Department of Agrarian Reform, Philippines

Department of Agrarian Reform, Philippines This is the official page of the Department of Agrarian Reform (DAR). The lead implementing agency of agrarian reform program in the Philippines.

The Department of Agrarian Reform (DAR) leads the implementation of the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) through land tenure improvement, agrarian justice, and coordinated delivery of essential support services to client-beneficiaries.

10/09/2026

Ibinahagi ni Ben Vicedo, Treasurer ng Barangay Tua Farmers Agriculture Cooperative, kung paano nakatutulong ang Partnership Against Hunger and Poverty (PAHP) Program ng DAR sa kanilang kooperatiba.

Sa pagkakaroon ng mas matatag na market linkage, nagkakaroon sila ng kumpiyansa na palawakin ang kanilang produksyon at iba pang agribusiness, kabilang ang coffee production.

Para kay Ben, ang pagkakaroon ng merkado ay hindi lang dagdag na kitaโ€”ito ay oportunidad para mas mapalago ang kanilang kabuhayan at pangarap para sa kanilang komunidad.

ABISO MULA SA DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORMAlinsunod sa Memorandum Circular No. 135, ipinaaalam sa publiko na magpapatup...
09/09/2026

ABISO MULA SA DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 135, ipinaaalam sa publiko na magpapatupad ng alternative work arrangements ang DAR Central Office, Regional Offices, at Provincial Offices na matatagpuan sa mga lugar na saklaw ng nasabing Memorandum Circular ngayong araw, Huwebes, Setyembre 10, 2026.

Dahil dito, maaaring maapektuhan ang regular na paghahatid ng serbisyo sa mga tanggapan ng DAR sa mga sumusunod na lugar:

๐Ÿ“ National Capital Region (NCR)
๐Ÿ“ La Union
๐Ÿ“ Pangasinan
๐Ÿ“ Benguet
๐Ÿ“ Bataan
๐Ÿ“ Bulacan
๐Ÿ“ Pampanga
๐Ÿ“ Zambales
๐Ÿ“ Batangas
๐Ÿ“ Cavite
๐Ÿ“ Laguna
๐Ÿ“ Rizal
๐Ÿ“ Occidental Mindoro
๐Ÿ“ Oriental Mindoro

Ang mga transaksyon sa mga apektadong tanggapan ay ipagpapatuloy alinsunod sa ipatutupad na work arrangements at sa susunod na regular na araw ng trabaho, kung kinakailangan.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng Department of Agrarian Reform para sa mga karagdagang impormasyon.

LUNGSOD NG CAUAYAN, ISABELA โ€” Apatnapuโ€™t anim (46) na organisasyon ng mga benepisyaryong agraryo o Agrarian Reform Benef...
09/09/2026

LUNGSOD NG CAUAYAN, ISABELA โ€” Apatnapuโ€™t anim (46) na organisasyon ng mga benepisyaryong agraryo o Agrarian Reform Beneficiariesโ€™ Organizations (ARBOs) mula sa buong Cagayan Valley ang nakamit ang isang mahalagang tagumpay matapos pormal na mairehistro bilang mga kooperatiba sa unang araw ng ARBO Registration Caravan 2026 noong Setyembre 1 sa JAPI Hotel, Lungsod ng Cauayan, Isabela.

BASAHIN: https://www.dar.gov.ph/dar-central-news-jul-sep-2026-subroute/25857



Follow us: https://twitter.com/dargovph
http://instagram.com/dargovph
https://www.tiktok.com/
https://www.youtube.com/c/dargovph1

Mas mapapalakas ng mga magsasaka ng palay sa Bula, Camarines Sur ang kanilang produksyon at oportunidad sa merkado sa pa...
08/09/2026

Mas mapapalakas ng mga magsasaka ng palay sa Bula, Camarines Sur ang kanilang produksyon at oportunidad sa merkado sa pamamagitan ng pagtutulungan ng siyam na ahensya ng pamahalaan, akademya, at mga organisasyon ng magsasaka upang bumuo ng isang rice agro-enterprise cluster sa bayan.

BASAHIN: https://www.dar.gov.ph/dar-central-news-jul-sep-2026-subroute/25855



Follow us: https://twitter.com/dargovph
http://instagram.com/dargovph
https://www.tiktok.com/
https://www.youtube.com/c/dargovph1

MAS MATATAG NA PAMILIHAN, MAS MALAKING OPORTUNIDAD PARA SA MGA ARB SA CAVITEPinalalakas ng Department of Agrarian Reform...
08/09/2026

MAS MATATAG NA PAMILIHAN, MAS MALAKING OPORTUNIDAD PARA SA MGA ARB SA CAVITE

Pinalalakas ng Department of Agrarian Reform (DAR) at Philippine National Police Academy (PNPA) ang market linkages ng mga agrarian reform beneficiariesโ€™ organizations (ARBOs) sa Cavite sa ilalim ng Partnership Against Hunger and Poverty (PAHP) Program.

Muling pinagtibay ng dalawang ahensiya ang kanilang partnership nitong Setyembre 7 sa Silang, Cavite, upang mabigyan ang mga ARBO ng mas matatag at maaasahang pamilihan para sa kanilang mga produktong agrikultural.

Pinangunahan ni DAR Undersecretary Josef Angelo Martires ng Support Services Office ang aktibidad, kasama ang iba pang opisyal ng DAR at PNPA sa pamumuno ni PNPA Director PMGen Redricom Maranan.



Follow us: https://twitter.com/dargovph
http://instagram.com/dargovph
https://www.tiktok.com/
https://www.youtube.com/c/dargovph1

08/09/2026

Tilapia bilang dagdag na kita? Posible!

May bagong oportunidad ang 140 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Pangasinan matapos silang sumailalim sa pagsasanay sa tamang pag-aalaga ng tilapia at mga makabagong pamamaraan sa aquaculture.

Bukod sa kaalaman, tumanggap din ang mga ARB ng fish seedstocks upang makapagsimula ng kanilang tilapia production.

Taun-taon tuwing ikawalo ng Setyembre, ipinagdiriwang natin ang Pista ng Kapanganakan ng ating Mahal na Birheng Maria, i...
08/09/2026

Taun-taon tuwing ikawalo ng Setyembre, ipinagdiriwang natin ang Pista ng Kapanganakan ng ating Mahal na Birheng Maria, isang araw upang alalahanin ang kanyang buhay na naging huwaran ng pananampalataya, kababaang-loob, at buong-pusong pagtugon sa kalooban ng Diyos.

Sa kanyang pagiging Ina, ipinakita ni Maria ang tahimik ngunit matatag na pagmamahal at malasakit na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa atin. Ang kanyang buhay ay paalala na ang tunay na paglilingkod ay nagmumula sa pusong handang umunawa, tumulong, at magbigay ng pag-asa sa kapwa.

Sa araw ng kanyang kapanganakan, hilingin natin ang kanyang panalangin at paggabay para sa ating mga pamilya, mga komunidad, at sa ating bayan. Nawaโ€™y patuloy tayong gabayan ni Maria na maging instrumento ng kabutihan, pagkalinga, at pag-asa para sa bawat isa.



Follow us: https://twitter.com/dargovph
http://instagram.com/dargovph
https://www.tiktok.com/
https://www.youtube.com/c/dargovph1

Address

Elliptical Road, Diliman
Quezon City
1107

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+6329287032

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Department of Agrarian Reform, Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Department of Agrarian Reform, Philippines:

Shortcuts

Share