15/05/2026
โ
๐๐ ๐๐๐ 2026 ๐๐ฎ๐๐ ๐๐ญ ๐๐ฉ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฏ๐๐ โ
Matagumpay na inaprubahan ng Committee on Laws, Internal Rules, at Barangay Affairs ng Quezon City Council ang taunang budget ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Pag-ibig sa Nayon para sa taong 2026. Dumalo sina SK Chairperson Althea Claire Reyes at SK Treasurer John King D. Abatayo sa Budget Hearing upang iharap ang mga nakahandang programa at proyekto para sa kabataan ng ating barangay.
Sa tulong ng masusing pagpaplano, konsultasyon, at pakikipagtulungan sa komunidad, mas handa na ang SK PSN Council na maisakatuparan ang mga programang tunay na makakatulong sa kabataan. Kaunting hintay na lang, PSNโmarami pa tayong aabangan! ๐
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat kina Quezon City SK Federation President Councilor Sami Neri, Majority Floor Leader Councilor Aly Medalla, Councilor Joseph Juico, Councilor Doray Delarmente, Councilor Bernard Herrera, Councilor TJ Calalay, Councilor Charm Ferrer, kasama ang buong Quezon City Council, Quezon City Budget Department, QC Youth Development Office, SK Federation Staff, SK Council, at sa lahat ng kabataang naging bahagi ng KK Profiling.
Lubos din ang aming pasasalamat sa buong Konseho ng Barangay Pag-ibig sa Nayon sa pangunguna ni Atty. Kap Abby Parwani para sa kanilang tuloy-tuloy na suporta at paggabay sa bawat hakbang ng SK PSN Council.
Para sa mas progresibo, inklusibo, at makabuluhang kinabukasan ng kabataang PSN! โ
๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง, ๐๐๐ฌ๐๐ฆ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง โจ