BFAR - Special Area for Agricultural Development Program

BFAR - Special Area for Agricultural Development Program SAAD, kaagapay sa maunlad na buhay.

𝐍𝐞𝐰𝐬 π‘πžπ₯𝐞𝐚𝐬𝐞 | Biyaya sa Kabila ng Hamon: TFA Nakapagtala ng Mahigit β‚±55,000 na Kita mula sa Tilapia Techno-Demo Project...
04/08/2026

𝐍𝐞𝐰𝐬 π‘πžπ₯𝐞𝐚𝐬𝐞 | Biyaya sa Kabila ng Hamon: TFA Nakapagtala ng Mahigit β‚±55,000 na Kita mula sa Tilapia Techno-Demo Project

Ang Tanawan Farmers Association (TFA) sa Malinao, Albay ay nakapagtala ng mahigit β‚±55,000 mula sa partial harvest ng kanilang Tilapia Techno-Demo Project sa ilalim ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources - Special Area for Agricultural Development (BFAR-SAAD) Program Phase II. Ginawa ito noong Hulyo 22–25, 2026 kasabay ng Malinao Festival, kung saan nakaani sila ng tinatayang 350 kilo ng sariwa at de-kalidad na tilapia na naibenta sa halagang β‚±140–₱160 kada kilo.

Sa kabila ng hamon ng El NiΓ±o, napatunayan ng asosasyon ang kanilang katatagan at mahusay na pamamahala, habang patuloy na nakikinabang sa suporta ng BFAR-SAAD Program.

π“π’π§π π§πšπ§ | MIDYEAR PHYSICAL AND FINANCIAL ASSESSMENT NG BFAR-SAAD OPISYAL NG NAGTAPOS Opisyal na nagtapos ang isinagawang...
27/07/2026

π“π’π§π π§πšπ§ | MIDYEAR PHYSICAL AND FINANCIAL ASSESSMENT NG BFAR-SAAD OPISYAL NG NAGTAPOS

Opisyal na nagtapos ang isinagawang Midyear Assessment ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – Special Area for Agricultural Development (BFAR-SAAD) Program Phase II noong July 21–23, 2026 sa Davao City. Dinaluhan ito ng mga BFAR Regional Directors, BFAR National Technical Working Group (NTWG) members, at BFAR-SAAD Regional Program Management Support Office (RPMSO) mula sa 16 na rehiyon, na nagtipon upang suriin ang progreso ng mga proyekto. Layunin ng pagtitipon na matukoy ang mga nagawa at ang kinakailangang aksyon upang malutas ang mga isyu na natuklasan.

Nagbigay ng mainit na pagbati si BFAR Region 11 Regional Director Relly B. Garcia sa lahat ng kalahok ng assessment. Ibinahagi niya ang kanyang taos-pusong galak at suporta sa pagdaraos ng pagtitipon sa kanilang rehiyon. Binigyang-diin ni RD Garcia ang kahalagahan ng bukas na talakayan at kolektibong pagkilos upang higit pang mapalakas ang implementasyon ng programa para sa kapakanan ng mga mangingisda.

Samantala, opisyal na binuksan ni BFAR National Director (ND) Elizer S. Salilig ang programa, kung saan kanyang inilatag ang mga konkretong hakbang para sa mga benepisyaryo upang higit na mapagtibay ang layunin na maitawid sila tungo sa Community-Based Enterprises (CBEs). Ibinahagi rin niya ang mga potensyal na value-added products na maaaring idebelop sa bawat rehiyon, bilang dagdag na oportunidad para sa mga mangingisdang benepisyaryo. Binigyang-diin ni ND Salilig na sa pamamagitan ng inobasyon at masusing paglinang ng lokal na produkto, mas mapapalakas ang kabuhayan ng mga komunidad at masisiguro ang pangmatagalang tagumpay ng programa. Sa kanyang talumpati, binanggit ni ND Salilig ang pahayag ni Department of Agriculture Secretary Francisco β€œKiko” Tiu LaureL, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagpapalago ng mga pangunahing komoditi tulad ng ulang, hito, red tilapia, at iba pa.

Sa tatlong araw na pagtitipon, tinalakay ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang rehiyon ang mga nagawa ng programa, kabilang ang distribusyon ng livelihood packages at mga pagsasanay na naging malaking tulong sa mga benepisyaryong mangingisda. Sinuri rin ang mga kinakaharap na suliranin na nangangailangan ng mas malalim na pagtukoy ng ugat ng problema, paglalapat ng angkop na estratehiya, at pagbabalangkas ng konkretong solusyon upang higit pang mapaunlad ang mga proyekto. Ang bawat presentasyon ay nagbigay ng inspirasyon sa mga kalahok upang higit pang mapagtibay ang implementasyon ng programa.

