01/06/2026
TINGNAN: Masiglang nakibahagi si Nanay Elizabeth sa isinagawang pangalawang 3K Session nitong Hunyo 1, 2026 sa Brgy. Crossing, Kitcharao, Agusan del Norte bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng Walang Gutom Program.
Ibinahagi niya ang kanyang kasiyahan sa pagdalo sa sesyon, kung saan mas naunawaan niya ang kahalagahan ng meal planning kasama ang pamilya upang mas maging epektibo ang pagba-budget ng oras at pera.
Tinalakay rin sa sesyon ang mga praktikal na paraan ng wastong pamamahala ng pagkain at gastusin sa tahanan upang makatulong sa mga benepisyaryo na makabuo ng mas maayos at planadong pamumuhay para sa kanilang sambahayan.