APEC Partylist

APEC Partylist The Official Page of the Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC) Partylist. For Urgent Concerns, please contact us at (02) 8931 - 5735.

04/09/2026

Iminungkahi ni APEC Party-List Rep. Sergio Dagooc ang isang special provision upang bigyang-daan ang National Electrification Administration (NEA) na gumamit ng makabagong teknolohiya sa sitio electrification.

Sa halip na awtomatikong magtayo ng mahahabang distribution lines, maaaring mag-install ang NEA ng solar panels at battery storage systems sa mga sitio kung mapapatunayang mas matipid at teknikal na angkop ito kaysa sa tradisyunal na line extension.

Para kay Rep. Dagooc, maaaring makatulong ito sa pagbawas ng technical systems loss, lalo na sa mga malalayong lugar kung saan mahahabang linya ang kinakailangang itayo upang maihatid ang kuryente. Sa pamamagitan ng localized power generation at energy storage, maaaring mabawasan ang distansyang kailangang pagdaluyan ng kuryente at, kasabay nito, ang enerhiyang nawawala sa transmission at distribution.

03/09/2026

Sa kanyang interpellation sa Energy Regulatory Commission (ERC), iginiit ni APEC Party-List Rep. Sergio Dagooc ang pangangailangan para sa malinaw na accountability at transparency ng mga back-up power plants na nagbibigay ng ancillary services.

Binigyang-diin niya na mahalagang bahagi ng seguridad at katatagan ng ating power system ang ancillary services. Kaya naman, kailangang matiyak na tumutupad ang mga plantang ito sa kanilang mga obligasyon at aktwal na gumagana kapag kinakailangan.

Para kay Rep. Dagooc, hindi sapat na may mga planta na nakatalaga bilang back-up. Kailangang malinaw kung handa at gumagana ba talaga ang mga ito sa oras na kailangan ng grid lalo na't binabayaran ito ng ating mga konsyumer.

Nakikiisa ang APEC Party-List sa isinasagawang hakbang ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa pagtanggal ng VAT sa ...
03/09/2026

Nakikiisa ang APEC Party-List sa isinasagawang hakbang ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa pagtanggal ng VAT sa electricity system loss charges.

Matagal nang isinusulong ni APEC Party-List Rep. Sergio Dagooc at ng Power Bloc ang repormang ito. Paulit-ulit nating binigyang-diin na hindi dapat nadadagdagan ang pasanin ng mga konsyumer dahil sa VAT na ipinapataw sa system loss, lalo na’t bahagi ito ng operational cost sa paghahatid ng kuryente at hindi direktang konsumo ng bawat konsyumer.

Ang matagal nang panawagan ay unti-unti nang nagiging konkretong hakbang. Patuloy tayong magsusulong ng mga repormang tunay na makapagpapagaan sa singil sa kuryente at makapaglilingkod sa kapakanan ng bawat Pilipinong konsyumer.

The BIR is preparing a memorandum to remove value-added tax (VAT) on electricity system loss charges, a move expected to lower the tax burden included in consumers’ power bills.

Link to full story in the comments section.

Kasalukuyan tayong nakatutok sa budget hearing ng House Committee on Appropriations para sa panukalang FY 2027 budget ng...
02/09/2026

Kasalukuyan tayong nakatutok sa budget hearing ng House Committee on Appropriations para sa panukalang FY 2027 budget ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC), ngayong araw.

Sa unang round ng pagtatanong, binigyang-diin natin ang pangangailangang magkaroon ng mas malinaw at uniform na template para sa mga Collective Bargaining Agreements (CBA) ng mga electric cooperatives. Iginiit natin na dapat itong pagtulungan ng ating mga ECs, DOLE, at NEA upang matiyak na ang mga probisyon ng CBA ay makatarungan para sa mga manggagawa habang isinasaalang-alang ang cash operating budget at working capital requirements ng mga electric cooperatives.

