Brgy. Sauyo Disaster Risk Reduction and Management Office

Brgy. Sauyo Disaster Risk Reduction and Management Office In case of Fire or Emergency, please call:
BARANGAY SAUYO HOTLINE: 7369-91-56
BDRRMC/FIRE DEPT.: 0919-096-6996

BDRRMC EMAIL: [email protected]

๐—ฆ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป, ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ป๐—ถ๐—ป๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ๐˜‚๐˜†๐—ผ.Tuloy-tuloy ang pag-alalay ng Barangay Sauyo sa ating mga...
30/08/2026

๐—ฆ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป, ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ป๐—ถ๐—ป๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ๐˜‚๐˜†๐—ผ.

Tuloy-tuloy ang pag-alalay ng Barangay Sauyo sa ating mga residenteng kasalukuyang nananatili sa evacuation centers matapos maapektuhan ng pagtaas ng tubig-baha sa kanilang mga lugar.

Personal na binisita at kinumusta ni Punong Barangay Noel F. Vitug ang ating mga evacuation centers upang masiguro na maayos ang kalagayan ng ating mga evacuees at matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Patuloy din ang pag-monitor at pagtugon ni BDRRM Committee Vice Chairperson Dendo M. Alvarez, na mula pa kahapon ay nakaantabay din ng personal sa kalagayan ng ating mga evacuees at tumutugon sa kanilang mga pangangailangan.

Samantala, patuloy ang paghahatid ng pagkain ng ating mga kawani para sa almusal at tanghalian.

Nagpaabot din ng karagdagang tulong ang ating mga konsehal at iba pang katuwang:
โ€ข Konsehal Banjo Pilar โ€“ arroz caldo at food packs
โ€ข Konsehal Vic Bernardo โ€“ champorado at bigas
โ€ข Konsehal Vito Generoso โ€“ food packs
โ€ข Dunkin' Donuts โ€“ donuts para sa ating mga evacuees

Nakaalalay din ang ating Barangay Health Center upang matugunan ang mga pangangailangang pangkalusugan ng ating mga evacuees at makapagbigay ng kaukulang serbisyong medikal sa mga nangangailangan.

Patuloy namang naka-monitor ang Social Services and Development Department (SSDD) upang matukoy at matugunan ang iba pang pangangailangan ng ating mga kabarangay na nasa evacuation centers.

Kasabay nito, pinananatili ring malinis at maayos ang ating mga evacuation centers sa pamamagitan ng maayos na pamamahala ng basura. Nagtalaga ng mga tamang lagakan para sa nabubulok at di-nabubulok na basura upang mapanatili ang kalinisan at maiwasan ang pagkalat ng sakit sa loob ng evacuation centers.

Sinisikap din ng ating barangay na maging ligtas at child-friendly ang ating evacuation centers. Nagtalaga ng isang lugar kung saan maaaring maglaro, mag-coloring, at magkaroon ng pagkakataong makapaglibang ang mga bata habang nananatili sila sa evacuation center.

Sa gitna ng ganitong sitwasyon, patuloy nating sinisiguro na walang kabarangay na maiiwan at bawat isa ay maalagaan. ๐Ÿค

Asahan ninyo na patuloy na nakaantabay ang Barangay Sauyo para tumugon sa pangangailangan ng ating mga kabarangay.

๐—ง๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜†-๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†Nakapaghatid na ng hapunan ang Sangguniang Barangay, katuwang ang atin...
29/08/2026

๐—ง๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜†-๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†

Nakapaghatid na ng hapunan ang Sangguniang Barangay, katuwang ang ating mga kawani, sa mga evacuation site kung saan kasalukuyang nananatili ang ilan nating mga kabarangay na naapektuhan ng pagtaas ng tubig-baha sa kanilang mga lugar.

Patuloy din ang ating mga kawani sa pagbibigay ng medikal na atensyon at pag-monitor sa kalagayan ng ating mga evacuees upang matiyak ang kanilang kaligtasan at agarang matugunan ang anumang pangangailangan.

Samantala, nakaantabay ang ating mga Rescuers sa iba't ibang lugar ng barangay bilang paghahanda sakaling muling bumuhos ang malakas na ulan at muling tumaas ang tubig. Patuloy nating mino-monitor ang sitwasyon.

Manatiling alerto, makinig sa mga abiso ng barangay, at unahin ang kaligtasan ng bawat isa.

Sa oras ng pangangailangan, patuloy na kasama ninyo ang Barangay Sauyo.

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—”๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ๐˜‚๐˜†๐—ผMuling bumuhos ang pabugso-bugsong ulan at patuloy na mino-monit...
29/08/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—”๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ๐˜‚๐˜†๐—ผ

Muling bumuhos ang pabugso-bugsong ulan at patuloy na mino-monitor ng ating barangay ang mga lugar na nakakaranas ng pagtaas ng tubig.

