Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Martin De Porres

Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Martin De Porres Ang Official Page ng Sangguniang Kabataan sa Barangay San Martin De Porres, District 4, Quezon City, NCR.

🌿 MIND & LEAD: CARE WITHIN. LEAD BEYOND. πŸ’œπŸ§‘Minsan, kailangan din nating huminto. Huminga. Magpahinga. At alalahaning oka...
21/08/2026

🌿 MIND & LEAD: CARE WITHIN. LEAD BEYOND. πŸ’œπŸ§‘

Minsan, kailangan din nating huminto. Huminga. Magpahinga. At alalahaning okay lang unahin ang sarili. 🫢

Ngayong Lingo ng Kabataan 2026, inaanyayahan namin ang kabataan na makiisa sa isang makabuluhang araw na puno ng self care, growth, connection, at leadership! ✨

πŸ§˜β€β™€οΈ MENTAL HEALTH BREAK
A moment to pause, breathe, recharge, and take care of yourself. Dahil ang pagiging strong ay hindi ibig sabihin na hindi ka napapagod. πŸ’œ

🌟 LEADERSHIP TRAINING
Matutong manguna, makinig, makipagkapwa, at maging lider na hindi lang mahusay mamuno, kundi marunong ding magmalasakit. 🧑

πŸ“… AUGUST 30, 2026 | SUNDAY

πŸ’œ LIMITED SLOTS ONLY!
Kaya kung interesado kang maging bahagi ng meaningful day na ito, i-message lamang ang page para makapagpa-register at ma-secure ang iyong slot! πŸ“©

Alagaan ang sarili. Palakasin ang isip. Paunlarin ang kakayahan. At matutong mamuno nang may puso. πŸ’œπŸ§‘

✨ CARE WITHIN. LEAD BEYOND.
See you, Kabataan! 🌱

πŸ’œ LASH & LEARN: EYELASH EXTENSION TRAINING PROGRAM ✨Kahit umuulan, tuloy ang pagkatuto! πŸŒ§οΈπŸ‘οΈπŸ’œNoong August 16, matagumpay...
19/08/2026

πŸ’œ LASH & LEARN: EYELASH EXTENSION TRAINING PROGRAM ✨

Kahit umuulan, tuloy ang pagkatuto! πŸŒ§οΈπŸ‘οΈπŸ’œ

Noong August 16, matagumpay nating naisagawa ang Lash & Learn: Eyelash Extension Training Program. Sa kabila ng hindi magandang panahon at patuloy na pag-ulan dahil sa Habagat, hindi naging hadlang ang weather para matuto, magsanay, at magkaroon ng bagong skill ang ating mga kabataan. πŸ™Œβœ¨

Mula Classic, Hybrid, hanggang Volume lashes, natutunan ng ating participants ang iba't ibang techniques at basic skills na maaari nilang gamitin bilang dagdag-kaalaman, pagkakakitaan, o unang hakbang tungo sa sariling beauty business. πŸ’•πŸ‘‘

Maraming salamat sa lahat ng 15–30 years old na bonafide residents ng Brgy. San Martin De Porres na naglaan ng oras at effort para makilahok. At higit sa lahat, salamat sa inyong determination na matuto kahit hindi naging pabor ang panahon. πŸ’œ

🌧️ PAALALA SA ATING MGA KABATAAN:
Sa panahon ng Habagat at masamang panahon, huwag isantabi ang kaligtasan. Kung kinakailangang lumabas, mag-ingat sa mga madulas at bahain na lugar, iwasang tumawid sa rumaragasang tubig, at manatiling updated sa mga weather advisories ng mga awtoridad. Mas mahalaga ang ligtas na kabataan kaysa sa anumang gawain. 🫢

Matuto tayo, umunlad tayo, pero higit sa lahat, maging ligtas tayo. πŸ’œ

Kita-kits sa susunod na SK activity! ✨

πŸ† PROUD MOMENT FOR SMDP!The Sangguniang Kabataan Council of Barangay San Martin de Porres proudly celebrates the recogni...
07/08/2026

πŸ† PROUD MOMENT FOR SMDP!

