13/09/2026
๐ฏ๐ฏ๐ฟ๐ฑ ๐ฅ๐ฒ๐ด๐๐น๐ฎ๐ฟ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ป ๐๐ฎ๐ป๐ฐ (๐๐๐) ๐ฆ๐ฒ๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ญ๐ฌ๐๐ต ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ถ๐ผ๐ป
Noong Setyembre 7โ9, 2026, isinagawa sa blended modality ang 33rd Regular CEB session ng 10th Commission. Sa pangunguna ni NCIP Secretary and Chairperson Nancy A. Catamco, tinalakay ng Commission En Banc ang mahahalagang programa, polisiya, at mga usaping may direktang kaugnayan sa karapatan at kapakanan ng Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/IPs).
Kabilang sa mga pangunahing usaping tinalakay at mga napagkasunduang susunod na hakbang ang:
โข ๐ฆ๐ฃ๐ฅ๐๐ก๐ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ ๐ฎ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ ๐ฆ๐๐บ๐บ๐ถ๐ โ Inihahanda ang Indigenous Peoples Mandatory Representatives (IPMR) Summit sa Oktubre 27โ29, kasama ang maayos na regional representation, advance materials para sa mga kalahok, posibilidad ng hybrid participation, at pagsasama ng IP Youth Accelerator Program upang higit na mapalakas ang partisipasyon at kaalaman ng kabataang Katutubo.
โข ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐ฆ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฒ๐ฟ โ Nilinaw ng CEB ang pagtatalaga ng official station ng bawat Commissioner sa loob ng kani-kanilang ethnographic region upang maging malinaw ang administrative at official travel arrangements ng Commission.
โข ๐๐ณ๐๐ด๐ฎ๐ผ ๐ฃ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ผ๐ฟ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ ๐ถ๐ป๐ถ-๐๐๐ฑ๐ฟ๐ผ๐ฒ๐น๐ฒ๐ฐ๐๐ฟ๐ถ๐ฐ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐ โ Inaprubahan ng CEB ang Certificate Precondition (CP) para sa 1.8-MW mini-hydroelectric project sa Banaue, Ifugao, kasabay ng mga kondisyon upang malinaw na maitala at maipatupad ang mga benepisyong napagkasunduan para sa concerned IP community.
โข ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ผ๐ฐ ๐๐ป๐ฑ๐ถ๐ด๐ฒ๐ป๐ผ๐๐ ๐ฃ๐ผ๐น๐ถ๐๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น ๐ฆ๐๐ฟ๐๐ฐ๐๐๐ฟ๐ฒ (๐๐ฃ๐ฆ)โ Pormal na kinumpirma ng CEB ang IPS ng Balatoc Indigenous Cultural Community sa Pasil, Kalinga. Kasabay nito, hinikayat ang komunidad na higit pang palalimin ang dokumentasyon ng kanilang customary processes, kabilang ang pagpili at pagpapalit ng clan representatives, upang maiwasan ang mga posibleng alitan sa hinaharap.
โข Certificate of Ancestral Land Title (CALT) case โ Inatasan ang Office of the Clerk of the Commission na ayusin at kumpletuhin ang kaukulang Resolution, kabilang ang mahahalagang detalye ng CALT, upang maging malinaw at maayos ang rekord ng kaso.
โข Petisyon kaugnay ng Certification Precondition ng isang mining project sa Benguet โ Inatasan ang Ancestral Domains Office na isumite ang FPIC at CP records, habang binigyan naman ng panahon ang project proponent na magsumite ng pormal na tugon sa petisyon.
โข ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐๐ผ๐ฑ๐ฒ ๐ฎ๐ ๐๐ฃ๐ฆ/๐๐ฃ๐ข ๐ด๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐น๐ถ๐ป๐ฒ๐โ Ipagpapatuloy ang masusing pag-aaral at konsultasyon sa proposed policy. Kabilang sa mga kokonsultahin ang dating Commissioners, mga eksperto, at mga kinatawan ng Indigenous Political Structures (IPS) at Indigenous Peoples Organizations (IPOs) bago iharap sa Commission ang revised guidelines para sa final consideration.
Sa bawat deliberasyon, layunin ng CEB na tiyaking ang mga desisyon at polisiya ng NCIP ay malinaw, maayos ang proseso, at higit sa lahat, nakaugat sa pagkilala at pagprotekta sa mga karapatan, sariling pamamahala, at kapakanan ng ICCs/IPs.
โ๐๐๐จ๐๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐ช๐ฉ๐ช๐๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ๐๐ฃ: ๐๐๐ฃ๐๐๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ข๐๐๐ฃ๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ช๐ฃ๐ก๐๐ง๐๐ฃโ