National Housing Authority

National Housing Authority This is the Official page of the National Housing Authority.

The National Housing Authority is a government-owned and controlled corporation under the administrative supervision of the Department of Human Settlement and Human Development and classified under the Infrastructure Utilities Group.

Kaisa ang National Housing Authority ( ) sa pagbibigay-pugay sa mahigit-kumulang dalawang milyong lingkod-bayan sa buong...
01/09/2026

Kaisa ang National Housing Authority ( ) sa pagbibigay-pugay sa mahigit-kumulang dalawang milyong lingkod-bayan sa buong bansa.

Nawa’y ang paglilingkod sa ating bayan ay maging inspirasyon ng karangalan at kagalingan para sa lahat.







Ang pag-aalay ng buhay para sa iba ay siyang pinakamataas na sukatan ng pagiging isang bayani.Mula sa mga bayani ng atin...
31/08/2026

Ang pag-aalay ng buhay para sa iba ay siyang pinakamataas na sukatan ng pagiging isang bayani.

Mula sa mga bayani ng ating kasaysayan hanggang sa ating mga modernong lingkod-bayan at manggagawang Pilipino na patuloy na nag-aalay ng lakas at oras para sa kapwa, ang inyong sakripisyo ang mismong nagpapatibay sa ating bansa.

Ngayong Araw ng mga Bayani, patuloy nating isapuso ang bayanihan at pagmamahal sa ating bayan.

Isang makabuluhang paggunita mula sa National Housing Authority (NHA).







ππ€ππ€π“πˆπƒ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽSarado ang mga tanggapan ng National Housing Authority (NHA) sa buong bansa bukas, Agosto 31, 2026, bi...
30/08/2026

ππ€ππ€π“πˆπƒ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Sarado ang mga tanggapan ng National Housing Authority (NHA) sa buong bansa bukas, Agosto 31, 2026, bilang paggunita sa National Heroes Day.

Magbabalik ang pasok sa opisna ng ahensya sa Martes, Setyembre 1, 2026.







ππ€ππ€π“πˆπƒ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽAlinsunod sa Memorandum Circular Blg. 132, suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng National Housing...
28/08/2026

ππ€ππ€π“πˆπƒ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Alinsunod sa Memorandum Circular Blg. 132, suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng National Housing Authority ( ) simula 1:00 pm, ngayong araw Agosto 28, 2026, bunsod ng masamang lagay ng panahon dulot ng Habagat.

Saklaw nito ang mga sumusunod na lugar:

πŸ“ National Capital Region (NCR)
πŸ“ Abra
πŸ“ Benguet
πŸ“ Ilocos Sur
πŸ“ La Union
πŸ“ Pangasinan
πŸ“ Bataan
πŸ“ Bulacan
πŸ“ Nueva Ecija
πŸ“ Pampanga
πŸ“ Tarlac
πŸ“ Zambales
πŸ“ Batangas
πŸ“ Cavite
πŸ“ Laguna
πŸ“ Rizal
πŸ“ Occidental Mindoro

Pinapayuhan ang lahat na manatiling mapagmatyag sa mga opisyal na anunsyo at unahin ang kaligtasan sa lahat ng pagkakataon.

Manatiling ligtas ang lahat.







Sa gabay, direksyon, at pag-apruba ni NHA General Manager Joeben A. Tai, matagumpay na inilunsad ng National Housing Aut...
27/08/2026

Sa gabay, direksyon, at pag-apruba ni NHA General Manager Joeben A. Tai, matagumpay na inilunsad ng National Housing Authority ( ) ang , isang learning initiative na naglalayong palakasin ang digital literacy at kaalaman sa makabagong teknolohiya ng mga senior citizen-beneficiaries ng NHA. Ang inisyatiba ay binuo ng Community Support Services Department (CSSD) sa pamumuno ni OIC Department Manager Maricris G. Maninit, katuwang ang Globe Telecom.

Humigit-kumulang 80 senior citizen-beneficiaries ang lumahok sa pilot implementation ng programa sa Disiplina Village, Bignay, Valenzuela City. Pinangunahan ang aktibidad nina NHA-North Sector Officer-in-Charge Engr. Wenson O. Reyes at Malabon/Navotas/Valenzuela District Manager Ms. Mishella T. Cruz, kasama ang mga kinatawan at volunteers ng Globe Telecom at mga kawani ng CSSD.

Layunin ng na matulungan ang mga nakatatanda na maging mas kumpiyansa at may sapat na kakayahan sa paggamit ng digital technology. Nakatuon ang programa sa ligtas, responsable, at kapaki-pakinabang na paggamit ng mga digital device at applications, gayundin sa pagbibigay ng kaalaman upang makaiwas sa online scams, phishing, identity theft, at iba pang uri ng digital fraud.