Sa pagtatapos ng nasabing assessment, ibinahagi ng BFAR-SAAD National Focal Person Elymi AR-J S. TuΓ±acao ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng kalahok. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng maagap at masigasig na pagsasakatuparan ng mga layunin, lalo na’t may natitirang dalawang taon na lamang bago matapos ang programa. Hinikayat niya ang lahat na magpatuloy sa pagtutulungan upang matiyak ang tagumpay ng mga adhikain ng BFAR-SAAD Program Phase II.

17/07/2026

ππšπ«πšπˆπ’πƒπ€π¬πžπ§π¬π¨πŒπšπ π§πžπ π¨π¬π²π¨: π„ππˆπ’πŽπƒπ„ 3

Hindi maikakaila na ang Nagkahiusang Manangat sa Bahi (NMB) ay isa sa mga kwento ng pagbabago na hatid ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources - Special Area for Agricultural Development (BFAR-SAAD) Program Phase II. Sa tulong ng mga interbensyong ipinagkaloob, unti-unting nakahanap ng mas matatag na landas ang asosasyon tungo sa mas maunlad na pamumuhay.

Sa pamamagitan ng pagtitiyaga at pagkakaisa ng bawat kasapi, nakapagtala ang asosasyon ng β‚±320,000 cash on bankβ€”isang bunga ng sama-samang pagsisikap na nagbibigay pag-asa at inspirasyon sa kapwa mangingisda na patuloy na nagsusumikap para sa kinabukasan ng kanilang pamilya at komunidad.

13/07/2026

ππ¨π¬πžπ¬ππ ππ…π€π‘π’π€π€πƒ: π„π©π’π¬π¨ππž 3

Higit pa sa kabuhayan, ang BFAR-SAAD ay patuloy na namamayagpag sa rehiyon ng Western Visayas.

Hindi matatawaran ang galak ni Franchalie Laurio, Project Manager ng Brgy. Igbon Kasagan Association (BIGKAS). Noon ay nahihirapan sila sa mababang presyo ng kanilang pangunahing produkto na alimango, ngunit sa tulong ng BFAR‑SAAD ay natugunan ang problemang ito. Sa kasalukuyan, nakapagtatag na ang asosasyon ng partnership sa Marriot Hotel at nakabuo ng koneksyon sa iba’t ibang ahensya at Non-Governmental Organizations (NGOs).

Samantala sa baybayin ng Pajo, nakaugat ang kabuhayan ng mga mangingisda sa agos ng tubig. Ayon kay Paterno Miguel Jr., miyembro ng Pajo Fisherfolks and Farmers Association, hindi na sila gaanong nahihirapan sa pang-araw-araw na pangangailangan. Kapag maganda ang agos ng tubig, nakakapag-ani sila mula sa kanilang lambaklad, na nagiging malaking tulong sa kanilang kabuhayan.

At sa paggawa ng asin, isa pang kwento ng pagbangon ang ibinahagi ng M. Chavez Salt Producers Association. Sa likod ng maalat na hangin at puting kristal ng asin, inalala ni Johnny Galas, Chairman ng asosasyon, ang matagal na kakulangan sa materyales na kanilang kinaharap. Noon, tila ba hadlang ang bawat kakulangan sa pagpapatuloy ng kabuhayan. Ngunit sa pag-abot ng tulong mula sa BFAR‑SAAD, muling nabuksan ang pag-asa ng mga kasapi. Ngayon, mas lumawak na ang produksyon ng asin ng asosasyon, tanda ng pagbabagong hatid ng suporta at pagkakaisa.

πˆπ‚π˜πŒπˆ I Several key Officials Delivered Messages During the BFAR-SAAD CBE Summit 2026The Bureau of Fisheries and Aquatic...
24/06/2026

πˆπ‚π˜πŒπˆ I Several key Officials Delivered Messages During the BFAR-SAAD CBE Summit 2026

The Bureau of Fisheries and Aquatic Resources–Special Area for Agricultural Development (BFAR-SAAD) Program Phase II held the Community-Based Enterprise (CBE) Summit 2026 on June 17–18 at Sequoia Hotel, ParaΓ±aque City, Metro Manila. The event was attended by the Department of Agriculture (DA), BFAR-SAAD, government partners, and fisherfolk beneficiaries.

Several key officials from the DA and BFAR shared messages underscoring the importance of strengthening community-based enterprises and highlighting the vital role of fisherfolk in building sustainable livelihoods.

Address

GF, Bureau Of Fisheries And Aquatic Resources Building, Fisheries Complex
Quezon City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BFAR - Special Area for Agricultural Development Program posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BFAR - Special Area for Agricultural Development Program:

Shortcuts

Share