Barangay Alicia, District 1, Quezon City

Barangay Alicia, District 1, Quezon City Official page of Punong Barangay Leonardo “Ding” C. Flores III of Barangay Alicia

31/08/2026

| Alinsunod sa Local Government Memorandum Circular No. 3, s. 2025, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng PAMPUBLIKONG PAARALAN sa Quezon City ngayong September 1, 2026, kabilang ang:

• Child Development Centers
• Kindergarten
• Grades 1–12
• Alternative Learning System (ALS)

Base sa latest Air Quality Index (AQI), nagtala ng Very Unhealthy at Acutely Unhealthy ang mga air quality sensors ng lungsod. Sa kasalukuyan, may 68 air sensors na nakapwesto sa iba-ibang bahagi ng lungsod.

Sa ganitong antas ng air pollution, maaaring magkaroon ng ubo, pangangati ng airways, at hirap sa paghinga, lalo na sa mga taong may asthma o iba pang respiratory conditions.

Batay sa kasalukuyang assessment, ang pagtaas ng air pollution sa ilang bahagi ng bansa, kabilang ang National Capital Region, ay posibleng may kaugnayan sa smoke o haze mula sa mga nagaganap na sunog sa Kalimantan, Indonesia.

Ang suspensyon ng klase sa PRIVATE SCHOOLS at HIGHER EDUCATION INSTITUTIONS ay nakabatay sa desisyon ng pamunuan ng paaralan. Gayunpaman, para sa kaligtasan ng mga g**o at mag-aaral, hinihikayat ang pagsunod sa national o localized suspension.

Pinapayuhan ang lahat na magsuot ng face mask at bawasan ang oras at pisikal na aktibidad sa labas. Mangyaring subaybayan ang mga susunod na anunsyo para sa karagdagang impormasyon.

Para sa emergency at kinakailangan ng agarang tulong, tumawag lamang sa HELPLINE 122.

Mag-ingat po tayong lahat.

31/08/2026

MAGSUOT NG FACE MASK!

Base sa latest Air Quality Index, nakapagtala ang mga air quality monitoring sensors ng Quezon City ng "Unhealthy” at “Very Unhealthy” na kalidad ng hangin sa ilang bahagi ng lungsod. Ang ganitong antas ng polusyon ay maaaring magdulot ng ubo at hirap sa paghinga, lalo na sa mga may respiratory conditions.

Posibleng may kaugnayan ito sa smoke o haze mula sa mga kasalukuyang sunog sa Kalimantan, Indonesia. Pinapayuhan ang lahat na magsuot ng face mask at iwasan muna ang paglabas kung hindi kinakailangan.

Para sa emergency at iba pang concern, maaaring tumawag sa HELPLINE 122.

  kasama at katuwang ating kapulisan sa Police Station 15 — Project 6 at Barangay Sto. Cristo.
31/08/2026

kasama at katuwang ating kapulisan sa Police Station 15 — Project 6 at Barangay Sto. Cristo.

Ngayong   nakiisa po tayo sa storytelling session kasama ang UNESCO-Philippine National Commission, SM Cares, Book Nook ...
31/08/2026

Ngayong nakiisa po tayo sa storytelling session kasama ang UNESCO-Philippine National Commission, SM Cares, Book Nook at The Storytelling Project na nakipagkuwentuhan sa mga batang alicia sa pakikipagtulungan ni .

Maraming salamat po! Sa inyong mga kuwentong nag-uugnay sa atin at nagpapaalala kung gaano kasarap magmahal sa sariling wika.🇵🇭



Ngayong Agosto 31, ating ginugunita ang  , bilang pagkilala sa kabayanihan, sakripisyo, at pagkakaisa ng lahat ng mga Pi...
31/08/2026

Ngayong Agosto 31, ating ginugunita ang , bilang pagkilala sa kabayanihan, sakripisyo, at pagkakaisa ng lahat ng mga Pilipinong lumaban para sa kalayaan at kasarinlan ng bansa.

Nakiisa po ang Barangay Alicia Council. Pagpupugay po sa lahat ng ating mga bayani at makabagong bayani! 🇵🇭

Maraming salamat, Councilor Joseph Juico sa iyong handog na champorado para sa ating mga ka-barangay na naninirahan mala...
30/08/2026

Maraming salamat, Councilor Joseph Juico sa iyong handog na champorado para sa ating mga ka-barangay na naninirahan malapit sa Culiat Creek sa Cotabato Excess.

Manatili po tayong handa at mag-ingat mga ka barangay!

(August 30, 2026)


30/08/2026
Hot Meals Distribution 🥣Ngayong gabi ay naghandog ang ating Barangay Council ng libreng sopas para sa ating mga ka baran...
29/08/2026

Hot Meals Distribution 🥣

Ngayong gabi ay naghandog ang ating Barangay Council ng libreng sopas para sa ating mga ka barangay na naninirahan malapit sa Culiat Creek sa Cotabato Excess.

Kasama ang ating Punong Barangay Leonardo “Ding” Flores III, Kgd. Beth Bautista, Kgd. Nilo Dela Cruz, Kgd. Nikko Balagas, Kgd. Abeth Villanueva, Kgd. DJ Pobar, Kgd. Neng Cabrillas, at Kgd. Munding Nazarrea.

Manatili po tayong handa at mag-ingat mga ka barangay.

(August 29, 2026)

Maulang Sabado ka barangay!Manatili po tayong handa at magdoble-ingat mga ka barangay ngayong patuloy ang malakas na pag...
29/08/2026

Maulang Sabado ka barangay!

Manatili po tayong handa at magdoble-ingat mga ka barangay ngayong patuloy ang malakas na pag-ulan dulot ng habagat at kami naman po sa barangay ay tuloy-tuloy ang pagmononitor sa lagay ng level ng tubig sa ating creek.

Barangay Hotline: (02) 7001-2967
QC Hotline: 122
📍 #2 Batangas Street, Barangay Alicia District 1 QC.


Maligayang Kaarawan po, Konsehala Doray Delarmente, MD! 🥳 May God bless you and enjoy your day. Mula sa pusong pagbati m...
28/08/2026

Maligayang Kaarawan po, Konsehala Doray Delarmente, MD! 🥳 May God bless you and enjoy your day.

Mula sa pusong pagbati mula sa Barangay Alicia Council & Staff.


Address

Barangay Alicia
Quezon City
1105

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Alicia, District 1, Quezon City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share