IKA-51 NHA PEOPLE’S CARAVAN, NILAHUKAN NG 3,000 BENEPISYARYO SA PAGADIAN CITYMahigit 3,000 benepisyaryo ang nakiisa sa P...
24/08/2026

IKA-51 NHA PEOPLE’S CARAVAN, NILAHUKAN NG 3,000 BENEPISYARYO SA PAGADIAN CITY

Mahigit 3,000 benepisyaryo ang nakiisa sa People’s Caravan: β€œSerbisyong Dala ay Pag-Asa” ng National Housing Authority ( ) na ginanap sa Asenso Covered Court, Plaza Luz, Pagadian City, noong Agosto 20, 2026.

Bilang isa mga prayoridad na programa ni NHA General Manager Joeben A. Tai, layunin ng caravan na ilapit ang mga pangunahing programa at serbisyo ng mga ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor sa mga resettlement site ng ahensya.

Pinangunahan ang programa nina Region IX Manager Engr. Al-Khwarizmi U. Indanan at Zamboanga del Sur/Zamboanga del Norte/BARMM A District Manager Engr. Jessa M. Consuegra, katuwang ang nasa 35 partner agencies ng ahensya.

Ito na ang ikatlong People’s Caravan ng NHA sa buwang ito, kasunod ng mga matagumpay na caravan na isinagawa sa Sorsogon at Cagayan de Oro.







Ngayong araw, ating pinahahalagahan ang buhay at sakripisyo ng yumaong Senador Benigno S. β€œNinoy” Aquino, Jr. Isang maka...
21/08/2026

Ngayong araw, ating pinahahalagahan ang buhay at sakripisyo ng yumaong Senador Benigno S. β€œNinoy” Aquino, Jr. Isang makabuluhang paggunita sa Ninoy Aquino Day mula sa National Housing Authority ( ).







ππ€ππ€π“πˆπƒ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽSarado ang mga tanggapan ng National Housing Authority (NHA) sa buong bansa bukas, Agosto 21, 2026, bi...
20/08/2026

ππ€ππ€π“πˆπƒ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Sarado ang mga tanggapan ng National Housing Authority (NHA) sa buong bansa bukas, Agosto 21, 2026, bilang paggunita sa Ninoy Aquino Day.

Magbabalik ang operasyon ng ahensya sa Lunes, Agosto 24, 2026.







ICYMI: 2,000 KAGAY-ANON, LUMAHOK SA IKA-50 NHA PEOPLE’S CARAVANMatagumpay na isinagawa ng National Housing Authority ( )...
20/08/2026

ICYMI: 2,000 KAGAY-ANON, LUMAHOK SA IKA-50 NHA PEOPLE’S CARAVAN

Matagumpay na isinagawa ng National Housing Authority ( ) ang ika-50 nitong People’s Caravan sa Brgy. Macabalan Covered Court, Cagayan de Oro, noong Agosto 12, 2026.

Alinsunod sa direktiba ni NHA General Manager Joeben A. Tai, pinangunahan nina Region X Officer-in-Charge Engr. Maria Fe C. Pantanosas at Cagayan de Oro/Misamis Oriental/Camiguin District Officer-in-Charge Ar. Maria Madelyn T. Madrid ang caravan na nilahukan ng nasa 2,000 Kagay-anon.

Sa tema nitong β€œSerbisyong Dala ay Pag-Asa,” layon ng inisyatiba na dalhin ang iba’t ibang programa at serbisyo ng gobyerno at pribadong sektor sa mga benepisyaryo ng pabahay at mga pamilya mula sa mga karatig na komunidad para maghatid ng kaginhawaan sa kanilang buhay.







ππ€ππ€π“πˆπƒ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽAlinsunod sa Memorandum Circular Blg. 131, magpapatupad ng work-from-home arrangement sa mga tanggapan...
19/08/2026

ππ€ππ€π“πˆπƒ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Alinsunod sa Memorandum Circular Blg. 131, magpapatupad ng work-from-home arrangement sa mga tanggapan ng National Housing Authority ( ) ngayong araw, Agosto 20, 2026, dahil sa patuloy na sama ng panahon dulot ng Habagat.

Saklaw nito ang mga sumusunod na lugar:

πŸ“ National Capital Region (NCR)
πŸ“ Abra
πŸ“ Benguet
πŸ“ Ilocos Norte
πŸ“ Ilocos Sur
πŸ“ La Union
πŸ“ Pangasinan
πŸ“ Bataan
πŸ“ Bulacan
πŸ“ Nueva Ecija
πŸ“ Pampanga
πŸ“ Tarlac
πŸ“ Zambales
πŸ“ Batangas
πŸ“ Cavite
πŸ“ Laguna
πŸ“ Rizal
πŸ“ Occidental Mindoro

Pinapayuhan ang lahat na manatiling mapagmatyag sa mga opisyal na anunsyo at unahin ang kaligtasan sa lahat ng pagkakataon.

Manatiling ligtas ang lahat.

Address

National Housing Authority, Elliptical Road, Diliman
Quezon City
1100

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when National Housing Authority posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to National Housing Authority:

Shortcuts

Share