21/08/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | Kalusugan ng mga BangUn Beneficiaries, Tiniyak sa Lanao del Sur
Personal na binisita at tiniyak ni Usec Edu Punay, OIC Head ng Bangsamoro Umpungan sa Nutrisyon (BangUn) Program ang kalusugan at nutritional growth ng mga benepisyaryo sa ginanap na feeding activity sa Municipality of Tamparan, Lanao del Sur.
Kasama ni Usec Edu sina Director Paul Ang, Deputy Program Manager ng BangUn Program, mga kawani mula sa BangUn Program National Program Management Office (NPMO), DSWD Region X Assistant Regional Director for Administration Salmah M. Basher, CESO IV, Innovations Division OIC Chief Potri Jallila T. Taha, kasama sina Municipal Mayor Mohammad Juhar D. Disomimba at mga Municipal Councilors sa nasabing aktibidad.
Isinagawa ang Feeding Activity kasabay ng pamamahagi ng Learning Materials na handog ng McDonald's Philippines para sa mga batang benepisyaryo. Nasaksihan din ang Nutrition Education Session para sa ina at kanilang magulang, na naglalayong palawakin ang kanilang kaalaman sa wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalusugan.
Samantala, isinagawa rin ang Midline Nutritional Assessment upang masubaybayan ang nutritional status at matukoy ang mga pagbabago at progreso ng ating mga benepisyaryo bilang bahagi ng patuloy na monitoring ng BangUn Program.
Patuloy ang BangUn Program sa paghahatid ng nutrisyon, kaalaman, at suporta tungo sa mas malusog at mas matatag na mga bata, pamilya, at komunidad.