26/08/2026
๐ฃ๐ฅ๐๐ฆ๐ฆ ๐ฅ๐๐๐๐๐ฆ๐: ๐ก๐ก๐ ๐ก๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ "๐ฆ๐ต๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ฑ ๐ฅ๐ฒ๐๐ฝ๐ผ๐ป๐๐ถ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ๐๐" ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฆ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ผ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐
TAGUIG, Philippines โ Ngayong Agosto, ipinagdiriwang ng National Nutrition Council (NNC) ang National Breastfeeding Awareness Month 2026 na may temang: โOne Breastfeeding Philippines: Yakap Hakab. Breastfeeding for a Sustainable Start in Life: Strengthen What Works.โ.
Nanawagan ang NNC sa lahat ng sektor ng lipunan na kilalanin na ang pagpapasuso ay isang shared responsibility o pananagutan ng lahat. Sa unang anim na buwan ng buhay, ang gatas ng ina ang kumpletong sustansya para sa sanggol; nagbibigay ito ng lahat ng sustansyang kailangan ng bata habang natural na pinoprotektahan sila laban sa mga impeksyon at tinutulungan ang tamang paglaki ng utak (brain development). Ang panahong ito ay mahalagang bahagi ng "critical window" ng unang 1,000 araw, kung saan ang tamang nutrisyon ay kailangan upang maiwasan ang permanenteng epekto sa paglaki at pag-unlad ng bata.
Base sa Datos ng DOST-FNRI 2025 National Nutrition Survey, mas maraming pamilyang Pilipino ang gumagawa ng mga tamang hakbang sa nutrisyon:
1) Exclusive Breastfeeding: Higit sa 5 sa bawat 10 sanggol (54.8%) ang tanging gatas ng ina lamang ang iniinom sa kanilang unang anim na buwan, isang bahagyang pagbangon mula sa mga nakaraang taon.
2) Patuloy na Pagpapasuso: Halos 1 sa bawat 2 bata (48.5%) ang patuloy na pinapasuso hanggang sa edad na dalawang taon.
3) Maagang Pagsisimula: Nanatiling hamon ang pagsisimula ng pagpapasuso sa loob ng unang oras ng pagsilang, dahil 6 lamang sa bawat 10 sanggol (59.4%) ang nakakagawa nito sa mga health facilities.
Sa ika-anim na buwan, dapat nang simulan ang pagbibigay ng ligtas at masustansyang solid foods habang ipinagpapatuloy ang pagpapasuso hanggang dalawang taon. Gayunpaman, ayon sa datos, 1 lamang sa bawat 5 bata (22.4%) ang nakakakuha ng sapat na klase at dalas ng pagkain.
Upang matiyak ang malusog na paglaki, inirerekomenda ng NNC ang mga sumusunod na prinsipyo sa pagpapakain:
1) Simulan sa Tamang Oras: Magbigay ng solid foods nang eksaktong 6 na buwan.
2) Sapat na Uri ng Pagkain: Maghain ng ibaโt ibang pagkain mula sa hindi bababa sa 5 sa 8 food groups (gaya ng itlog, isda, karne, at gulay). Maaaring magsimula sa 2 hanggang 3 kutsara ng malapot na lugaw o dinurog na pagkain, at unti-unting dagdagan ang dami at tekstura nito habang lumalaki ang bata.
3) Ligtas at Malinis: Siguraduhing malinis ang kamay at mga gamit sa paghahanda ng pagkain upang maiwasan ang sakit.
4) Matiyaga at Responsive: Pakainin ang bata base sa kanilang gutom at huwag silang pilitin o busugin nang labis.
โAng pagpapasuso ay hindi lamang responsibilidad ng mga ina, kailangan ang buong pamilya at komunidad sa pagpapalaki ng bata,โ ani NNC Executive Director Albert E. Domingo. Patuloy na isinusulong ng NNC ang mga batas gaya ng Milk Code, na nagbabantay sa maling marketing ng mga gatas na hindi mula sa ina, at ang Expanded Breastfeeding Promotion Act, na nag-uutos sa mga opisina na magkaroon ng lactation stations at nursing breaks para sa mga empleyado. Binibigyang-diin ng NNC ang kahalagahan ng patuloy na paggamit ng mga pasilidad at oras na ito upang matiyak na ang mga ina ay matagumpay na makakapagpasuso sa isang suportadong kapaligiran. Sa pagsuporta sa mga breastfeeding-friendly na komunidad, namumuhunan ang Pilipinas sa mas matatag na kinabukasan ng ating bansa.
# # #
For media inquiries, contact:
ALBERT FRANCIS E. DOMINGO, MD, MSc
Undersecretary of Health and
Concurrent Executive Director IV
National Nutrition Council
c/o
DR. EMMANUEL JAY D. DIMAL, MSN, MBA
Nutrition Officer V and Chief, Nutrition Information and Education Division
National Nutrition Council
8843-01-42 | [email protected]
๐๐ฏ๐ผ๐๐ ๐ก๐ก๐
The National Nutrition Council is the highest policymaking and coordinating body on nutrition mandated by Presidential Decree No. 491 in June 1974. As the executive arm of the Council, the NNC Secretariat, led by an Executive Director, ensures realignment of its operations to focus on client-based operations and prioritize addressing hunger and malnutrition.
READ MORE HERE: https://nnc.gov.ph/press-release-nnc-nanawagan-para-sa-shared-responsibility-sa-pagtaas-ng-bilang-ng-mga-sanggol-na-pinapasuso-sa-pilipinas/