BRIEF HISTORY :
Matapos ang mahaba-habang kasaysayan sa buhay ni Arch. ENRIQUE "HENRY" OLONAN, at mapagtagumpayan ang hamon ng panahon at kilalanin sa kanyang larangan sa mundo ng Arkitektura at pagnenegosyo, minarapat nyang magbalik tanaw sa Lalawigan ng Bikol na kanyang pinagmulan. Olonan ang Solid Future foundation Inc., (SFFI) na naglalayong magbahagi ng tulong at kaalaman para sa mga kababa
yan niya sa Kabikulan, particular sa lalawigan ng Catanduanes. Magsimula noon ay hindi mabilang na mga handog tulong, medical at relief operations ang naisagawa ng SFFI hindi lamang sa kabikulan kundi pati na rin sa mga karatig pook at iba pang lalawigan. Sa mahabang panahon ay hindi napagod si Arch. Olonan sa pagtulong lalo pa niyang pinaigting ang kanyang pagbabahagi ng tulong lalo pa't sinalanta ng matitinding bagyo ang marami sa ating mga kababayan. Doon nakita niya na lubhang naapektuhan ang mga manggagawa na nawalan ng kanilang kabuhayan at ang kakulangan ng tulong ng Pamahalaan at dahil sa kanyang adbokasyang maihaon sa kasadlakan ng kahirapan ang kanyang kapwa manggagawa, kung saan siya at ang kanyang pamilya nagmula. Itinatag niya ang SAMAHAN NG MGA MANGGAGAWA SA KONSTRUKSIYON (SAMAKO) noong taong 2013. Ang SAMAHAN NG MGA MANGGAGAWA SA KONSTRUKSIYON (SAMAKO) kaagapay ng foundation ni Arch. Enrique Olonan ay nagsilbing mga tinig ng mga konstruksiyon workers na kung saan ang bawat miyembro sa pangunguna ni Arch. Olonan ay may malalim na adhikaing isulong ang kapakanan ng mga manggagawa sa industriya ng konstruksiyon. Nang magsimulang maitatag ang SAMAKO sunod sunod na mga livelihood, training at seminars ang naisagawa nito na naayon sa pangangailangan ng isang konstruksyon worker. Natatangi ang adbokasyang tumulong at magbahagi sa kapwa ni Arch. Enrique Olonan. At sa kanyang patuloy na pagsasakatuparan ng mga adbokasyang ito na ipaabot sa ating mga manggagawa na mayroong isang organisasyong handang tumulong at umagapay sa kanila upang mapataas ang antas ng kanilang kabuhayan. Makakaasa ang mga lumalagong miyembro ng SAMAKO at ang mga manggagawa na patuloy na isusulong ng SAMAKO ang hangarin na mapabuti ang kapwa mga konstruksiyon workers, at maisasakatuparan lamang ang mga adbokasyang pang konstruksiyon workers sa pamamagitan ng mga batas sa benepisyo sa kalusugan, insurance at tulong pinansyal/medikal sa mga manggagawa sa industriya ng konstruksiyon nang sa gayon ay magkaroon ng pantay na boses ang ating mga manggagawa sa lipunan.