Barangay Tandang Sora District 6 Quezon City

Barangay Tandang Sora District 6 Quezon City Brgy. Barangay Tandang Sora, District 6, Quezon City

Tandang Sora 24/7 Hotline : 09295132453
Quezon City Fire District: 8330-2344 /
8928-8363 /0968-8834546/09771029338
BFP Tandang Sora Sub Station : (02) 791- 00266
Quezon City DRRMO: 122 or 8927-5914
Emergency Hotline : 911

04/09/2026

| Dahil sa inaasahang malakas na pag-uulang aabot sa 50-100mm bukas dulot ng , inirerekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) ang suspensyon ng face-to-face classes sa LAHAT NG ANTAS ng mga PAMPUBLIKO at PRIBADONG PAARALAN sa Quezon City bukas, September 5, 2026.

Ipatutupad ang Alternative Delivery Modes of Learning (Synchronous / Asynchronous) upang masig**o ang patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.

03/09/2026

| Alinsunod sa Memorandum Circular No. 134 s. 2026 ng Malacañang, suspendido ang face-to-face classes sa LAHAT NG ANTAS ng mga PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN sa Metro Manila, kabilang ang Quezon City ngayong araw September 4, 2026 (Biyernes).

Dahil ito sa inaasahang patuloy na malalakas na pag-ulan dulot ng Hanging (Southwest Monsoon), gayundin ang hindi magandang kalidad ng hangin sa National Capital Region (NCR) bunsod ng smoke o haze mula sa sunog sa mga kagubatan ng Kalimantan, Indonesia.

Ipatutupad ang Alternative Delivery Modes of Learning (Synchronous / Asynchronous) upang masig**o ang patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.



Source:
Presidential Communications Office
https://www.facebook.com/share/p/1DSYB3jx5r/

02/09/2026

🩸 SUCCESSFUL BLOODLETTING BIRTHDAY PROJECT!

Isang makabuluhang pagdiriwang ng kaarawan ni Kapitan Marlou C. Ulanday ang isinagawa ngayong araw sa pamamagitan ng Bloodletting Project ng Barangay Tandang Sora. Sa halip na regalo, dugo ang handog na isang simpleng paraan na maaaring maging pag-asa at makapagsalba ng buhay. 🙏🩸

Maraming salamat sa lahat ng volunteer blood donors, health workers, volunteers, at mga katuwang na naging bahagi ng matagumpay na gawaing ito. Ang bawat patak ng dugong inyong ibinahagi ay tunay na regalo ng buhay. ❤️

MALIGAYANG KAARAWAN, KAP. MARLOU C. ULANDAY!Ang buong Barangay Tandang Sora ay taos-pusong bumabati ng isang Maligayang ...
01/09/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, KAP. MARLOU C. ULANDAY!

Ang buong Barangay Tandang Sora ay taos-pusong bumabati ng isang Maligayang Kaarawan sa ating butihing Punong Barangay, Hon. Marlou C. Ulanday!

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at maraming pagpapala upang patuloy ninyong mapaglingkuran ang ating mga kabarangay nang may malasakit at dedikasyon.

Maraming salamat po sa inyong tapat na pamumuno at walang sawang paglilingkod para sa ikauunlad ng ating barangay.

Mula sa bumubuo ng Barangay Tandang Sora, Happy Birthday, Kap Marlou

01/09/2026

🩸 BIRTHDAY BLOODLETTING PROJECT 🩸

“Give the Gift of Life, Donate Blood.” ❤️

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Kap. Marlou C. Ulanday, inaanyayahan ang lahat na makiisa sa isang makabuluhang Bloodletting Project.

Ang bawat patak ng dugo ay maaaring maging pag-asa at buhay para sa isang nangangailangan. Sama-sama nating gawing regalo ang ating dugo at makatulong sa ating kapwa.

September 2, 2026 (Wednesday)
8:00 AM onwards
2nd Floor, Barangay Tandang Sora Hall

Dugo mo, Buhay Ko.
Makilahok, mag-donate, at magbigay ng regalo ng buhay!

