07/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐-๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ค
Pormal nang nilagdaan ngayong Setyembre 7, 2026, sa CDA Head Office sa Cubao, Quezon City, ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at Cooperative Development Authority (CDA)โisang pagtutulungan na inaasahang maghahatid ng mas maraming oportunidad para sa mga Urban Poor Organizations (UPOs) sa buong bansa.
Sa pamamagitan ng kasunduan, tutulungan ng PCUP at CDA ang mga komunidad ng urban poor sa pagbuo at pagpapalakas ng mga kooperatiba, kabilang ang mga livelihood groups ng mga magsasaka, mangingisda, at vendors, gayundin ang mga housing cooperatives para sa mga pamilyang nahaharap sa relokasyon.
Layunin nitong mabigyan ang mga organisasyon ng mas matatag at sustainable na paraan upang mapalago ang kanilang kabuhayan, mapalakas ang kanilang mga negosyo, at magkaroon ng mas maayos na access sa pabahay.
Opisyal na nilagdaan nina CDA Chairperson Usec. Alexander B. Raquepo at PCUP Chairperson and CEO Usec. Michelle Anne "Che-Che" B. Gonzales, ang MOA, saksi sina CDA Administrator Dr. Emmanuel M. Santiaguel at PCUP Supervising Commissioner for Luzon Atty. Emmanuel Gison Jr.
Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., patuloy na pinatitibay ng PCUP ang pakikipagtulungan nito sa mga katuwang na ahensya ng pamahalaan upang maisakatuparan ang mandato nitong maiangat ang kalagayan ng sektor ng urban poor.
Sa patuloy na pagsisikap ni Usec. Gonzales, nananatiling nakatuon ang PCUP sa pagsusulong ng mga programang tunay na naglilingkod at nagbubukas ng oportunidad para sa maralitang tagalungsod.
๐ข๐ป๐ฒ ๐๐ฟ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ผ๐ผ๐ฟ ๐ฐ๐ผ๐บ๐บ๐๐ป๐ถ๐๐, ๐ผ๐ป๐ฒ ๐ฐ๐ผ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ ๐ฎ๐ ๐ฎ ๐๐ถ๐บ๐ฒ.