa likod ng mga ito ay isang lipunan na nasasadlak sa sumisidhing kahirapan.

Kitang-kita ang kriminal na kapabayaan ng gobyerno sa higit isang taong pagdurusa ng sambayanan sa Covid-19, hindi pa rin naisasakatuparan ang matagal nang panawagang mass testing at libre at ligtas na bakuna na aksesible sa lahat, habang may banta pa muli ng pagtaas ng mga kaso. Pinapasidhi rin ng kapabayaan ni Duterte ang kagutuman ng bawat pamilyang Pilipino sa sabay-sabay na pagtaas ng presyo ng bilihin, kakarampot na ayudang pinapamahagi, at malawakang kawalan ng trabaho at hanap buhay ng ordinaryong Pilipino na umabot na sa 4.2 milyon, ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority.

Samatala, milyong-milyong kabataan naman ang hindi nagtuloy ng eskwela mula nakaraang taon bunsod ng kawalang kakayahan na isustina ang remote learning setup na pinapatupad mula primaryang edukasyon hanggang sa kolehiyo. Malaki ang kahandaan at kakulangan sa mga gadyet at access sa internet pareho ng mga g**o at estudyante, kaakibat pa ang banta ng Covid at ang sunod-sunod na kalamidad na kinakaharap ng mga estudyante sa kanilang mga komunidad.

Bukod sa pambubusabos, patuloy rin ang pasistang pag-atake ng rehimen ni Duterte sa mga mamamayang tumitindig at lumalaban. Matatandaan na patuloy na kinakasangkapan ni Duterte ang Anti-Terror Law at ang Whole of Nation Approach, kasama ang National Taskforce to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pagpapatahimik, pagpapataw ng gawa-gawang kaso, hanggang sa pamamaslang ng mga progresibong indibidwal at organisasyon. Ilang mga malalagim na kasong magmamarka sa rehimen ay ang malagim na Tumandok Massacre, ang iligal na pangre-raid at paghuli sa mga estudyante at g**o ng Lumad Bakwit School sa Cebu, at ang Bloody Sunday sa Timog Katagalugan noong Marso ngayong taon.

Ang tunay sa estado ng bansa ay hindi natin maririnig sa mga boladas na lumalabas sa bibig ni Duterte, bagkus ito ay makikita sa kalunos-lunos na kalagayan ng ating bansa. Hindi nito matatakpan ng mga huwad at hungkag na talumpati ang mga lumalalang isyung kinakaharap ng masang api: kahirapan, kagutuman, kawalan ng trabaho, kakulangan sa sahod, papabagsak na sistema ng kalusugan, pahirap na online learning, at pagtapak sa ating demokratikong karapatan.

Subalit itinuro sa atin ng kasaysayan na kapag nahaharap sa matinding krisis ang ating bansa, nauunawaan ng mamamayan ang mapang-api at mapagsamantalang sistema na nakaukit sa ating lipunan. At sa mga naipong galit na nararamdaman ng masang Pilipino ay dito na nauudyok ang mga tao na lumaban at makibaka.

Ngayong nalalapit ang SONA ni Duterte, hindi na ito ang panahon upang pakinggan ang kanyang talumpati dahil ang tunay ng SONA ng Bayan ay nasa taniman, pabrika, maralitang lungsod, ospital, eskwelahan, tahanan, at lansangan. Ang tunay na kalagayan ng bansa ay ating maririnig mula sa magsasaka, manggagawa, pambansang minorya, maralitang tagalunsod, kababaihan at LGBT, at mga kabataan na patuloy na pinagkakaitan ng karapatan at kalayaan.

Nariyan at nagpapatuloy ang hamon sa mga Organisador ng Bayan na sumandig sa lakas ng masang-api at sumama sa kanilang pakikibaka. Ang puspusang pagmumulat at pag-oorganisa tungo sa kolektibong pagkilos kasama ang malawak na hanay ng mamamayan ang magtitiyak ng tagumpay upang lansagin ang pasistang atake ng estado at pagwawakas ng panunungkulan ni Duterte.

Titiyakin ng masang lumalaban na ito na ang panghuling SONA ni Duterte. Ang taong bayan ay mag-aalsa at magpapasya sa kanyang paghahari-harian sa Malakanyang tungo sa pagpapatalsik sa kanyang pwesto.