Bilang agarang pagtugon, naghanda at nagbukas ang Sangguniang Barangay ng mga evacuation site para sa mga residenteng kailangang lumikas:

๐Ÿ“ Victoria Covered Court
๐Ÿ“ Sauyo Elementary School
๐Ÿ“ CIBAC Satellite Barangay Hall

Sa mga lugar na lubos na apektado ng pagtaas ng tubig, hinihikayat po ang mga residente na lumikas at magtungo sa pinakamalapit na evacuation center. Huwag na po nating hintaying tumaas pa ang tubig bago lumikas. Dalhin ang mahahalagang gamit at unahin ang kaligtasan, lalo na ng mga bata, senior citizen, buntis, at mga residenteng nangangailangan ng espesyal na atensyon.

Para sa mga residenteng nasa evacuation center, nakaayos na rin ang paghahanda ng pagkain at serbisyong medikal upang matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan.

Patuloy namang nakaantabay ang Barangay Sauyo Rescue Team at iba pang mga kawani ng barangay para sa agarang pagresponde sa mga residente na nangangailangan ng tulong.

Manatiling alerto at patuloy na makinig sa mga opisyal na abiso ng Barangay Sauyo.

Sa oras ng sakuna, kaligtasan po nating lahat ang pangunahing prayoridad.

๐Ÿ’ง ONGOING WATER PUMPING OPERATION ๐ŸšจPatuloy ang water pumping operation ng ating BDRRM Team sa Gardenview Heights upang m...
19/08/2026

๐Ÿ’ง ONGOING WATER PUMPING OPERATION ๐Ÿšจ

Patuloy ang water pumping operation ng ating BDRRM Team sa Gardenview Heights upang makatulong sa mabilis na pag-alis ng naipong tubig dulot ng patuloy na pag-ulan.

Patuloy ang ating 24/7 monitoring sa mga lugar na posibleng bahain. Maraming salamat sa ating mga responders sa kanilang agarang pagtugon at serbisyo para sa kaligtasan ng ating mga residente.

BDRRM โ€“ Laging Handa, Mabilis Umalalay, Para sa Kaligtasan ng Lahat. ๐Ÿ’ช๐Ÿš’

Agarang Responde sa Baluyot ๐Ÿš’โ›ˆ๏ธDahil sa maghapong pag-ulan, patuloy na tumaas ang tubig sa Baluyot. Ipinag-utos ni Kap.N...
14/08/2026

Agarang Responde sa Baluyot ๐Ÿš’โ›ˆ๏ธ

Dahil sa maghapong pag-ulan, patuloy na tumaas ang tubig sa Baluyot. Ipinag-utos ni Kap.Noel F. Vitug ang agarang operasyon upang matugunan ang sitwasyon at maiwasan ang mas malalang pagbaha sa lugar.

Agad namang rumesponde ang BDRRM sa pangunguna ni Kgd. Dindo Alvarez, gamit ang water pump upang mapabilis ang pagbaba ng tubig.

Patuloy ang monitoring at pagtugon ng BDRRM sa mga lugar na apektado ng pag-ulan, bilang bahagi ng kanilang maagap na paghahanda at mabilis na pagresponde para sa kaligtasan ng mga residente.

BDRRM Sauyo โ€” laging handa, mabilis rumesponde, 24/7 nakabantay para sa kaligtasan ng lahat. ๐ŸŒง๏ธ๐Ÿšจ

๐ŸŒง๏ธ๐Ÿš’ ALERTO SA PATULOY NA PAG-ULANDahil sa patuloy na pag-ulan, nakaalerto ang ating mga Fire Fighters at Disaster Respon...
09/08/2026

๐ŸŒง๏ธ๐Ÿš’ ALERTO SA PATULOY NA PAG-ULAN

Dahil sa patuloy na pag-ulan, nakaalerto ang ating mga Fire Fighters at Disaster Response Team sa mga posibleng panganib na dulot ng masamang panahon.

๐Ÿ“ Sa Greenville at BIR Village, agad na nagsagawa ng pagputol ng mga sanga ng puno na maaaring bumagsak at magdulot ng panganib sa mga residente at dumadaang sasakyan.

Samantala, si Kgd. Dindo Alvarez ay patuloy na 24/7 nakamonitor sa mga lugar na posibleng bahain, upang maagap na matugunan ang anumang sitwasyon at makapagbigay ng kinakailangang response.

๐Ÿ™ Maraming salamat sa ating mga Fire Fighters, Disaster Response Team at volunteers sa kanilang patuloy na pagbabantay at mabilis na pagtugon.

