19/10/2025
🔊 MAHALAGANG PAALALA
Para sa lahat ng MAG-AARAL at G**O na may DepEdQC account
Alinsunod sa Division Memorandum Blg. 1244, s. 2023, magsasagawa ang Schools Division Office ng Quezon City (SDO-QC) ng pangkalahatang paglilinis at muling pagsasaayos ng mga user accounts sa loob ng DepEdQC domain.
📢 Bilang bahagi nito, magkakaroon ng schedule para sa BACKUP, PAGTATANGGAL, at RESTRUCTURING ng mga student accounts.
🗓️ MAHAHALAGANG PETSA AT GAWAIN
📍 Oktubre 18–27, 2025
➡️ PANAHON NG BACKUP
I-download o i-save ang lahat ng mahahalagang files, emails, at larawan mula sa inyong .ph account.
📍 Oktubre 28, 2025
🚫 PAGTATANGGAL NG MGA ACCOUNT
Lahat ng student accounts ay permanenteng buburahin.
⚠️ Paalala:
❌ Walang palugit o extension.
❌ Hindi na maibabalik ang account o anumang laman nito matapos mabura.
📍 Oktubre 29, 2025
🔁 RESTRUCTURING NG MGA ACCOUNT
Muling lilikhain at aayusin ang mga bagong student accounts batay sa updated Organizational Units (OUs).
✅ ANO ANG DAPAT GAWIN (Checklist)
☑️ Suriin ang iyong account – Hanapin at i-save ang mahahalagang dokumento, larawan, video, at email.
☑️ I-download o i-export – Gamitin ang download/export options ng Google Drive o Gmail.
☑️ Ilipat sa personal storage – Gamitin ang personal Google account, USB/external drive, o computer.
☑️ I-double check – Buksan ang ilang files upang matiyak na maayos ang pagkaka-backup.
☑️ Itala ang backup details – Gumawa ng listahan kung saan mo inilagay ang mga na-save na files (para sa reference).
💡 TANDAAN:
👉 Mag-backup bago ang Oktubre 28, 2025!
Kapag nabura na, hindi na maibabalik ang inyong DepEdQC account at lahat ng laman nito.