Bukod dito, itinanong din natin sa ERC ang status at proseso ng pagrerefund ng Lifeline Rate subsidy sa mga electric cooperatives. Binigyang-diin natin na ang matagal na paghihintay sa reimbursement ay maaaring makaapekto sa kanilang working capital. Kaya naman, hiniling natin na mapabilis ang proseso para rito ng sa ganon ay hindi maantala ang tuloy-tuloy na operasyon, maintenance, at maaasahang serbisyo ng kuryente sa kanilang mga consumers.

01/09/2026

Sa ginanap na budget briefing ngayong araw, muling iginiit ni APEC Party-List Rep. Sergio Dagooc na kailangang sabay na tugunan ang pangangailangan ng bansa sa pagkain at kuryente lalong-lalo na sa mga komunidad na parehong umaasa sa agrikultura at maaasahang suplay ng enerhiya.

Binigyang-diin ni Rep. Dagooc ang kahalagahan ng koordinasyon ng Department of Agriculture, National Irrigation Administration, at Department of Energy sa paggamit ng mga lugar para sa renewable energy. Aniya, dapat malinaw agad kung aling mga lupang pang-agrikultura ang maaaring paglagyan ng solar projects upang maiwasan ang masasayang na investments at mapababa rin ang transmission costs. Suportado niya ang mga hakbang tulad ng geo-tagging at geo-fencing upang matukoy ang mga lugar na maaaring pagtayuan ng renewable energy projects.

Kasabay nito, hiningi rin ni Rep. Dagooc ang commitment ng Department of Agriculture para sa seed system at irrigation support sa Dinagat Islands at Surigao del Norte, gayundin ang malinaw na implementasyon ng Animal Competitiveness Fund sa ilalim ng RA 12308. Sa huli, binigyang-diin niya na hindi lamang sapat ang malaking budget—kailangan ang tamang tao, tamang programa, at tamang pagpapatupad upang tunay na maramdaman ng mga magsasaka, mangingisda, at buong komunidad ang serbisyo ng pamahalaan.

Naihain na sa Kamara ngayong araw ang House Bill No. 11029, isang panukalang batas na naglalayong pagkalooban ng legisla...
01/09/2026

Naihain na sa Kamara ngayong araw ang House Bill No. 11029, isang panukalang batas na naglalayong pagkalooban ng legislative franchise ang Palawan Electric Cooperative (PALECO) upang patuloy nitong maitayo, mapatakbo, at mapanatili ang sistema ng pamamahagi ng kuryente sa buong lalawigan ng Palawan.

Sa pangunguna nina APEC Party-List Rep. Sergio Dagooc at PhilRECA Party-List Rep. Presley De Jesus, kasama sina Rep. Rosalie A. Salvame (1st District, Palawan), at Rep. Jose C. Alvarez (2nd District, Palawan), ang panukala ay naglalayong magbigay ng tuloy-tuloy, maaasahan, at pangmatagalang serbisyo ng kuryente para sa Puerto Princesa City at 18 munisipalidad ng Palawan.

Bilang inyong kinatawan sa Kongreso, patuloy na isusulong ng Power Bloc ang mga batas na magpapalakas sa ating mga electric cooperatives, magpoprotekta sa ating mga MCOs, at magsisiguro na ang kuryente ay nananatiling maaasahan at abot-kaya para sa bawat Pilipino.

27/08/2026

Sa isinagawang DENR Budget Briefing kahapon, tiniyak ni APEC Party-List Rep. Sergio Dagooc ang mga konkretong hakbang para mapangalagaan ang ating likas na yaman at maprotektahan ang kabuhayan ng ating mga komunidad.

Sa kanyang pagtatanong, nakuha ni Rep. Dagooc ang assurance at commitment ng ahensiya na walang mangyayaring mining operations sa Hibusong at sa mga bonsai forest at watershed ng Dinagat Islands. Bukod dito, ipinaglaban din niya ang karagdagang pondo para sa PENRO Office ng Dinagat Islands, gayundin ang agarang pagtugon sa pagpapasahod sa mga na nawalan ng trabaho dahil sa isang mining company.

