08/09/2026
08 Setyembre 2026
"Magalak ka, Birheng Mahal, ikaw ang inang nagsilang sa araw ng katarungan."
Ang pagdiriwang ng Banal na Misa ngayong espeyal na araw ng Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria. Bagamat ngayon ay ang kaarawan ng Mahal na Ina, ang ating Ebanghelyo ay patungkol sa katuparan ng planong pangkaligtasan sa pamamagitan ng pagsilang ni Hesus sa sanlibutan. Sapagkat hindi maaaring hiwalayan ang diwa ng natatanging okasyong ito na dumating si Maria sa ating mundo, kaya’t nariyan din ang Panginoong Hesukristo.
Ang banal na misa ay dinaluhan ng mga opisyal at personnel ng BFP National Headquarters at ang punong tagapagmisa ay si Reb. Padre (FSINSP) RAYMOND T TAPIA, Chief Moral and Values Enhancement Section kasama si Reb Padre (FSINSP) EDWIN A MACANAS, Chief Pastoral and Outreach Section.