Quezon City Climate Change and Environmental Sustainability Department

Quezon City Climate Change and Environmental Sustainability Department Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Quezon City Climate Change and Environmental Sustainability Department, Government Organization, 6th Floor Civic Center D (BRO Building), Quezon City Hall Compound, Diliman, Quezon City.

Base sa pinaka-latest na Air Quality Index (AQI) ng lungsod, mabuti ang kabuuang kalidad ng hangin sa Quezon City. Sa ka...
06/09/2026

Base sa pinaka-latest na Air Quality Index (AQI) ng lungsod, mabuti ang kabuuang kalidad ng hangin sa Quezon City.

Sa kabila nito, hinihikayat pa rin ang mga QCitizen na nasa "Very Unhealthy" na lugar, na magsuot ng mask at kung maaari ay umiwas sa paglabas ng bahay, lalo kung may respiratory illness tulad ng hika.

Abangan ang mga updates tungkol sa kalidad ng hangin sa inyong lugar dito sa aming official page at sa Quezon City Government website
https://quezoncity.gov.ph/air-quality-index/

Ibinahagi ng CCESD ang mga environmental programs ng Quezon City sa Global Green Growth Institute (GGGI) kasama ang iba'...
05/09/2026

Ibinahagi ng CCESD ang mga environmental programs ng Quezon City sa Global Green Growth Institute (GGGI) kasama ang iba't ibang government offices. Sa isinagawang site visit, ibinida din ng QC ang iba’t ibang composting at food waste management projects sa New Kamuning Market at Barangay Phil-Am.

Maging updated sa mga programa ng lungsod para sa kalikasan, i-like at i-follow ang aming official page.

Muling nagsagawa ng tree planting activity ang CCESD kasama naman ang mga mag-aaral ng St. Mary's College Inc. Quezon Ci...
04/09/2026

Muling nagsagawa ng tree planting activity ang CCESD kasama naman ang mga mag-aaral ng St. Mary's College Inc. Quezon City, sa UP Diliman Environmental Management Office (DEMO). Ginanap ang aktibidad bilang bahagi ng One Million Trees Initiative ng Lungsod Quezon, kaugnay ng kanilang National Service Training Program (NSTP).

Sa kasalukuyan, nakapagtanim na ng mahigit 600,000 na puno sa iba't ibang bahagi ng Quezon City mula noong 2019 katuwang ang DENR, Manila Water Foundation, iba't ibang ahensya ng pamahalaan, mga paaralan, at mga pribadong organisasyon bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa climate action at pagpapanatili ng luntiang kapaligiran.

Maging updated sa mga programa at inisyatiba ng Lungsod Quezon para sa kalikasan. I-like at i-follow ang aming official page! 🌱🍃

QCitizens, patuloy na nagtatala ng magandang kalidad ng hangin ang ating lungsod base sa pinaka-latest na Air Quality In...
03/09/2026

QCitizens, patuloy na nagtatala ng magandang kalidad ng hangin ang ating lungsod base sa pinaka-latest na Air Quality Index (AQI).

Maging updated sa kalidad ng hangin sa inyong lugar, i-like at follow ang aming Official page.

📢 Mahalagang Anunsyo, QC Eco-Warriors! ♻️Narito na ang Calendar of Activities ng   𝗣𝗼𝗽𝘂𝗽 𝗗𝗿𝗼𝗽-𝗼𝗳𝗳 𝗮𝗻𝗱 𝗘𝘅𝗰𝗵𝗮𝗻𝗴𝗲 𝗕𝗼𝗼𝘁𝗵 nga...
03/09/2026

📢 Mahalagang Anunsyo, QC Eco-Warriors! ♻️

Narito na ang Calendar of Activities ng 𝗣𝗼𝗽𝘂𝗽 𝗗𝗿𝗼𝗽-𝗼𝗳𝗳 𝗮𝗻𝗱 𝗘𝘅𝗰𝗵𝗮𝗻𝗴𝗲 𝗕𝗼𝗼𝘁𝗵 ngayong buwan ng Setyembre. Halina’t ihanda na ang inyong mga recyclables at single-use plastics (SUP) para i-trade sa mga sumusunod na iskedyul:

