16/08/2026
π²π²π² π©ππππππππ πΉππππ
Handa na ang 638 Area Coordinating Team (ACT) members ng DSWD Field Office 5 - Bicol Region KALAHI-CIDSS na pangunahan ang pagpapatupad ng Panahon ng Pagkilos: Philippine Community Resilience Project (PCRP) sa 53 munisipalidad sa Rehiyon.
Bilang paghahanda, sumailalim ang mga ACT sa Community Resilience Implementation Process (CRIP) Stage 1 and 2 Rollout Training na isinagawa mula Hunyo hanggang Hulyo. Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, higit nilang napalalim ang kanilang kaalaman at kakayahan upang gabayan ang mga komunidad sa pagpapatupad ng isang mas inklusibo, participatory, at matatag na proseso ng community resilience.