The Sangguniang Kabataan Council of Barangay San Martin de Porres proudly celebrates the recognition of our project "Ride Safe, Mga Lodi" as one of the Top 30 Shortlisted Entries in the Outstanding SK Project Category of the Quezon City Seal of Good Youth Governance (SGYG) 2026.

This milestone reflects our unwavering commitment to promoting road safety, responsible youth leadership, and meaningful community programs. More than an award, this recognition inspires us to continue creating initiatives that make a lasting impact on our kabataan and our community.

Maraming salamat sa lahat ng volunteers, participants, partners, at sa bawat kabataang nakiisa sa proyektong ito. Ang tagumpay na ito ay tagumpay nating lahat!

πŸ’™ Para sa kabataan. Para sa ligtas na komunidad. Para sa mas maunlad na San Martin de Porres. 🚦🏍️✨

πŸ‘€ Ready ka na bang i-level up ang iyong beauty skills? πŸ’œβœ¨Kung matagal mo nang gustong matuto ng eyelash extension, ito n...
07/08/2026

πŸ‘€ Ready ka na bang i-level up ang iyong beauty skills? πŸ’œβœ¨

Kung matagal mo nang gustong matuto ng eyelash extension, ito na ang perfect opportunity para magsimula! πŸ’πŸ»β€β™€οΈπŸ’–

Sa LASH & LEARN: Eyelash Extension Training Program, matututunan mo ang tamang techniques sa paglalagay ng lash extensions, proper lash care, at mga basic skills na maaari mong maging puhunan para sa iyong future. 🌸

πŸ“ Open exclusively for 15–30 years old, bonafide residents ng Brgy. San Martin De Porres.

πŸ“… August 16, 2026 πŸ•™ 10:00 AM – 4:00 PM πŸ“ 3rd Floor Function Hall, Brgy. San Martin De Porres

⚠️ LIMITED SLOTS ONLY! Kaya huwag nang magpahuli!

πŸ“© Message our page now para makapag-register at ma-reserve ang iyong slot!

✨ Learn. Practice. Create. Baka ito na ang unang hakbang para maging certified lash artist o makapagsimula ng sarili mong beauty business. Ang bagong skill ngayon, maaaring maging bagong oportunidad bukas! πŸ’œ

🎨🌿 Makulay ang bawat guhit, mas makulay ang mensaheng iniwan nito! πŸŒπŸ’šIsang matagumpay na araw ng sining, pagkamalikhain,...
05/08/2026

🎨🌿 Makulay ang bawat guhit, mas makulay ang mensaheng iniwan nito! πŸŒπŸ’š

Isang matagumpay na araw ng sining, pagkamalikhain, at pagmamahal sa kalikasan ang ating pinagsaluhan noong Hulyo 19, 2026, sa ating Poster-Making Contest na may temang:

"Inspired by Nature, For Climate. For Our Future." 🌱

Maraming salamat sa lahat ng kabataang Ka-SMDP na buong pusong nakiisa at ibinahagi ang kanilang talento. Ang bawat obra ay hindi lamang nagpapakita ng husay sa sining, kundi nagsisilbi ring paalala na ang bawat isa sa atin ay may mahalagang papel sa pangangalaga ng ating kalikasan at sa paghubog ng mas luntiang kinabukasan. πŸŽ¨πŸƒ

Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa ating mga hurado, volunteers, at sa lahat ng tumulong upang maging matagumpay ang programang ito. Ang inyong suporta at dedikasyon ang naging susi sa tagumpay ng ating aktibidad. πŸ’š

Patuloy nating gamitin ang ating talento upang magbigay-inspirasyon at maging bahagi ng positibong pagbabago para sa ating komunidad at sa ating mundo.

