Anakbayan KAL

Anakbayan KAL Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Anakbayan KAL, Political organisation, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Quezon City.

Ang ANAKBAYAN ay pambansa-demokratikong komprehensibong organisasyong masa na nagbubuklod sa kabataan upang isulong ang karapatang pantao at kagalingang panlipunan.

30/09/2025
26/09/2025
26/09/2025

PONDO SA EDUKASYON, HINDI SA KORAPSYON

TIGNAN: Statement ni Czarina Ben ng Anakbayan KAL habang isinasagawa ang kilos-protesta kahapon, Sept 24, sa harap ng House of Representatives kasama ang mga Iskolar ng Bayan mula sa UPD at PUP upang magbigay panawagan at ipaglaban ang sapat at mas mataas na badyet para sa tunay na libreng edukasyon.

“Kaya naman ikaw Marcos, ang nangungunang korap at pahirap sa bayan, nakatingin sayo ang mga Iskolar ng Bayan! Lalabas kami sa aming paaralan at patuloy na tutungo sa lansangan para ipaglaban ang karapatan ng taumbayan!”

MALAYA NA SI WOVI! TULOY-TULOY ANG LABAN! PALAYAIN ANG MENDIOLA 277!Nakalaya na si Mattheo Wovi Villanueva matapos ang a...
25/09/2025

MALAYA NA SI WOVI! TULOY-TULOY ANG LABAN!

PALAYAIN ANG MENDIOLA 277!

Nakalaya na si Mattheo Wovi Villanueva matapos ang apat na araw na pagkaka-detina at marahas na pag-aresto sa kaniya. Si Wovi ay isang mag-aaral mula sa Department of English and Comparative Literature sa Kolehiyo ng Arte at Literatura sa UPD, at nagsilbing paralegal at security marshall para sa malawakang pagkilos kontra-korapsyon noong Setyembre 21.

Ilang segundo bago ang kaniyang marahas na pagkahuli, balak lamang niya tulungan ang isang mamamahayag na pinapapalibutan na ng kapulisan, ngunit siya naman sunod na pinalibutan, pinagsusuntok at sinipa hanggang sa pagdala sa kaniya sa likod kasama ang iba pang mga inaresto. Sinampahan din siya ng mga gawa-gawang kaso, na dapat ibasura ngayon na!

Inisyal na tagumpay ang kaniyang paglaya! Ngunit hindi pa rito nagtatapos ang ating laban para sa hustisya at pananagutan. Nananatili pa ring nakakulong ang mahigit 200 kabataan sa Manila Police District, kabilang diyan ang mga menor de edad.

Hindi krimen ang pagprotesta. Ang tunay na krimen na kundenahin ay ang limpak-limpak na pondong binubulsa at nilulustay ng mga korap na kongresists at kontratista sa ating bayan.
Hindi dapat ikulong ang mga kabataang nanindigan laban sa korapsyon, at biktima lamang ng brutalidad ng kapulisan. Ang dapat ikulong ay ang mga matatagal nang napatunayan sa harap-harapang pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Makatwiran ang isinagawang protesta ng mga kabataan sa Mendiola. Hindi dito natatapos ang ating sama-samang pagkilos hangga’t hindi napapanagot ang lahat ng sangkot! Asahan ninyo na mas babahain ng protesta ng mga kabataan ang lansangan. Asahan na hangga’t ginagamitan ng dahas ang mga kabataang lumabalaban nang patas, patuloy ang buong-tapang pag-aaklas.







May riot dahil may nangungurakot.Zine para sa lahat ng ninakawan, mga bayolenteng inaresto ng mga kapulisan, at mga paga...
23/09/2025

May riot dahil may nangungurakot.

Zine para sa lahat ng ninakawan, mga bayolenteng inaresto ng mga kapulisan, at mga pagasa ng bayan.


23/09/2025

Kawawa? Baka paawa.

Muling pinatunayan ng PNP kung kanino sila nagsisilbi, hindi sa taumbayan kundi sa mga naghahari-harian at naglalakas-lakasan.

Magiging kakampi lamang ng mamamayan ang mga pulis kung tatalikuran nila ang kanilang institusyong instrumento sa pasismo.

22/09/2025
PALAYAIN SI WOVI VILLANUEVA!Palayain ang lahat ng kabataang iligal na inaresto sa Mendiola!Marahas na inaresto si Wovi V...
22/09/2025

PALAYAIN SI WOVI VILLANUEVA!
Palayain ang lahat ng kabataang iligal na inaresto sa Mendiola!