📍September 1 - Chapel Compound, Kaingin Road, Brgy. Apolonio Samson
📍September 2 - Samahan ng mga Kababaihan, Durian St., Area 9, Brgy. Pasong Tamo
📍September 2 - SALAM Compound Sulu St. cor. Tandang Sora Avenue, Brgy. Culiat
📍September 3 - Barangay Hall, Bayani St., Brgy. Doña Imelda
📍September 3 - Multi-purpose Hall, Broadway St., Brgy. Kalusugan (9am to 12nn)
📍September 3 - No. 50, San Isidro St., Brgy. Sto. Niño (1pm to 4pm)
📍September 4 - St. Theresa's College (school campus), 116 D. Tuazon Avenue, Brgy. Lourdes
📍September 7 - SB Park, Filomena Street, Brgy. Matandang Balara
📍September 8 - Admin Office, Rosa Alvero St. corner B. Gonzales St., Brgy. Loyola Heights
📍September 8 - Barangay Hall, Kubili St., corner Chico St., Brgy. Quirino 2A (9am to 12nn)
📍September 8 - Covered Court, 15th Avenue corner Ermin Garcia, Brgy. Silangan (1pm to 4pm)
📍September 9 - Multi-purpose Hall, Cenacle Drive, Brgy. Culiat
📍September 9 - Barangay Hall, Quirino Hi-way, Brgy. Balon Bato
📍September 10 - Covered Court, Gen. Lim corner Road 5, Brgy. Camp Aguinaldo
📍September 10 - Manhattan Park View, Gen. Romulo Ave., Brgy. Socorro (9am to 12nn)
📍September 10 - Barangay Hall, Kalantas St., Brgy. Duyan Duyan (1pm to 4pm)
📍September 11 - Barangay Hall, Malambo corner Simbal St., Brgy. Talayan
📍September 11 - Jeepney Terminal, Quezon Avenue, Fisher Mall (1pm to 4pm)
📍September 14 - Feria Covered Court, Feria Rd., Brgy. Matandang Balara
📍September 15 - Barangay Hall, Conchu St., Brgy. Masagana
📍September 16 - Plaza Sta. Inez, Brgy. Krus na Ligas
📍September 16 - Barangay Hall, Sta. Lucia Avenue, Brgy. Sta. Lucia (9am to 12nn)
📍September 16 - Covered Court, Kew Garden St., Greenview Subdivision, Brgy. Sauyo (1pm to 4pm)
📍September 17 - Covered Court, Tagupo St., Brgy. Tatalon
📍September 17 - Gymnasium, Dahlia St., Brgy. Roxas
📍September 18 - Del Nacia Covered Court, Daisy Street, Lower Banlat, Brgy. Tandang Sora
📍September 21 - Covered Court, San Jose St., Brgy. San Antonio
📍September 22 - Covered court, Kaingin 2, Brgy. Pansol (9am to 12noon)
📍September 22 - Barangay Hall, PUD Site, Brgy. Escopa III (1pm to 4pm)
📍September 23 - Open Court, Gawad Kalinga, Brgy. Baesa
📍September 24 - Covered Court, Tagupo St., Brgy. Tatalon
📍September 24 - Gymnasium, Dahlia St., Brgy. Roxas
📍September 25 - MRF, GSIS Ave., Brgy. Sangandaan
📍September 28 - Covered Court, Bangus St., Silvina Subdivision, Brgy. Talipapa
📍September 28 - MRF/BDRRMO Building, Holy Cross St. corner P. dela Cruz St. Brgy. San Bartolome
📍September 29 - Covered Court, Road 5, Brgy. Bagong Silangan
📍September 29 - Barangay Hall, Scout Bayoran St., Brgy. South Triangle (9am to 12nn)
📍September 29 - MRF, Session Road/ Garland, Brgy. Batasan Hills (1pm to 4pm)
📍September 30 - (Old Brgy. Hall), N. Domingo St. cor. Aurora Boulevard, Brgy. Kaunlaran
📍September 30 - K-5th St. near corner Scout Torillo St., Brgy. Kamuning (9am to 12nn)
📍September 30 - Barangay Hall, Matahimik St., Brgy. Malaya (1pm to 4pm)

Maging updated sa mga anunsyo tungkol sa , i-like at follow ang aming Official page.

📣 Air Quality in Quezon City QCitizens, bumuti na ang kalidad ng hangin sa ating lungsod.Base ito sa latest Air Quality ...
02/09/2026

📣 Air Quality in Quezon City

QCitizens, bumuti na ang kalidad ng hangin sa ating lungsod.

Base ito sa latest Air Quality Index (AQI) mula sa 68 air sensors na nakapwesto sa iba't-ibang lugar ng lungsod. Nagtala ang mga sensors ng "Good" at "Fair" levels na kalidad ng hangin.

Maging updated sa kalidad ng hangin sa inyong lugar. I-like at i-follow ang aming official page. 💚

Base sa pinakahuling Air Quality Index (AQI), may ilang bahagi ng lungsod na nakapagtala ng “Unhealthy” at “Very Unhealt...
01/09/2026

Base sa pinakahuling Air Quality Index (AQI), may ilang bahagi ng lungsod na nakapagtala ng “Unhealthy” at “Very Unhealthy” na kalidad ng hangin.

