19/08/2026
BREAKING: MALACAΓANG DECLARES WALANG PASOK IN METRO MANILA AT 17 NA PROBINSYA BUKAS, AUGUST 20, 2026 (THURSDAY) DAHIL SA HABAGAT NA PINALAKAS NG BAGYONG 'NENENG' β
πππππππππππ ππππ ππππππππππππ, πππππππππππ ππππππππ πππππ ππ πππ ππ ππ πππππππππ πππππ, ππππππ ππ
Ipinag-utos ng MalacaΓ±ang ang pagpapatupad ng naaangkop na alternative work arrangements sa mga tanggapan ng gobyerno at alternative learning modes sa mga pampubliko at pribadong paaralan bukas, Agosto 20, dahil sa inaasahang patuloy na malalakas na pag-ulan dulot ng Habagat.
Nakasaad ito sa Memorandum Circular No. 131 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph G. Recto, kasunod ng rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Layunin ng hakbang na mabawasan ang panganib sa publiko, kabilang ang posibilidad ng localized flooding at mga panganib sa pagbiyahe.
πππ πππππ ππ πππππ:
β’
β’
β’
β’
β’
β’
β’
β’
β’
β’
β’
β’
β’
β’
β’
β’
β’
β’
πππππππ ππ πππ πππππππππ ππ ππππππππ
Hindi sakop ng alternative work arrangements ang mga ahensyang nagbibigay ng basic at health services, gayundin ang mga sangay na responsable sa disaster preparedness at response. Patuloy silang magsasagawa ng kinakailangang operasyon.
Ang mga Contract of Service (COS) at Job Order (JO) workers na ilalagay sa alternative work arrangements ay patuloy na tatanggap ng kaukulang sahod o bayad, alinsunod sa umiiral na mga patakaran.
πππππππ ππ πππ ππππππππππ
Ang alternative learning modes ay ipatutupad bilang learning continuity measure sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa mga lugar na sakop ng memorandum. Ibig sabihin, hindi kinakailangang magkaroon ng face-to-face classes habang umiiral ang direktiba.
Para naman sa mga lugar na hindi kabilang sa memorandum, maaaring magpasya ang kanilang Local Chief Executive kung kinakailangang suspindihin ang klase o trabaho sa gobyerno.
Samantala, ang desisyon sa suspensyon o alternative work arrangements sa pribadong sektor ay nasa pamunuan ng bawat kumpanya o establisimyento.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto at subaybayan ang mga opisyal na abiso ng PAGASA at lokal na pamahalaan.