26/05/2026
Maraming salamat, CSSP!
Maraming salamat sa lahat ng mga Konsensiya ng Bayan, volunteers, miyembro, alumni, organisasyon, at mga indibidwal na tumulong sa kampanyang ito sa malalaki man o maliliit na paraan. Ang bawat oras at suporta ninyo ay naging bahagi ng mas malaking pagsisikap na maglingkod sa ating komunidad.
Sa loob ng mahigit tatlong dekada, nanatiling nakaugat ang BUKLOD CSSP sa paglilingkod at pakikiisa sa mga estudyante at mamamayan. At sa mga susunod pang taon, patuloy natin itong isasabuhay sa mga kampanya, proyekto, serbisyo, at pakikibakang kinakaharap ng ating komunidad.
Patuloy tayong makikinig. Patuloy tayong kikilos. Patuloy tayong makikibahagi.
Sa Pagtindig at Pagkalinga, Tayo’y Iisang KAPP! 💙