10/09/2026
Sa Marikina City, problema noon ang basura na nagpapadumi ng kapaligiran at nagdudulot ng pagbaha dahil sa pagbara nito sa mga daluyan ng tubig.
Ngunit hindi lamang problema ang basuraโmaaari rin itong maging oportunidad para sa mas malinis at mas maunlad na komunidad.
Sa patuloy na pagpapatupad ng maayos na solid waste management, sinisikap ng lungsod na maproseso, magamit muli, at mapakinabangan ang mga basura, sa halip na mapunta ang mga ito sa kapaligiran at mga daluyan ng tubig. Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na panatilihing malinis at ligtas ang mga komunidad sa bansa.
Sa joint spot check ng integrated ecological solid waste management at riverway processing facilities ng Marikina City kasama si Pangulong Bongbong Marcos, binigyang-diin ni Sec. Mitch Cuna ang potensyal ng waste management bilang isang oportunidad para sa lungsod.
Nakikinabang ngayon ang mga mamamayan sa Marikina sa malinis na kapaligiran at sa mga oportunidad para sa mas matatag at sustainable na komunidad.