Barangay Unang Sigaw District 6

Barangay Unang Sigaw District 6 Official Page of Barangay Unang Sigaw District 6, Balintawak Quezon City.

Aug 18,2026Pagkatapos ng pagbaha dulot ng habagat, agad nating ipinagawa ang paglilinis ng no name court upang maalis an...
18/08/2026

Aug 18,2026
Pagkatapos ng pagbaha dulot ng habagat, agad nating ipinagawa ang paglilinis ng no name court upang maalis ang mga putik, basura, at mga naipong dumi na naiwan ng baha.
Sama-sama nating panatilihing malinis, ligtas, at maayos ang ating komunidad. 💙🧹
Mula sa ating :
PB ORLY MAMONONG & COUNCIL

08-11-2026Pag-aayos ng mga Ilaw sa Ibabaw ng Tulay Dulot ng HabagatMatapos masira at mawalan ng mga ilaw sa ibabaw ng tu...
11/08/2026

08-11-2026
Pag-aayos ng mga Ilaw sa Ibabaw ng Tulay Dulot ng Habagat

Matapos masira at mawalan ng mga ilaw sa ibabaw ng tulay dahil sa malakas na habagat, agad nating pinagawa at inayos ang mga ito upang maibalik ang liwanag sa buong walkway.

Isinagawa ang pag-check sa mga linya ng kuryente, pag-aayos ng mga koneksyon at pagpapalit ng mga kinakailangang bahagi ng ilaw. Sa tulong ng ating masisipag na tauhan, unti-unting naibalik ang maayos na pag-iilaw sa tulay.

Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na ilaw upang mapanatiling ligtas ang mga taong dumadaan, lalo na sa gabi, at maiwasan ang aksidente at iba pang insidente.

Serbisyong mabilis kumilos at laging inuuna ang kaligtasan ng ating mga kababayan. 💡
Mula sa ating:
PB ORLY MAMONONG & COUNCIL

August 11,2026Patuloy ang ating agarang pagkilos sa pagsasaayos at pagpapanumbalik ng mga streetlight at iba pang ilaw n...
11/08/2026

August 11,2026
Patuloy ang ating agarang pagkilos sa pagsasaayos at pagpapanumbalik ng mga streetlight at iba pang ilaw na naapektuhan ng malakas na habagat. Agad nating pinakilos ang mga kinauukulang tauhan upang maayos ang mga nasira at matiyak na muling magkakaroon ng sapat na liwanag sa mga kalsada at pampublikong lugar.

Layunin natin na mapanatili ang kaligtasan ng ating mga kabarangay, lalo na sa gabi, at maiwasan ang mga aksidente at iba pang insidente sa mga madidilim na lugar.

Sa panahon ng kalamidad, mabilis na aksyon, malasakit at serbisyo para sa bawat kabarangay. Sama-sama nating ibinabalik ang liwanag sa ating komunidad. 💡🤝
Mula sa ating:
PB ORLY MAMONONG & COUNCIL

FYI!!!
09/08/2026

FYI!!!

WALANG PASOK METRO MANILA UPDATE: QUEZON CITY WALANG PASOK BUKAS, AGOSTO 10, 2026 🔴

UPDATE: As of 5:55 PM, Suspendido na ang pasok sa LAHAT NG ANTAS, PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN sa bukas Lunes, Agosto 10, 2026 dulot ng matinding .

MGA LUGAR NA NAGSUSPINDE NG KLASE SA METRO MANILA:
• Marikina City - all levels, public and private
• Quezon City - all levels, public and private

FYI!!
09/08/2026

FYI!!

| Dahil sa inaasahang malakas na pag-uulang aabot sa 100-200mm bukas, batay sa PAGASA Weather Advisory #32, inirerekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) ang suspensyon ng face-to-face classes sa LAHAT NG ANTAS ng mga PAMPUBLIKO at PRIBADONG PAARALAN sa Quezon City bukas, Lunes, August 10, 2026.

Ipatutupad ang Alternative Delivery Modes of Learning (Synchronous / Asynchronous) upang masig**o ang patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.

