16/07/2026
“Tanggalin na ang tax sa maliliit na negosyo.”
Ito ay panawagang bigyan ng pagkakataon ang bawat kababayan natin na may pangarap.
Ang maliliit na negosyo ang nagsisilbing first step ng maraming pamilya tungo sa mas magandang buhay.
Pero bago pa sila makapagsimula, binibigatan na sila ng napakaraming requirements, compliances at proseso.
Hindi pahirap ang kailangan nila.
Ang kailangan nila ay simpleng requirements, mabilis na sistema at tunay na suporta sa city government para makapagsimula at lumago.
Kapag mas madali ang pagnenegosyo, mas maraming kababayan natin ang magkakaroon ng lakas ng loob na mangarap, magsimula ng maliit na negosyo na lilikha ng trabaho.
Ang isang maliit na negosyo ngayon ay maaaring maging malaking kumpanya bukas.
Wag nating hadlangan ang pangarap.
Tulungan natin itong umusbong.
Patuloy kong ipaglalaban na mabigyan ng katarungan ang isang maliit na tindahan, karinderya, o kahit anong startup business na sinisingil ng mahal at pinapahirapan sa permit at requirements.
Kapag umunlad ang maliliit na negosyo, uunlad ang bawat pamilya. At kapag umunlad ang bawat pamilya, uunlad ang buong bayan.
Statement from Clemente Berberabe