Muli, maraming salamat at congratulations sa lahat ng ating mga kalahok at nanalo! Hanggang sa muli, mga Ka-SMDP! 🌿✨

βœ‚οΈβœ¨ Isang araw ng pagkatuto, pagkamalikhain, at pagbibigay-kakayahan sa ating kabataan! βœ¨βœ‚οΈMatagumpay na naisagawa noong...
01/08/2026

βœ‚οΈβœ¨ Isang araw ng pagkatuto, pagkamalikhain, at pagbibigay-kakayahan sa ating kabataan! βœ¨βœ‚οΈ

Matagumpay na naisagawa noong Hulyo 26, 2026 ang HANDS ON HAIR: Learn. Style. Empower. – Youth Haircut Workshop na dinaluhan ng mga kabataang handang matuto at hasain ang kanilang kakayahan sa larangan ng haircutting.

Sa buong araw ng workshop, natutunan ng ating mga participants ang mga pangunahing teknik sa paggugupit sa pamamagitan ng hands-on training, aktwal na praktis kasama ang kanilang mga model, at gabay mula sa ating mga trainers. Hindi lamang bagong kasanayan ang kanilang naiuwi, kundi pati ang dagdag na kumpiyansa at inspirasyong gamitin ito bilang oportunidad sa hinaharap.

Maraming salamat sa lahat ng participants na naglaan ng oras, nagpakita ng dedikasyon, at naging bahagi ng napaka-successful na workshop na ito. Gayundin, taos-pusong pasasalamat sa ating mga trainers, volunteers, at sa lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang programang ito.

Patuloy nating suportahan ang mga programang nagbibigay ng kaalaman, kasanayan, at oportunidad para sa kabataang San Martin De Porres. Hanggang sa susunod na workshop! πŸ’‡β€β™€οΈπŸ’‡β€β™‚οΈβœ¨

βœ‚οΈ HANDS ON HAIR: Learn. Style. Empower. πŸ’‡β€β™‚οΈπŸ’‡β€β™€οΈBagong skill? Bagong opportunity? Tara, simulan natin dito! 🌟Inaanyayah...
18/07/2026

βœ‚οΈ HANDS ON HAIR: Learn. Style. Empower. πŸ’‡β€β™‚οΈπŸ’‡β€β™€οΈ

Bagong skill? Bagong opportunity? Tara, simulan natin dito! 🌟

Inaanyayahan ang lahat ng kabataan na makiisa sa ating Youth Haircut Workshop at matuto ng mga pangunahing teknik sa paggugupit sa pamamagitan ng hands-on training na tiyak na magpapalawak ng inyong kaalaman at kakayahan.

πŸ“Œ Workshop Highlights: βœ‚οΈ Basic Haircut Training
πŸ’‡ Hands-on Practical Session
🧰 Haircut kits will be provided
πŸ‘€ Magdala ng isang (1) model para sa practical activity
πŸ“œ Certificate of Participation

⚠️ Mahalagang Paalala: βœ… Kinakailangang dumalo sa buong training mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM.
βœ… Bawat participant ay dapat magdala ng isang (1) model.
βœ… Limited slots only! Unahan na ang registration!

πŸ“… Hulyo 26, 2026
πŸ•— 8:00 AM – 5:00 PM
πŸ“ 3rd Floor Function Hall, Brgy. San Martin De Porres

πŸ“© Para sa registration, mag-message lamang sa Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Martin De Porres page o makipag-ugnayan sa sinumang SK Official.

Huwag palampasin ang pagkakataong matuto ng isang bagong kasanayan na maaaring maging daan sa mas maraming oportunidad. Lahat ng kakailanganing haircut kits ay aming ihahandaβ€”ang kailangan mo na lang dalhin ay ang iyong model, dedikasyon, at kagustuhang matuto! βœ‚οΈβœ¨

🎨🌿 POSTER-MAKING CONTEST 🌿🎨May mensahe ka ba para sa kalikasan? Ngayon na ang pagkakataon mong ipahayag ito sa pamamagit...
13/07/2026

🎨🌿 POSTER-MAKING CONTEST 🌿🎨

May mensahe ka ba para sa kalikasan? Ngayon na ang pagkakataon mong ipahayag ito sa pamamagitan ng iyong sining! πŸ–ŒοΈπŸ’š

Inaanyayahan ang lahat ng 15–30 taong gulang na lumahok sa ating Poster-Making Contest na may temang:

🌍 "Inspired by Nature, For Climate. For Our Future."