Manatiling alerto at ligtas, mga kabarangay! ๐ŸŒง๏ธ๐Ÿš’

27/07/2026

๐๐”๐„๐™๐Ž๐ ๐‚๐ˆ๐“๐˜ ๐“๐‡๐”๐๐ƒ๐„๐‘๐’๐“๐Ž๐‘๐Œ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜ # 3
๐ƒ๐€๐“๐„ ๐ˆ๐’๐’๐”๐„๐ƒ: July 27, 2026
๐“๐ˆ๐Œ๐„ ๐ˆ๐’๐’๐”๐„๐ƒ: 03:22 PM

Sa kasalukuyan, nakararanas ng malakas hanggang sa napakalakas na pag-ulan ang ilang distrito ng Quezon City na maaaring magpatuloy sa loob ng 2 oras.

๐๐Ž๐’๐ˆ๐๐‹๐„๐๐† ๐„๐๐„๐Š๐“๐Ž:
- Banta ng pagbaha sa mga mabababang lugar at malapit sa mga ilog.
- Pagiging madulas ng mga kalsada at bangketa, delikado sa aksidente.

Lahat ay pinapayuhang magpatuloy na magbantay para sa pinakabagong mga update sa panahon mula sa PAGASA at Quezon City DRRMO.

Para sa anumang emergency, mangyaring tumawag sa 122. Maaari rin kaming sundan sa aming opisyal na page, Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council.

๐Ÿงน CLEAN-UP DRIVE | LOWER GULODBilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Barangay Sauyo para sa isang malinis, ligtas, at...
27/07/2026

๐Ÿงน CLEAN-UP DRIVE | LOWER GULOD

Bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Barangay Sauyo para sa isang malinis, ligtas, at maayos na komunidad, matagumpay na naisagawa ang Clean-Up Drive sa Lower Gulod sa pagtutulungan ng Eagle Squad Volunteerism Inc. at ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management (BDRRM) sa pangunguna ni Kagawad Dindo Montano Alvarez

Ang gawaing ito ay naisakatuparan sa patuloy na suporta at pamumuno ni Punong Barangay Noel F. Vitug, na nagsusulong ng mga programang pangkalinisan at pangangalaga sa kapaligiran para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Barangay Sauyo.

Lubos din naming kinikilala at pinasasalamatan ang Homeowners Association (HOA) ng Lower Gulod sa kanilang aktibong pakikiisa at pakikipagtulungan sa isinagawang clean-up drive. Ang kanilang dedikasyon at malasakit sa komunidad ay naging mahalagang bahagi ng tagumpay ng gawaing ito.

Maraming salamat din sa lahat ng volunteers, mga residente, at mga katuwang na nakiisa sa programa. Sa pamamagitan ng bayanihan at pagkakaisa, patuloy nating mapapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang ating minamahal na Barangay Sauyo.

๐Ÿ”ฅ Pamamahagi at Installation ng Fire Extinguisher ๐Ÿ”ฅPatuloy ang Barangay Sauyo sa pagpapalakas ng kahandaan ng ating komu...
17/07/2026

๐Ÿ”ฅ Pamamahagi at Installation ng Fire Extinguisher ๐Ÿ”ฅ

Patuloy ang Barangay Sauyo sa pagpapalakas ng kahandaan ng ating komunidad laban sa sunog sa pamamagitan ng pamamahagi at installation ng mga fire extinguisher sa ibaโ€™t ibang lugar sa ating barangay.

Lubos din nating pinasasalamatan ang World Vision Philippines sa kanilang karagdagang 50 pirasong fire extinguisher na ipinagkaloob upang mas marami pang lugar at komunidad sa Barangay Sauyo ang mabigyan ng sapat na kagamitan para sa kaligtasan at paghahanda sa oras ng sakuna.

Ang programang ito ay isinakatuparan sa ilalim ng pamumuno ni Punong Barangay Noel F. Vitug at sa pakikipagtulungan ni Kgd. Dindo Montano Alvarez, Co-Chairperson ng BDRRMC, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Barangay Sauyo na mapanatiling ligtas, handa, at matatag ang ating komunidad laban sa anumang panganib ng sunog.

Maraming salamat sa World Vision Philippines, sa mga katuwang na organisasyon, at sa lahat ng mga volunteer na naging bahagi ng matagumpay na pamamahagi at installation na ito. Sama-sama nating itaguyod ang isang ligtas at handang Barangay Sauyo! ๐Ÿš’๐Ÿงฏ





Address

Old Sauyo Road
Quezon City
1116

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Sauyo Disaster Risk Reduction and Management Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Brgy. Sauyo Disaster Risk Reduction and Management Office:

Shortcuts

Share