WAKASAN ANG LIMANG TAONG PAGDURUSA SA ILALIM NG REHIMENG DUTERTE! IPAGLABAN ANG KARAPATAN SA AYUDA, BAKUNA, KARAPATAN, AT EDUKASYON!

Mga Organisador ng Bayan, sumama sa SONA ng Bayan!

9:00 AM - Assembly @ University Ave., UPD
9:30 - 11:00 AM - SONA ng Bayan


20/07/2021

Ngayong nalalapit na SONA ng administrasyong Duterte, nararapat lamang na ating bigyang pansin ang mga isyung kinasasadlakan ng sambayanan. Sama-sama nating basagin ang kasinungalingan. Ating pakinggan ang tunay na danas ng masang api. Wakasan ang pamumuno ni Duterte!

Ang Research and Extension for Development Office (REDO) sa ilalim ng CSWCD UP Diliman katuwang ang UP CSWCD Student Council at UP CSWCD FST Council ay iniimbitahan ang lahat na sumali sa SONA Last mo na Yaarn, isang online webinar discussion. Didiinan sa talakayan ang State of the Nation mula sa perspektiba ng iba’t ibang mga sektor sa bansa sa darating na ika-22 ng Hulyo 2021 sa ganap na ala-1 ng hapon hanggang alas-3 ng hapon.

Magrehistro lamang sa link na ito: bit.ly/SONALastMoNaYaarn

Kung may katanungan, maaaring umugnay kay Aubrey Yano (0920 540 2501) o sa aming email address na [email protected].

Mga Organisador ng Bayan, dumalo at magpadalo!




Sa diwa ng pakikiisa kasama ang:

Anakbayan CSWCD
NNARA-Youth UP Diliman
UP Asian Institute of Tourism Student Council
UP Diliman College of Arts and Letters Student Council
UP College of Home Economics Student Council
UP College of Mass Communication Student Council
UP Community Development Circle
UP Diliman Extension Program in Pampanga and Olongapo Student Council
UP Junior Social Workers' Association of the Philippines
UP Law Student Government
UP National College of Public Administration and Governance Student Council
UP School of Statistics Student Council
Rise for Education - CSWCD
STAND UP CSWCD

Lubos na sinusuportahan ng Anakbayan CSWCD si Emil Jerico “JERICO” Vila sa kanyang pagtakbo bilang tagapangulo ng Konseh...
08/06/2021

Lubos na sinusuportahan ng Anakbayan CSWCD si Emil Jerico “JERICO” Vila sa kanyang pagtakbo bilang tagapangulo ng Konseho ng Mag-aaral ng Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan sa ilalim ng STAND UP CSWCD. Sa loob ng dalawang taon ni Jerico sa kolehiyo, naipamalas niya ang esensya ng pagiging isang anak ng bayan — masikhay na kumikilos at nag-oorganisa sa hanay ng mga kabataan, aktibong nag-aaral at nagbibigay ng pag-aaral hinggil sa estado ng lipunan, at mangahas na nakikibaka kasama ang malawak na hanay ng mamamayang lumalaban.

Bilang propaganda officer ng Anakbayan CSWCD, walang-sawa siyang nagtrabaho upang palakasin at dalhin sa kamalayan ng publiko ang mga panawagan ng masa. Bukod pa rito, siya ay laging handang maglaan ng oras sa pagbibigay ng mga pag-aaral sa kanyang mga kapwa mag-aaral upang mapataas ang antas ng kanilang kamalayan hinggil sa mga isyu na kinakaharap ng mga kabataan at iba’t ibang sektor ng lipunan. Hindi nagkulang si Jerico sa pagiging maaasahang kasama; lagi siyang handang magpaabot ng tulong sa kapwa miyembro, maging sa paglikha ng mga materyales sa mga kampanya o sa pagharap sa mga personal na problema.

Sa kabila ng sunod-sunod na pag-atake ng rehimeng Duterte sa ating mga demokratikong karapatan, higit na kinakailangan ng mga lider-estudyanteng pupusang maglilingkod sa interes ng mga kabataan at buong sambayanan. Hamon sa ating mga kabataan ngayon na patuloy na magmulat, mag-organisa, at kumilos sa mga pamayanan, at walang-kapagurang itaguyod ang pambansa demokratikong pakikibaka.

Mga Organisador ng Bayan, stand up together para sa karapatan at kapakanan ng bawat kabataang Pilipino!


Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anakbayan CSWCD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Anakbayan CSWCD:

Share