πŸ“… July 19, 2026 (Sunday) ⏰ 1:00 PM – 3:00 PM πŸ“ SMDP Covered Court

βœ¨πŸ–ŒοΈ Gumawa ng isang orihinal na poster na nagpapakita ng kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan at pagkilos para sa mas magandang kinabukasan.

🎨 Paalala: Magdala ng sarili mong art materials at tools. Ang 1/8 illustration board ay ibibigay ng SK Council. Kung nais gumamit ng papel, maaari kang magdala ng A3 size (o katumbas na sukat).

πŸ“ Mag-register na rito: πŸ”— https://forms.gle/TQiWo3yypwJbJRHp7

Tara na, mga Ka-SMDP! Gawing makulay ang pagbabago at hayaang ang bawat guhit ay maging inspirasyon para sa mas luntiang bukas. πŸŒ±πŸ’™

πŸ“’ PAALALA | UNCLAIMED EDU-ALLOWANCESa mga validated beneficiaries na hindi pa nakapag-claim ng kanilang Edu-Allowance, m...
13/07/2026

πŸ“’ PAALALA | UNCLAIMED EDU-ALLOWANCE

Sa mga validated beneficiaries na hindi pa nakapag-claim ng kanilang Edu-Allowance, maaari ninyo itong i-claim sa mga sumusunod na araw at oras:

πŸ—“οΈ Hanggang Hulyo 17, 2026 (maliban sa Hulyo 14)
πŸ•• 6:00 PM – 7:00 PM
πŸ“ SK Office

πŸ“Œ Siguraduhing dala ang mga sumusunod na requirements:
βœ… Tatlong (3) photocopy (xerox) ng inyong valid ID na may kumpletong address.
βœ… Bawat photocopy ay dapat may tatlong (3) magkaparehong specimen signatures.

⚠️ Tanging mga kumpleto ang requirements ang maa-accommodate. Mangyaring sundin ang itinakdang oras upang maging maayos at mabilis ang proseso ng pag-claim.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon! πŸ’™πŸŽ“

πŸŽ“βœ¨ MATAGUMPAY NA NAISAGAWA ANG EDU-ALLOWANCE DISBURSEMENT 2026! βœ¨πŸŽ“Noong Hulyo 5, 2026 (Linggo), matagumpay na naisagawa ...
09/07/2026

πŸŽ“βœ¨ MATAGUMPAY NA NAISAGAWA ANG EDU-ALLOWANCE DISBURSEMENT 2026! βœ¨πŸŽ“

Noong Hulyo 5, 2026 (Linggo), matagumpay na naisagawa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay San Martin de Porres ang Iskolar ng Kabataan: Edu-Allowance Disbursement, kasabay ng isinagawang Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly.

Sa pamamagitan ng programang ito, naipamahagi ang educational allowance sa ating mga validated beneficiaries bilang suporta sa kanilang pag-aaral at pagpupursigi na maabot ang kanilang mga pangarap.

Lubos ang aming pasasalamat sa Mother Council, sa lahat ng volunteers, at higit sa lahat sa mga kabataang SMDP na nakiisa at naging bahagi ng matagumpay na programang ito. Ang inyong kooperasyon at suporta ang naging susi sa maayos at organisadong pagsasagawa ng ating mga aktibidad.

Patuloy na magsisilbi ang SK San Martin de Porres sa paghahatid ng mga programang nagbibigay ng mas maraming oportunidad para sa kabataang SMDP. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagsusulong ng edukasyon at paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan. πŸ’™πŸ“š

Address

San Martin De Porres
Quezon City
1111

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Martin De Porres posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share