Marahas na inaresto si Wovi Villanueva, isang mag-aaral mula sa CAL UP Diliman at dating miyembro ng Anakbayan UPD. Si Wovi Villanueva ay kasama sa protesta laban sa korapsyon sa Luneta at Mendiola noong ika-53 na anibersaryo ng batas militar. Siya rin ay gumampan bilang paralegal at marshall upang tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng mga iskolar ng bayan at kabataang lumahok sa protesta.

Mariing kinukundena ng Anakbayan UPD KAL ang matinding brutalidad ng kapulisan at ilegal na pagdampot sa mga kabataang nagprotesta kahapon. Ito ay tahasang paglabag sa karapatan ng mga kabataan at ng masang anakpawis na dekada nang nagdurusa dahil sa kapabayaan at katiwalian ng estado. Ang dapat tuonan ng estado ay ang pagpapanagot sa mga korap ng bayan at Ikulong ang mga tunay na kriminal sa halip na supilin ang makatwirang galit ng kabataang sa bulok na sistema.

Sa kabila ng mga makatarungang panawagan laban sa kurapsyon at mismong karahasan ng gobyerno, mas matinding dahas ang isinusukli ng kapulisan. Ang katotohanang nangyari ito sa anibersaryo mismo ng pagdeklara ng Martial Law, isa sa mga pinakamalagim na parte ng kasaysayan dahil sa malalang paglabag sa mga karapatang pantao at paniniil sa mamamayan, ay patunay na mula noon at hanggang ngayon, ang mga Marcos ay tatak magnanakaw, tatak pasista. At habang nananatili ang ganitong sistema, maaasahan ng estado na patuloy na lalawak ang hanay ng masang lumalaban-na hindi mapapahupa ng galit o madadaan sa paniniil ang galit ng masang lumalaban.

Kaya mga artista at iskolar ng bayan, ipagpatuloy ang ating diwang palaban at makabayan! Ituloy ang paniningil at pagpapanagot sa mga Marcos at Duterte, at lahat ng kasapakat nila sa iba't-ibang modus ng kurapsyon at katiwalian.

Para sa kagyat naman na pangangailangan ni Wovi, maaaring magbigay ng pinansyal na suporta para sa kanyang mga medical and legal needs.

Para sa mga donasyon: 09178581716 (M.F.M)

Ito ang tracking ng pumapasok na donasyon: tinyurl.com/ML53DonationDrive

✊️🇵🇭 BAHAIN ANG LUNETA! 📆Ngayong darating na Setyembre 21 ang ika-53 na anibersaryo ng Martial Law, isang panahon ng lag...
20/09/2025

✊️🇵🇭 BAHAIN ANG LUNETA!

📆Ngayong darating na Setyembre 21 ang ika-53 na anibersaryo ng Martial Law, isang panahon ng lagim kung saan inalipusta ng diktaduryang Marcos Sr. ang karapatang pantao ng mamamayang Pilipino.

Kahit sa matagumpay na pagbabagsak ng diktaduryang Marcos mula sa matagalan at sistematikong pakikibaka ng masa ay danas pa rin hanggang sa kasalukuyan ang masalimuot na kalbaryo dahil sa muling paghalal sa pamilyang Marcos sa pulitiko. Laganap pa rin ang korapsyon at lantarang panloloko ng uring burukrata-kapitalista na ginagamit na negosyo ang dapat serbisyo sa tao.

🔥 Kaya ngayon ay inaanyayahan ang masang Pilipinong makiisa sa gagawing protesta sa Luneta, Setyembre 21, 2025, laban sa patuloy na paglabag sa karapatang pantao at sa katiwalian ng mga nasa posisyon! Ang hatol ng bayan: SHAME! MARCOS JR., WALANG PINAGKAIBA! MARCOS JR. AT LAHAT NG KORAP, GUILTY! IWAKSI ANG BURUKRATA-KAPITALISMO!

NEVER AGAIN, NEVER FORGET!

Bahain ang Luneta ng sigaw ng pakikibaka! Marcos noon, Marcos ngayon— Tatak Magnanakaw™️! 🗣


!


KONDUKTA
7:00n.u. | Local Prop Action @ UP Diliman

7:20n.u. | Departure from UP Diliman

9:00n.u.-12:00n.t. | Luneta Program

12:00n.t. | March to Mendiola

1:30n.h. | Mendiola (BAYAN Short Program)

3:30n.h.-5:00n.h. | EDSA PPM Program

Address

Kolehiyo Ng Arte At Literatura, Unibersidad Ng Pilipinas, Diliman
Quezon City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anakbayan KAL posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Anakbayan KAL:

Share