09/09/2026
IN PHOTOS ๐ธ| HGDG Workshop para sa Department of Aagriculture (DA) Banner Programs at Projects, isinagawa sa DA Regional Field Office 5 - Bicol Region
Matagumpay na isinagawa ng Gender and Development Focal Point System (GFPS) ng Kagawaran ng Pagsasaka ang apat na araw na Harmonized Gender and Development Guidelines (HGDG) Workshop noong ika-1 hanggang ika-4 ng Setyembre, 2026 sa Regional Rice Training and Convention Center, DA Regional Field Office 5 - Bicol Region, Pili, Camarines Sur.
Si Chief Lorna A. Villegas, Chief Agriculturist at pinuno ng DA GFPS Secretariat, ang nagsilbing resource person at gumabay sa mga kalahok sa paggamit ng mga HGDG tool at checklist. Bukod dito, pinangunahan naman ni Dir. Karen Kristine A. Roscom, Tagapangulo ng DA GFPS Technical Working Group, ang mga talakayan sa pagbuo ng patnubay para sa gender mainstreaming sa Kagawaran ng Pagsasaka
Ito ay dinaluhan ng mga GAD focal persons at kinatawan mula sa ibaโt ibang regional field offices at banner programs ng kagawaran upang suriin at palakasin ang genderโresponsiveness ng mga programa at proyekto ng DA.
Sa pamamagitan ng serye ng talakayan at group work, nabuo ng mga kalahok ang paunang pagsusuri ng mga programa ng kagawaran. Nagkaroon din ng mga kasunduan ang mga kalahok para sa pagbuo ng mga gabay at mekanismo na magtitiyak na ang mga programa ng DA ay mas inklusibo at tumutugon sa pangangailangan ng mga kababaihan at kalalakihan sa agrikultura.