Kasama rin sa mga tinalakay ang plano para sa maayos at ligtas na disposal ng mga bateryang ginagamit sa renewable energy upang matiyak na hindi ito mauuwi sa panibagong problema. Sa bawat deliberasyon, patuloy nating isinusulong ang mga hakbang na nagbabalanse sa pangangalaga sa kalikasan, proteksyon sa kabuhayan, at kapakanan ng ating mga kababayan.

26/08/2026

Dumalo si APEC Party-List Rep. Sergio Dagooc, kahapon, sa inisyal na budget briefing ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), kung saan kanyang tinanong ang kalagayan ng pabahay ng mga empleyado ng ahensya.

Sa kanyang interpelasyon, binigyang-diin ni Rep. Dagooc ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling disente bahay ang mga kawani ng DHSUD, lalo na’t sila ang nangunguna sa pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan para sa pabahay.

“Paano natin mai-implement mula sa puso yung mga housing programs natin kung mismong mga empleyado ninyo [sa DHSUD], walang bahay?” ani Rep. Dagooc.

𝗟𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗔𝗡𝗚𝗞𝗜𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗕𝗔, 𝗔𝗣𝗥𝗨𝗕𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗨𝗠𝗜𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗠𝗔𝗥𝗔Isang mahalagang hakbang tungo sa mas matatag, maaasahan...
25/08/2026

𝗟𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗔𝗡𝗚𝗞𝗜𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗕𝗔, 𝗔𝗣𝗥𝗨𝗕𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗨𝗠𝗜𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗠𝗔𝗥𝗔

Isang mahalagang hakbang tungo sa mas matatag, maaasahan, at tuloy-tuloy na suplay ng kuryente ang naisakatuparan ng ating Power Bloc matapos aprubahan ng House Committee on Legislative Franchises ang mga prangkisa ng limang electric cooperatives: South Cotabato I Electric Cooperative (SOCOTECO I), Zamboanga del Sur I Electric Cooperative, Inc. (ZAMSURECO I), Eastern Samar Electric Cooperative, Inc. (ESAMELCO), Capiz Electric Cooperative, Inc. (CAPELCO), at Iloilo II Electric Cooperative, Inc. (ILECO II).

Bilang inyong Power Bloc, patuloy nating isusulong ang mga polisiya at inisyatibong magpapalakas sa ating mga electric cooperative—para sa kapakanan ng bawat konsyumer at komunidad na kanilang pinaglilingkuran.

25/08/2026

Nanawagan si APEC Party-List Rep. Sergio C. Dagooc na ituloy ang mga reporma para sa mas mura, transparent, at makatarungang singil sa kuryente. Sa kanyang privilege speech kahapon, binigyang-diin niya ang mga positibong hakbang ng Energy Regulatory Commission (ERC), kabilang ang panukalang pagtanggal ng 12-percent VAT sa system-loss charges, na maaaring magbigay ng ginhawa sa mga konsyumer. Gayunman, iginiit niyang kailangan ang malinaw na timetable mula sa ERC, DOF, at BIR upang maging aktuwal na bawas sa electric bills ang naturang reporma.

Binigyang-diin din ni Rep. Dagooc ang pagwawasto sa mga erroneous line-rental settlements sa WESM, partikular para sa mga konsyumer sa Visayas. Kasabay nito, iminungkahi rin niya ang automatic VAT shock absorber para sa generation charges, komprehensibong review ng lahat ng buwis at singil sa electricity bill, at performance audit ng ancillary services upang matiyak na tunay itong nagagamit sa bawat pisong ibinabayad ng mga konsyumer.

Sa huli, hindi sapat ang pagwawasto sa mga billing at market mechanisms—kailangan ding palakasin ang transmission infrastructure at palawakin ang renewable energy at energy-efficiency programs. Nanawagan si Rep. Dagooc na gawing pangmatagalang programa ang mga repormang ito upang makamit ang affordable, reliable, transparent, and accountable electricity para sa lahat.

Address

Quezon City

Telephone

+63289315001

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when APEC Partylist posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share