28/05/2026
Maraming kabataan ang tahimik na may pinagdadaanan kaya mahalagang may komunidad na handang makinig. 💚
Sa isinagawang “Katatagan sa Komunidad,” mas inilapit natin ang mental health support sa mga kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng ligtas na espasyo kung saan maaari silang makapagbahagi ng kanilang saloobin, karanasan, at mga personal na laban nang walang panghuhusga. Patuloy nating pinapaalala na ang simpleng pakikinig at pag-unawa ay malaking tulong para sa isang kabataang nangangailangan ng suporta. Sa ganitong mga programa, mas napapalakas natin ang isang komunidad na may malasakit, pagkakaisa, at tunay na pagpapahalaga sa mental health.
Lubos din ang aming pasasalamat sa Makabagong Kabataan Organization MKO sa pangunguna ni Pres. Michael Capiral para sa kanilang oras, suporta, at pakikiisa sa adhikaing ito para sa kapakanan ng mga kabataan. ✨
Ang programang “Katatagan sa Komunidad” ay pinamumunuan ni SK Chairperson Angelica Anne Cayabyab, isang Mental Health First Responder at Certified Mental Health Trainer, na patuloy na nagsusulong ng mental health awareness at support para sa kabataan.
Inaanyayahan din ang iba’t ibang organisasyon at grupo na magkaroon ng sariling Katatagan Session. Maaaring magpadala lamang ng request/mensahe sa aming SK Page para sa inyong request at schedule. 🤍