01/08/2026
✨ Isang Makabuluhang Araw ng Pamumuno at Pag-asa 🌟 Barangay Loyola Heights Leadership Seminar for Children and Youth
Ngayong araw, Agosto 1, 2026, sa 3rd Floor Conference Room ng Barangay Loyola Heights—puspusan ang ating pagpupugay at pasasalamat sa matagumpay na Leadership Seminar na punong-puno ng aral, inspirasyon, at damdamin! ❤️
Lubos kaming nagpapasalamat kina Sir Ember Aballe, RSW at Sir Franz Hanzel Manalang ng Quezon City Social Service Development Department (SSDD) sa mahusay na pagpapadaloy at pagbabahagi ng kanilang kaalaman. Malinaw nating nauunawaan ngayon ang tunay na kahulugan ng pagiging isang lider, ang malaking pagkakaiba ng pagiging Boss sa pagiging Leader, at ang iba’t ibang uri at pamamaraan ng pamumuno na dapat nating taglayin. 💡🤝
Sobrang nakakataba ng puso at nakakatuwang makita ang ganap na aktibong partisipasyon ng ating mga bata at kabataan na dumalo! Ang inyong sigla at interes ay nagbibigay-liwanag sa ating lahat. Maraming salamat din sa lahat ng mga grupo at organisasyon ng mga bata at kabataan na nakipag-isa at naging bahagi ng napakagandang pagtitipon na ito. 🙏🌟 Salamat sa mga sumusunod na grupo; Kabataang may Dedikasyon para sa Loyola Heights (KDLH) sa pangunguna ni Gener Bitancur, Ronas Garden Youth Organization na pinamumunuan ni Nikka Villacorte, sa Jocson Meralco Line Youth Organization sa pangunguna ni Xj Yanzon, sa Youth Ignite na pinangungunahan ni Jasper Bagayan, sa Barangay Loyola Heights Children’s Association (BLHCA) na pinamumunuan ni Mineth Peña, sa ating mga ALS learners, sa mga bata at kabataan ng Park 7, Marytown, B.Gonzales at Daantubo na inuumpisahan na nating buohin ang mga youth organizations.
Naniniwala ang ating Punong Barangay Darwin Hayes at ang buong Konseho—na kayo ang tunay na pag-asa ng ating bayan. Kaya naman, mahalagang bigyan kayo ng lakas, gabay, at kapangyarihan. Balang araw, kayo ang magpapatakbo at magiging matatag na pinuno ng ating barangay at ng buong bansa! 🤲💪
Hindi lang ito basta seminar—ito ay paghahanda para sa kinabukasan. Isang karangalan ang makasama kayong lahat! 💙💖
Ps. Nagpapasalamat din tayo sa mga miyembro ng BCPC Loyola Heights na tumulong mangalap ng mga kabataan at batang dadalo sa ating Leadership Seminar 🥰