10/06/2026
[๐๐ฌ๐ญ ๐๐๐ญ๐ข๐ฉ๐ฎ๐ง๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง (๐๐) ๐๐ฌ๐ฌ๐๐ฆ๐๐ฅ๐ฒ ๐๐๐๐]
Noong Mayo 31, 2026, matagumpay na isinagawa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Novaliches Proper ang ๐๐ฌ๐ญ ๐๐๐ญ๐ข๐ฉ๐ฎ๐ง๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง (๐๐) ๐๐ฌ๐ฌ๐๐ฆ๐๐ฅ๐ฒ ๐๐๐๐. Naging mahalagang pagkakataon ang pagtitipong ito upang maipabatid sa mga kabataan ang mga programa, proyekto, at mga hakbang na isinagawa ng konseho para sa kanilang kapakanan at patuloy na pag-unlad.
Pinangunahan ang programa ni SK Chairperson Idene Santiago, kasama si SK Secretary Representative Alleah Abendanio, kung saan kanilang iniulat ang mga naging session meetings ng konseho, mga deliberasyon at resolusyong naisakatuparan, gayundin ang mga naaprubahang pondo para sa mga programang nakapaloob sa Annual Barangay Youth Investment Plan (ABYIP).
Naging bahagi rin ng pag-uulat ang mga SK Kagawad na sina SKK KC Bunque, SKK Pauline Cruz, SKK Angela Cayabyab, SKK Cholo Buenaventura, SKK Christian Bunque, at SKK Pearl Remo, kung saan kanilang ibinahagi ang kani-kanilang ulat at plano para sa mga programang saklaw ng kanilang komite.
Matapos ang mga ulat, nanghingi ang SK Council ng mga suhestiyon at komento mula sa mga kabataan upang higit pang mapabuti ang mga programa at serbisyong inilulunsad para sa komunidad.
Dinaluhan din ang programa ng mga Kagawad ng Barangay na sina Kagawad Cecille Ramos, Kagawad Precy Nueva, Kagawad Dan Maniquis, Kagawad Abel Manalansan, at Kagawad Dudoy Aรฑonuevo bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa mga adbokasiya at programa para sa kabataan.
Lubos na nagpapasalamat ang buong konseho kay Barangay Captain Asuncion M. Visaya, kasama ang buong konseho ng barangay at mga barangay staff at employees, sa kanilang patuloy na paggabay, pakikipagtulungan, at suporta sa mga programang inilulunsad para sa kabataan ng Barangay Novaliches Proper.
Lubos ding pasasalamat ang ipinapaabot ng konseho kay Coun. Joseph Visaya sa kanyang ipinagkaloob na pa-gulaman at sopas para sa mga dumalo sa programa.
Pinasasalamatan din ang Arsenia J. Maximo Hygiene Clinic sa kanilang patuloy na pakikiisa at suporta sa mga programang pangkalusugan ng kabataan, na malaking tulong sa pagpapalawak ng kaalaman at kamalayan tungkol sa responsableng pangangalaga sa sarili.
Nagpapasalamat din ang konseho sa John 3:16 para sa kanilang suporta sa pamamagitan ng LED screen at sound system na naging malaking tulong sa matagumpay na pagsasagawa ng programa.
Ang KK Assembly ay nagsilbing mahalagang plataporma upang maipabatid sa mga kabataan ang mga programa at proyekto ng Sangguniang Kabataan, gayundin upang hikayatin ang kanilang aktibong partisipasyon sa mga usaping pangkomunidad. Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng konseho, barangay, at kabataan, patuloy na mabubuo ang isang mas matatag, mas responsable, at mas maunlad na pamayanan.