26/02/2024
๐๐๐๐จ๐๐ก ๐๐ก๐ ๐๐๐-๐๐๐, ๐ฃ๐๐ฆ๐๐๐๐๐๐๐ก ๐ ๐จ๐๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฌ๐๐ฅ๐๐๐๐ก ๐ก๐ ๐๐๐ฆ๐!
Sa pagtindi ng krisis ng bansa , dadagdag sa pahirap ng mamamayang Pilipino ang niraratsadang Charter Change o Cha-Cha ng administrasyong Marcos ngunit muling mag-aalab ang kapangyarihan ng sambayanan sa pag-alala ng EDSA People Power Uprising.
Hungkag ang kaunlaran na ipinatatambol ng Cha-Cha, binabaklas nito ang lokal na produksyon at kabuhayan ng sambayanang Pilpino habang hinihimod ni Marcos Sr. ang sariling bayan sa mga dayuhang bansa sa pamamagitan ng tuluyang pagbubukas ng merkado sa Imperyalistang US. Nanggaling na sa mga salita ni Marcos na ang Cha-Cha ang kaniyang pagbibigyang pokus bilang tugon sa kabila ng kaliwaโt kanang krisis ng bansa at kontrobersyal na alitan ng dalawang kampo ng Marcos-Duterte na siyang pagpapatunay na isinasawalang bahala ni Marcos Jr. ang kalagayan ng mamamayan. Ngunit bilang mga organisador kasama ang sambayanang nagkakaisa, kokontrahin at gagapiin muli ang Cha-Cha sa pamamagitan ng muling pagpapaliyab ng pagkakaisa noong 1986 sa kahabaan ng EDSA. Ang dagitab at lagablab ng nagkakaisang sambayanang Pilipino ang susunog sa nabubulok nang Charter Change at muling pagtatagumpayan ang kaunlarang mula sa tao para sa tao.
Kailanmaโy wala paโng naitatalang kabiguan sa sama-samang lakas ng sambayanang Pilipinong nagkakaisa tungo sa iisang hangarin. Bilang mga iskolar ng bayan, ang paglaban at pag-aalsa tungo sa tagumpay ay nakalathala na sa kasaysayan ng UP Diliman. Maaalalang bago pa mangyari ang EDSA People Power Uprising, nagkaroon muna ng Diliman Commune noong 1971 matapos ang First Quarter Storm sa ilalim ng diktaduryang Marcos Sr. Nagkaisa ang mga kaguruan, estudyante, staffs, guwardiya, at mga tsuper sa UP Diliman upang tutulan ang panghihimasok ng mga militar, pagpapatahimik sa mga publikasyon, mababang pasahod sa mga manggagawa at kaguruan ng UP at, pagtaas ng langis, pamasahe, at iba paโng mga bilihin. Ilang dekada ang nakalipas, sa panibagong mukha ng isang Marcos, nananatili pa rin ang mga panawagan at pinaglalaban ng sambayanang Pilipino. Lalo na sa panahon ng paglala ng mga krisis, sumusunod sa yapak ng berdugong ama si Marcos Jr. at pilit na niraratsada ang Cha-Cha para patuloy na yurakin ang kabuhayan at estado ng sambayanang Pilipino. Katulad noong dekada โ70, lumundo ang mga Iskolar ng Bayan at ang sambayanang Pilipino sa EDSA. Sa muling pagbabalik ng kapangyarihan ng mga Marcos, muling sisingilin ng taumbayan ang kapangyarihang ninakaw ng administrasyon at muling paiingayin ang kalsada at alaala ng EDSA.
Ang kasaysayan ng EDSA ay kuwento ng pag-momobilisa at paglaban ng sambayanang Pilipino tungo sa iisang hangarin na ngayoโy hudyat na muling pagbubukas ng EDSA upang tutulan ang Cha-Cha at sa administrasyong Marcos. Bilang mga iskolar at organisador ng bayan, ang pagkakaisa tungo sa iisang tagumpay ay porma ng pagsingil at paglaban mula sa luha ng mga tsuper, pawis ng mga pesante, pagod ng mga magsasaka, panaghoy ng mga kababaihan, at kalayaang ipinagdamot sa bansang sinilangan. Hindi muling magtatagumpay ang mga na sa kapangyarihan kung sabay-sabay na lulundo ang sambayanang nagkakaisa tungo sa iisang tagumpay. Muling magliliyab ang kapangyarihan ng EDSA gamit ang nag-iisang lakas ng sambayanan upang tutulan ang nabubulok nang Cha-cha ng administrasyong Marcos at pagbuklurin ang hangarin ng kaunlarang hinahangad ng mayoryang Pilipino.