31/10/2023
Sa aming pagtatapos na termino, ang konseho ng Sangguniang Kabataan ay lubos na nagpapasalamat sa lahat.
It’s been 5 years, 43,800 hours amount of work, 1,825 days, and today we’re excited to share that we’ve done it. 5 years of service done!
Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng patuloy na hindi kami iniwan, patuloy na sumuporta at patuloy na nagmamahal sa amin sa limang taon naming pagseserbisyo ❤️ Kayo ang tunay naming mga naging sandalan at lakas sa lahat.
Nadapa, nagkamali, bumangon at itinama isa kayo sa mga ginamit naming instrumento para paghugutan ng lakas .
To my SK FAMILY, saludo ako sa tapang at lakas ng loob niyo, pinabilib niyo ang lahat sa lahat ng mga sakripisyon inalay niyo para sa lahat, mula umpisa, pandemya hanggang sa dulo hindi TAYO napagod 🙏❤️
Nais din po naming ipabatid ang pasasalamat sa aming mga Magulang, na naging sandalan at lakas namin sa laht, sa kanilang walang sawang pagsuporta at pagmamahal sa bawat isa.
To our beloved Barangay Captain Darwin Hayes salamat sa lahat ng pagtitiwala, pagmamahal, at walang sawang pagsuporta sa lahat ng magandang hangarin namin para sa lahat. Ikaw ang tumayong AMA/INA sa sa Pamilya ng Sangguniang Kabataan. The best ka kap! ❤️
Sa mga Bagong Lider ng Kabataan, Binabati namin kayo sa inyong tagumpay bilang Bagong Konseho ng Sangguniang Kabataan. Ito ang simula ng inyong paglalakbay, nawa’y kayo ang magpatunay sa lahat ng kaya at kakayanin niyo lahat at hindi niyo susukuan ang bawat isa. Ipagpatuloy ang magandang Hangarin para ating Kabataan ng Barangay Loyola Heights. Asahan niyo na kami ay KAISA at KASAMA niyong susuporta sa inyo 🙏❤️
Muli po, KAMI PO ANG KONSEHO NG SANGGUNIANG KABATAAN NG BARANGAY LOYOLA HEIGHTS . Janine T. Pagulayan Pj Soriano Mario Mikko Marcelo Torres Hanna Reblando Melarpis - Plata Toto Franz Salapare Teodoso Lorrianne A Bequillo Kelly Caballero Joserie Arroza Melvin Romeo, Hanggang sa muli at Patuloy na isisigaw ANG ISANG LABAN NG MAY PUSO 🙏❤️