20/10/2026
Family Food Packs, hatid sa mga Pamilyang Apektado ng El Niño sa Aroroy, Masbate 🌾📦
Sa gitna ng matinding init at tagtuyot, mas nahihirapan ang mga pamilyang umaasa sa kanilang mga pananim at ani para sa pang-araw-araw na pangangailangan. Kaya mahalagang maihatid ang tulong sa mga komunidad na apektado ng El Niño.
Sa Aroroy, Masbate, namahagi ang DSWD Field Office 5 - Bicol Regionl ng 688 Family Food Packs (FFPs). Katuwang ang lokal na pamahalaan, inihatid ng ating mga Angels in Red Vests ang mga food pack, kabilang sa mga malalayong komunidad, para masigurong makarating ang tulong sa mga pamilyang nangangailangan.
Bahagi ito ng pagtugon ng DSWD, sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., upang maibsan ang epekto ng El Niño sa mga apektadong pamilya. Patuloy tayong nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para matukoy ang mga nangangailangan at maihatid ang tulong.
Hindi kayo nag-iisa. Kaagapay ninyo ang DSWD sa panahon ng pangangailangan.
❤