Kung hindi maiiwasan ang paglabas ng bahay, lalo na para sa mga bata, senior citizens, buntis at may mga respiratory conditions tulad ng hika, mahalagang magsuot ng face mask bilang proteksyon.

Para sa mga health concerns gaya ng hirap sa paghinga, hika, at iba pa, maaaring makipag-ugnayan sa Quezon City Health Department sa (02) 8929-8038.

Maaari ring tumawag sa QC Helpline 122 para sa agarang tulong at aksyon.

AIR QUALITY ADVISORY ⚠️

As of 8:00 AM, nananatili sa Alert Level 3 ang Air Quality Index (AQI) sa Quezon City.

Base sa latest Air Quality Index (AQI), nagtala ng Very Unhealthy at Acutely Unhealthy ang mga air quality sensors ng lungsod. Sa kasalukuyan, may 68 air sensors na nakapwesto sa iba-ibang bahagi ng lungsod.

Batay sa kasalukuyang assessment, ang pagtaas ng air pollution sa ilang bahagi ng bansa, kabilang ang National Capital Region, ay posibleng may kaugnayan sa smoke o haze mula sa mga nagaganap na sunog sa Kalimantan, Indonesia.

Dahil dito, pinapayuhang mag-ingat ang lahat, lalo na ang mga vulnerable groups. Limitahan ang outdoor activities at magsuot ng face mask kung kinakailangang lumabas.

Manatiling alerto at subaybayan ang mga susunod na abiso ng QC Government.

📣 AIR QUALITY ADVISORYDahil sa naitalang “Unhealthy” at “Very Unhealthy” na kalidad ng hangin sa ilang lugar sa Metro Ma...
31/08/2026

📣 AIR QUALITY ADVISORY

Dahil sa naitalang “Unhealthy” at “Very Unhealthy” na kalidad ng hangin sa ilang lugar sa Metro Manila, pinapayuhan ang mga QCitizens na hangga’t maaari ay manatili muna sa loob ng tahanan.

Kung hindi maiiwasang lumabas, lalo na para sa mga may respiratory diseases tulad ng hika, huwag kalimutang magsuot ng face mask.

Para sa health concerns tulad ng hirap sa paghinga, hika, at iba pa, maaaring makipag-ugnayan sa Quezon City Health Department (QCHD) sa (02) 8929-8038.

Para sa iba pang agarang aksyon, tumawag sa QC Helpline 122.

Stay safe, QCitizens!

Air Quality Advisory

Dahil sa naitalang "unhealthy" at "very unhealthy" na kalidad ng hangin sa iba-ibang lugar sa Metro Manila, inaabisuhan ang lahat na magsuot ng face masks lalo na ang mga:

- Bahagi ng vulnerable groups gaya ng bata, senior citizens, buntis, at may sakit sa baga o puso

- Mga residenteng kinakailangang lumabas

Hanggat maaari, manatili muna sa loob ng inyong tahanan.

Para sa emergency at iba pang concern, maaaring tumawag sa Helpline 122.

Stay safe, QCitizens!

QCitizens, patuloy na nagtatala ng magandang kalidad ng hangin ang ating lungsod base sa pinaka-latest na Air Quality In...
28/08/2026

QCitizens, patuloy na nagtatala ng magandang kalidad ng hangin ang ating lungsod base sa pinaka-latest na Air Quality Index (AQI).

Maging updated sa kalidad ng hangin sa inyong lugar, i-like at follow ang aming Official page.

Quezon City Bilang Siklista 2026: Para sa mas ligtas at inklusibong bike lanes sa QC! 🚲💨Sa pangunguna ng Department of P...
28/08/2026

Quezon City Bilang Siklista 2026: Para sa mas ligtas at inklusibong bike lanes sa QC! 🚲💨

Sa pangunguna ng Department of Public Order and Safety, lumahok ang CCESD sa isinagawang taunang “Bilang Siklista” upang makakalap ng datos na magsisilbing batayan sa pagpaplano ng imprastraktura, paggawa ng mga polisiya, at pagpapalakas ng adbokasiya para sa mas ligtas at inklusibong bike lanes.

Nakiisa din sa activity ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod, organisasyon, at mga volunteers mula sa iba’t ibang bike groups.

Maging updated sa mga programa ng lungsod para sa kalikasan, i-like at follow ang aming Official page.

Address

6th Floor Civic Center D (BRO Building), Quezon City Hall Compound, Diliman
Quezon City
1100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Quezon City Climate Change and Environmental Sustainability Department posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Quezon City Climate Change and Environmental Sustainability Department:

Shortcuts

Share