FYI!!!
06/08/2026

FYI!!!

| Dahil sa inaasahang masamang lagay ng panahon dulot ng at sa YELLOW Heavy Rainfall Advisory ng PAGASA, inirerekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) ang suspensyon ng face-to-face classes sa mga PAMPUBLIKONG PAARALAN sa Quezon City bukas, August 7, 2026 (Biyernes).

• Child Development Centers
• Kindergarten
• Grades 1-12
• Alternative Learning System

Ipatutupad ang Alternative Delivery Modes of Learning (Synchronous / Asynchronous) upang masig**o ang patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ang suspensyon ng klase sa PRIVATE SCHOOLS at HIGHER EDUCATION INSTITUTIONS ay nakabatay sa pasya ng pamunuan ng eskwelahan. Gayunpaman, para sa kaligtasan ng mga g**o at mag-aaral, hinihikayat ang pagsunod sa national o localized suspension.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.

FYI!!!
05/08/2026

FYI!!!

| Dahil sa inaasahang masamang lagay ng panahon dulot ng Habagat at sa YELLOW Heavy Rainfall Advisory ng PAGASA, inirerekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) na suspendido ang face-to-face classes para sa PANGHAPON KLASE sa mga PAMPUBLIKONG PAARALAN sa Quezon City ngayong araw, Miyerkules, August 5, 2026.

• Child Development Centers
• Kindergarten
• Grades 1-12
• Alternative Learning System

Ipatutupad ang Alternative Delivery Modes of Learning (Synchronous / Asynchronous) upang masig**o ang patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ang suspensyon ng klase sa PRIVATE SCHOOLS at HIGHER EDUCATION INSTITUTIONS ay nakabatay sa pasya ng pamunuan ng eskwelahan. Gayunpaman, para sa kaligtasan ng mga g**o at mag-aaral, hinihikayat ang pagsunod sa national o localized suspension.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.

08-02-2026✨ Malinis na kapaligiran, ligtas na komunidad!      Mula sa ating :PB ORLY MAMONONG & COUNCIL
02/08/2026

08-02-2026
✨ Malinis na kapaligiran, ligtas na komunidad!


Mula sa ating :
PB ORLY MAMONONG & COUNCIL

07-22-2026Expanded Solo Parent Parents Welfare Act o R.A. no. 11861 Tayo po ay nagpa seminar para sa sector ng Solo pare...
23/07/2026

07-22-2026
Expanded Solo Parent Parents Welfare Act o R.A. no. 11861
Tayo po ay nagpa seminar para sa sector ng Solo parent sa ating barangay para madagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa batas na ito : “ Expanded Solo Parent Act” ay nagbibigay ng mas malawak na tulong, diskwento, at benepisyo sa mga solong magulang at kanilang mga anak.

07-18-2026Maraming salamat po kay Congresswoman Marivic Co-Pilar at Councilor Banjo Pilar sa inyong walang sawang suport...
19/07/2026

07-18-2026
Maraming salamat po kay Congresswoman Marivic Co-Pilar at Councilor Banjo Pilar sa inyong walang sawang suporta at malasakit sa ating komunidad. Sa pamamagitan ng inyong programang libreng pustiso at iba pang dental services, maraming residente ang nabigyan ng pagkakataong maibalik ang kanilang magandang ngiti at mapabuti ang kanilang kalusugan sa bibig.

Ang ganitong mga programa ay malaking tulong lalo na sa ating mga senior citizens at mga kababayang hindi kayang tustusan ang gastusin sa pagpapagamot ng ngipin. Hindi lamang ngiti ang naibabalik, kundi pati ang kumpiyansa sa sarili at mas magandang kalidad ng pamumuhay.

Muli, taos-pusong pasasalamat po kina Congresswoman Marivic Co-Pilar at Councilor Banjo Pilar sa inyong dedikasyon sa paglilingkod at sa patuloy na pagbibigay ng serbisyong tunay na may malasakit sa bawat mamamayan. Nawa’y patuloy ninyong maipagpatuloy ang mga programang nagbibigay ng pag-asa at ngiti sa ating komunidad..
Mula sa ating:
PB ORLY MAMONONG at KONSEHO

Address

Barangay Unang Sigaw District 6 Balintawak
Quezon City
1106

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Unang Sigaw District 6 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share