31/08/2026

| Alinsunod sa Local Government Memorandum Circular No. 3, s. 2025, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng PAMPUBLIKONG PAARALAN sa Quezon City ngayong September 1, 2026, kabilang ang:

• Child Development Centers
• Kindergarten
• Grades 1–12
• Alternative Learning System (ALS)

Base sa latest Air Quality Index (AQI), nagtala ng Very Unhealthy at Acutely Unhealthy ang mga air quality sensors ng lungsod. Sa kasalukuyan, may 68 air sensors na nakapwesto sa iba-ibang bahagi ng lungsod.

Sa ganitong antas ng air pollution, maaaring magkaroon ng ubo, pangangati ng airways, at hirap sa paghinga, lalo na sa mga taong may asthma o iba pang respiratory conditions.

Batay sa kasalukuyang assessment, ang pagtaas ng air pollution sa ilang bahagi ng bansa, kabilang ang National Capital Region, ay posibleng may kaugnayan sa smoke o haze mula sa mga nagaganap na sunog sa Kalimantan, Indonesia.

Ang suspensyon ng klase sa PRIVATE SCHOOLS at HIGHER EDUCATION INSTITUTIONS ay nakabatay sa desisyon ng pamunuan ng paaralan. Gayunpaman, para sa kaligtasan ng mga g**o at mag-aaral, hinihikayat ang pagsunod sa national o localized suspension.

Pinapayuhan ang lahat na magsuot ng face mask at bawasan ang oras at pisikal na aktibidad sa labas. Mangyaring subaybayan ang mga susunod na anunsyo para sa karagdagang impormasyon.

Para sa emergency at kinakailangan ng agarang tulong, tumawag lamang sa HELPLINE 122.

Mag-ingat po tayong lahat.

Magandang balita, mga kabarangay! Bumalik na ang Banlat Health Center sa ating orihinal na lokasyon sa Del Nacia I, Brgy...
31/08/2026

Magandang balita, mga kabarangay! Bumalik na ang Banlat Health Center sa ating orihinal na lokasyon sa Del Nacia I, Brgy. Tandang Sora, Quezon City!

Muli nating makikita at mapaglilingkuran ang ating mga kabarangay sa Banlat Health Center, na matatagpuan malapit sa Tandang Sora Elementary School.

📍 Banlat Health Center
Del Nacia I, Brgy. Tandang Sora, Quezon City
📌 Near Tandang Sora Elementary School

30/08/2026

📢 ANUNSYO SA ATING MGA KABARANGAY!

Bukas po ang Banlat Health Center na sa Del Nacia 1 para patuloy na makapagbigay ng serbisyong pangkalusugan sa ating komunidad. 💚🏥

Para po sa mga lumusong o nalusong sa baha, maaaring magtungo sa Health Center para makonsulta at ma-assess ng ating health workers, lalo na kung kinakailangan ng Doxycycline bilang proteksyon laban sa leptospirosis. 💊

⚠️ Huwag basta uminom ng Doxycycline nang walang payo ng health professional.

Ingat po tayong lahat at unahin ang kalusugan! 🙏💚

RED RAINFALL WARNING | MAGING ALERTO, MAGING HANDA!Dahil sa Enhanced Southwest Monsoon (Habagat), pinapayuhan ang lahat ...
29/08/2026

RED RAINFALL WARNING | MAGING ALERTO, MAGING HANDA!

Dahil sa Enhanced Southwest Monsoon (Habagat), pinapayuhan ang lahat ng residente ng Barangay Tandang Sora, Quezon City na manatiling alerto at mag-ingat sa posibleng malawakang pagbaha, pag-apaw ng mga kanal, pagtaas ng tubig sa ilog at mabababang lugar, at zero visibility dulot ng malakas na pag-ulan.

SAFETY REMINDER:
Iwasan ang mga lugar na madaling bahain.
Limitahan ang paglabas ng bahay kung hindi kinakailangan.
Maghanda ng emergency kit at mahahalagang dokumento.
Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather updates.

KUNG KAILANGAN NANG LUMIKAS, HUWAG MAG-ATUBILI!
Agad na makipag-ugnayan at tumawag sa Barangay Tandang Sora para sa evacuation assistance. May evacuation area mismo sa Barangay Hall para sa mga residenteng kailangang lumikas.

Para sa Emergency Assistance: 122
BPSO 24/7 Hotline: 0929 513 2453

29/08/2026

Address

116 Mindanao Avenue, Tandang Sora Barangay Hall
Quezon City
1100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Tandang Sora District 6 Quezon City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Tandang Sora District 6 Quezon City:

Shortcuts

Share